Kabanata 12: Computer Lab

6 2 2
                                    

"AYOKO NA!" sigaw ni Rioka habang marahang hinahaplos ni Eliza ang kanyang likod

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"AYOKO NA!" sigaw ni Rioka habang marahang hinahaplos ni Eliza ang kanyang likod.

Sandali namang napatingin sa kanilang gawi ang ilan sa kanilang mga kaklase dahil sa biglang pagsigaw ng dalaga.

Pagkatapos kasi na matunghayan ang ginagawang milagro ng taong gusto niya at ng kanilang guro ay agad siyang dumiretso sa gazebo-kung saan din nakatambay ang kanyang mga kaklase.

"Please tell me what's wrong, Rioka. Para naman may maitulong ako," sambit ni Eliza na puno ng pag-aalala. Agad umirap si Eliza sa kanyang mga kaklase nang makita niyang mukhang nakiki-usyoso ang ilan sa kanila.

"You really wanna know why ngawa ako ng ngawa ngayon?" aniya. "I just caught Xyryl having sex with her," halos pabulong na bulalas ni Rioka sa kanang tenga ni Eliza.

"Who?"

"Miss."

"Miss Alexa?"

Agad tumango si Rioka habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Napaawang ang bunganga ni Eliza dahil sa gulat. Hindi niya akalain magagawa iyon ng dalawa lalo pa't nasa loob sila ng paaralan.

"Maybe they're breaking now the rules since alam naman nila na wala na tayong pag-asa rito," malungkot na turan ni Rioka.

"No, Rioka. We need to be tough. Kailangan pa nating hanapin si Mayumi and that killer-kailangan pa niyang managot sa kanyang ginawa kay Kath!" ani Eliza na puno ng pag-asa.

Napabalikwas sila nang bigla na lamang sumigaw si Kian.

"Grabe! Pati si Xyryl, natuhog si Miss!"

Mabuti na lamang at maagap na tinakpan ng dalawa ang matabil na bunganga ng binata dahilan upang hindi siya marinig ng ilan sa kanyang mga kaklase. Agad naman siyang inirapan ni Eliza.

Napakapayapa ng buong Academia de Adler ng mga oras na iyon. Makulimlim ang kalangitan ngunit hindi naman ito dahilan upang bumagsak ang malakas na ulan. Buwan ng Hunyo kaya ramdam na ramdam nila ang dalang hangin ng Hanging Amihan. Nagkalat din sa buong paligid ang mga tuyong dahon ng malaking puno ng akasya sa kadahilanang wala nang nakatuka upang magwalis ng mga kalat nito. Ang tanging maririnig ng mga oras na iyon ay ang mga huni ng ibon na tila ba nagbubunyi sa kinahitnan ng dating tanyag na eskwelahang ito.

"Ano 'yon?" Tinuro ni Agustus ang makulay na papel na kasalukuyang nililipad ng hangin kasabay ng mga dahon sa paligid. Agad namang tumalima si Lawrence upang kunin ang naturang papel.

"Ano 'to?" Pagkabahala at pagkalito ang bumalot sa mukha nina Agustus at Lawrence, at ng iba pa nilang mga kaklase nang tuluyan na nilang mabasa ang nilalaman ng papel.

"Ano 'to?" Pagkabahala at pagkalito ang bumalot sa mukha nina Agustus at Lawrence, at ng iba pa nilang mga kaklase nang tuluyan na nilang mabasa ang nilalaman ng papel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon