"THIS IS AN EMERGENCY broadcast. All students must bring themselves to the school oval for physical activities. I repeat, all students must go to the school oval. Thank you."
"This is an emergency broadcast. All students must bring themselves to the school oval for physical activities. I repeat, all students must go to the school oval. Thank you."
Sunod-sunod na umalingawngaw ang tila ba kulog sa lakas ng tunog ang anunsyo sa mga speaker na nakakalat sa buong paaralan ng Academia de Adler. Dahil dito ay isa-isang napabangon ang mga estudyante ng seksyon Euclid na natutulog sa infirmary ng paaralan. Marami sa kanila ang nainis, ang iba naman ay humihikab pa; samantalang ang ilan sa kanila ay hindi man lang natinag sa naririnig na ingay sa paligid. Makaraan ang limang minuto, ay agad namang tumigil ang anunsyo sa speaker.
"What's with the noise? I thought tayo na lang ang natitirang buhay rito?" naiinis na sambit ni Astrid sapagkat natigil ang kanyang magandang panaginip.
"Siguro ni-record na naman ito gaya ng sinabi ng killer noon!" ani Prynz. "Iba ang kutob ko rito."
"Mabuti pang tingnan na lang natin kung anong meron sa oval. Seems something's off," turan ni Winter at saka mabilis itong bumangon upang puntahan ang nasabing oval.
"T-teka! Nakita n'yo ba si Andrea? K-kanina ko pa siya hindi nakikita e," nauutal na sambit ni Nicca habang inililibot nito ang kanyang paningin sa buong silid na tila ba kwago.
"'Di ba magkatabi kayo kagabi?" naguguluhang tanong ni Caitlynn.
Totoo 'yon. Magkatabing natulog sina Nicca at Andrea sa sahig na pinagigitnaan ng mga kama nina Astrid at Miss Nikkole. Ngunit paggising niya ay wala siyang nakapa miski kaluluwa ni Andrea.
"H-hindi ko alam!" natatarantang turan ni Nicca. "Pa'no kung patay na rin ang babaeng 'yon! Wala na akong magiging kakampi rito!"
Naalala sandali ni Nicca ang mga panahon kung ano siya dati at kung paano niya naging kaibigan si Andrea.
Noong nasa ikatatlong taon pa lamang sila sa hayskul sa ilalim ng seksyon Curie ay hindi pa si Astrid ang tinaguriang Campus Queen ng Academia de Adler. Sapagkat noong mga panahong iyon, si Nicca ang nagdadala ng naturang katawagan. Kompara kay Astrid ngayon, mas maganda si Nicca noon dahil sa napakasopistikado nitong ganda at pananamit. Hindi tulad ngayon, napakahaba ng buhok nito noon na mala-alkitran sa itim. Napakinis rin ng mestisa nitong balat na animo'y porselena sa ganda sapagkat walang makikitang peklat dito. Matangkad din ang dalaga at miski ang paglalakad nito ay parang sumasayaw na tila ba bibe. Dahil sa mga aspeto na ito, marami siyang nabighaning mga kalalakihan, at marami ring nainggit na mga kababaihan, gaya ng grupo nina Astrid.
Si Astrid ang tinaguriang Campus Sweetheart dahil sa hindi rin mapapatawang ganda nito na animo'y nililok ng isang batikang iskulptor. Madalas silang ikumpara ng karamihan sa larangan ng kagandahan. Ngunit ang ikinaiinis ng dalaga ay bakit sa tuwing ihahambing siya kay Nicca ay siya palagi ang umuuwing luhaan. Kahit noong bata pa lang ay wala siyang ni isa na gusto na hindi tinupad ng kanyang namayapa nang mga magulang. Kaya hindi siya makakapayag na matalo lamang siya ng isang dukha na katulad ni Nicca. Dahil dito, isang masamang balak ang binuo niya kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Eleen, Mayumi, Madeline, at Sandra.
Totoong lumaking salat sa yaman sina Nicca at ang nakakabata nitong kapatid na si Ondoy. Ngunit hindi naman ito naging hadlang upang huminto siya sa pag-aaral. Nang nabaliw ang kanyang nanay noong kakasimula pa lamang niya sa hayskul ay muntikan pa siyang huminto sa pag-aaral. Isang kasambahay ang kanyang ina sa isang mayamang pamilya sa dulo ng bayan ng Santa Monica na malayong-malayo sa kabihasnan. Sa pagkakaalam niya ay kailangan pang umarkila ng kanyang tatay ng traysikel upang sunduin ito sa labas ng tarangkahan ng mansyon. Sinusundo ito ng kanyang tatay tuwing umaga ng Sabado, at hinahatid naman niya ito tuwing hapon ng Linggo. Nakita na niya ang mansyon noong minsang makasama siya sa kanyang tatay sa pagsundo sa kanyang ina. Manghang-mangha siya rito sapagkat ang akala niya ay tatanda na lamang siya na hindi makakakita ng isa.
BINABASA MO ANG
Wild Blood
HorrorKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...