TAWANG-TAWA ang walong naglalaro ng baraha sapagkat ang pinakamaraming talo sa kanila na sina Hugh at Miko ay punong-puno na ng mga marka ng pulang lipistik.
"Ang unfair naman! Sabi isang guhit lang e. Kainis... din-rawing-an pa ako ng mga pota ng bigote," naiinis na utal ni Hugh habang tinitingnan ang kanyang mukha sa maliit na salamin ni Astrid.
"At least sa 'yo bigote lang. E sa 'kin? May nag-drawing ng eyeglasses!" pasigaw na sambit ni Miko habang tumitingin kay Ken, ang may gawa ng naturang marka.
Pinakita naman ni Ken ang kanyang kanang kamao sa binata, simbolo na huwag na itong umangal pa. "Laro lang naman 'yan. Tangina," bulong pa nito.
"Ahh... Nicca? Hindi mo ba napapansin na kanina pa hindi bumabalik si Mayumi?" nanginginig na tanong ni Andrea.
"Hintayin mo na lang. Baka maya-maya andito na 'yun," saad ng dalaga, habang hinuhugasan ang mga kumpol ng preskong mga pechay.
"Pero Nicca... halos 30 minutes na siyang wala," ani Andrea. "B-baka p-patay na rin s-siya."
"Kung nag-aalala ka talaga para sa kanya, sunduin mo na lang siya—na 'di mo naman gagawin dahil walang ilaw do'n ano?" Saglit niya pang tiningnan si Andrea, na naka-upo rin sa kanyang tabi, pinapaaalahanan na huwag itong mag-alala. Tumango naman ito sa kanya nang dahan-dahan bilang tugon.
Walang anu-ano'y bigla na lang lumapit sa kanila si Zaira. "Hello. Ako na lang ang susundo kay Mayumi. Tutal kukuha rin naman ako ng gatas do'n sa stock room," malumanay na saad nito sa kanilang dalawa.
"O siya... sige," saad ni Nicca. "Bilisan mo na lang. Malapit na din 'tong maluto lahat. Mamaya kakain na rin tayo."
Napakadilim na hallway ang bumungad kay Zaira nang tuluyan na siyang makapasok dito. Suminghot siya ng dalawang beses nang may maamoy siyang tila patay na daga. Pagkarating niya sa harap ng pintuan na may nakatatak na Wet Goods, saglit niyang inayos ang kanyang mga salamin sa mata upang klaruhin ang mga salitang nakasulat dito. Nang mapagtantong nagkamali siya, tumalikod siya at dahan-dahan na lumapit sa pintuan ng Dry Goods. Nagtaka siya nang makitang nakaawang ang pintuan, at nahinuhang dito nagmumula ang tila ba baho ng patay na hayop. Marahan niyang binuksan ito at at hindi na isinara pa.
"Mayumi? Andito ka ba?" tawag niya kay Mayumi at sinubukang pindutin ang switch ng ilaw. Nang makitang hindi naman gumagana ang ilaw, marahan niyang binuksan ang nag-iisang jealousie ng silid. "Mayumi? Tara na," dagdag pa niya na halos pabulong na habang nakatingin sa labas ng bintana.
Bigla siyang nangilabot nang tila may naaninag siyang tao sa labas ng bintana. Agad niya namang isinarado ito, dahilan upang mapatingin sa bintana ang misteryosong taong iyon.
"Asan ka na ba, Mayumi?" halos pabulong na utal niya.
Nagpalakad-lakad pa siya sa buong kwarto upang hanapin ang estante ng mga gatas.
BINABASA MO ANG
Wild Blood
HorrorKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...