"IT'S ALL your fault, Nicca. Inuubos mo na lahat ng mga kaibigan ko. And now, Sandra will be dead soon. Is it all your plan, right from the start?" naiiyak na turan ni Astrid.
"H-hindi! H-hindi ko alam, Astrid. I'm so sorry," pagdedepensa ni Nicca sa kanyang sarili.
"So, simulan nat—"
"Sandali! 'Di ba sinabi mo kanina na 'two consecutive correct answers will save the next incorrect answer'? Kaya dapat, ligtas si Sandra sa panahong ito!" determinadong sambit ni Prynz.
"Yeah, right. Remembered it, too!"
"Oo nga, no!"
"Manloloko ka talaga!"
"Ok, I admit it. Sinabi ko kanina sa rules na pwedeng may maligtas pero nalimutan ko lang siya, actually. Kaya, will you please forgive me? Please!"
Ikinuyom ni Ken ang kanyang kamao samantalang si Prynz naman ay nagtiim-bagang.
"Nababaliw ka na ba? Sa tingin mo, mapapatawad ka namin ng gano'n-gano'n lamang?" puno ng inis na sambit ni Ken.
"Ok, that's enough. Might as well proceed to the second to the last question."
Napahinga nang maluwag si Caitlynn sa narinig dahil sa wakas matatapos na rin ang kalbaryong ito. Ngunit alam niyang hindi pa rito nagtatapos ang lahat. Natatakot siya sapagkat habang unti-unting nauubos ang mga katanungan ay siya ring palala nang palala ng mga nangyayari.
"Sino sa kanila ang tanging saksi sa ginawang pagpatay ni Ken sa ex-gf nitong si Madeline?"
Pak!
Nabigla ang lahat sa malakas na sampal na iginawad ni Astrid kay Ken. Hindi nagawang makailag ng binata sa galit ng dalaga dahil sa bilis ng pangyayari.
"I-ikaw?! You k-killed Madeline? K-ken, you're so evil! Ang sama-sama mo!" puno ng galit na sigaw ni Astrid sa binata. "Sino yung accomplice mo? Tell me! Sino sa kanilang tatlo?" dagdag pa nito habang tinuturo-turo ang tatlong mga bihag ng killer.
"Astrid, wala akong alam kung sino ang nakakita no'ng gabing 'yon na bawian ng buhay si Madeline. Believe me, wala akong alam!" pagdedepensa ni Ken sa sarili.
"You're still that Ken we knew the day she died. Parati ka na lang walang alam! Walang alam! Are you really that dumb, Ken?!" halos maiyak na sambit ni Astrid.
"Drama ninyo! Magsimula na kayong luminya!"
Hindi malaman nina Astrid at Ken kung saan sila linya; maging ang kanilang mga kaklase. Sa huli ay tatlo ang luminya kay Andrea, sina Zaira, Fourth at Ken. Lima naman ang luminya kay Kian, sina Prynz, Winter, Russel, Caitlynn, at Miss Nikkole. Samantalang sa panig naman ni Sandra luminya sina Theo, Nicca, at Astrid. Walang nakakasigurado kung ano ba talaga ang tamang sagot. Ramdam na ramdam ng bawat isa ang kaba at takot sa kung ano ang mangyayari at sa bagong katotohanan na kanilang malalaman.
"Ano ba naman 'yan! Mali na naman kayo. I'm so flattered. Mahirap pala talaga ang mga tanong ko that even the most intelligent class in school ay nagkakamali," sambit ng killer at saka tumawa ito ng nakakakilabot.
"Kung hindi si Kian, sino?"
"Andrea ang sagot ko. I'm sure."
"Baka si—"
"It's Sandra. Sandra witnessed how Madeline died in front of her very eyes. Pero wala siyang ginawa upang ibunyag ang katotohanan. Do you really think Astrid, that she's really your friend?"
BINABASA MO ANG
Wild Blood
HorrorKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...