Kabanata 9: The Lone Survivor

15 3 0
                                    

MATAPOS NA MAKAALIS ng buong seksyon malapit sa bulletin board malapit sa gate ng eskwelahan ay minabuting iginiya nina Winter at Fourth ang kanilang nasasakupan sa gazebo na nasa harapan lamang ng Euclid Building

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MATAPOS NA MAKAALIS ng buong seksyon malapit sa bulletin board malapit sa gate ng eskwelahan ay minabuting iginiya nina Winter at Fourth ang kanilang nasasakupan sa gazebo na nasa harapan lamang ng Euclid Building. Napagdesisyonan kasi ni Winter na mas mainam na paghatihatiin na niya ang buong klase nang sa gayon ay mabilis nilang mahanap si Mayumi.

"So Group 1 ang team leader niyo ay ako. Kasama ko sina Hugh, Theo, Astrid, at saka si Nicca," pag-aanunsyo ni Winter sa harapan ng kanyang mga kaklase habang itinuturo ang mga kaklase na kanyang tinatawag.

"Seriously, Pres? Kasama ko 'yang loser na 'yan? My God! Magiging pabigat lang 'yan sa paghahanap kay Mayumi. Kainis!" pagmamaktol ni Astrid tapos ay inirapan niya si Nicca na nalukot na rin ang mukha.

Ngunit hindi na ito pinatulan pa ni Nicxa. Ang mas importante sa kanya ay ang mahanap si Mayumi at nang tuluyan na silang makalabas sa impyernong kinalalagakan nila sa kasalukuyan.

"Sa grupo ko naman, which is Group 2, ay ako ang magiging leader niyo. I'll be with Miko, Russel, Zaira, and Andrea," halos pasigaw na sambit ni Fourth upang pigilan ang pag-aaway ni Astrid kay Nicca.

Agad namang nakipag-apir si Miko kay Russel nang marinig nila ang kanilang mga pangalan. Masaya silang dalawa dahil magkakasama na naman sila sa iisang grupo.

"At sa huli ay sa grupo naman ni Prynz. Naisip ko kanina na si Sandra sana ang team leader niyo pero naisip ko rin na mas mainam kung lalaki rin ang lider para mas maproteksyonan nito ang kanyang mga kagrupo," pagsasalaysay ni Winter.

"Mmmmmmmm..."

"Narinig niyo 'yon?" kinakabahang tanong ni Miko habang humahalikipkip sa kanyang katabi na sina Russel at Ken.

"Gayshit," sambit naman ni Ken habang pilit na inaalis ang ulo ni Miko sa kanyang braso.

"Arte mo naman, bro," saad ni Miko saka itinulak ng bahagya si Ken dahilan upang mapasubsob ang binata sa kanyang katabi na si Sandra.

Hindi sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi. Mabuti na lamang at walang nakakita sa tagpong iyon. Agad namang humingi ng pag-unawa si Ken sa tila ba naistatwa na dalaga. Matapos nito ay malakas na sinapak niya si Miko.

Papalag pa sana si Miko sa ginawa sa kanya ni Ken ngunit narinig na naman nila ang misteryosong ingay kanina.

"Mmmmmmmm..."

"Baka 'yan na 'yong mga multo ng mga pinatay!"

"Creepy!"

"Let's get outta here!"

"Mga bakla!"

"Wait guys. Pakinggan niyong mabuti," utos ni Fourth sa kanyang mga kaklase.

"Mmmmmm..."

"Mmm..."

"Sa Marcos Building ata 'yan nanggagaling," sambit ni Zaira at saka tiniklop ang dalang kwaderno matapos na iipit ang hawak-hawak na bolpen sa pagitan nito.

Wild BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon