"Please g-gumising ka na, Eleen! P-please!" pagdadalamhati ni Sandra habang sinusubukang i-CPR ang bangkay ni Eleen, umaasang mabubuhay pa ito. Nasa likod naman nito si Andrea na hinihimas ang balikat ng dalaga upang kahit papaano ay mapatahan niya ito.
Mayamaya ay bigla na lang nagkukumahog na makapasok si Astrid sa kanilang silid nang makarinig siya ng malakas na pagsigaw kanina mula rito.
Napaawang ng bibig si Astrid nang makita ang magulong sinapit ng kanilang kwarto, maging ang katawan ng kanyang kaibigan na kasalukuyang pinaglalamayan ni Sandra. Lumapit siya rito at paupo ring lumuhod gaya ng kaibigan.
"T-tell me this is some sort of joke, S-sandra!" marahas na niyugyog ni Astrid ang magkabilang balikat ng dalaga. Itinigil naman ni Andrea ang kanyang pagpapatahan kay Sandra upang mabigyan ng panahon ang mga ito na magdalamhati sa kanilang nasawing matalik na kaibigan.
Umiling nang dahan-dahan si Sandra bilang tugon sa tanong ng kaharap niyang dalaga. Tumingin si Astrid sa lumubong katawan ni Eleen at nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha niya sa pagpatak.
"Eleen! P-please wake up!" Tumigil siya saglit upang humikbi. "S-sabi mo pa 'di ba na we'll travel abroad with Mayumi and Sandra once we g-get out of here?" dagdag pa nito at saka pinunasan ang kanyang mga luha.
Pinatahan naman siya ni Sandra at nagyakapan silang dalawa.
Walang anu-ano'y biglang kumawala si Astrid sa mga yakap ni Sandra nang may maalala ito, at saka tinanong ang dalaga, "Sandra, 'di ba kayo ang unang nakaakyat dito sa dorm?"
Marahan namang tumango si Sandra na nagtataka sa biglang katanungan ng dalaga.
"S-si Mayumi? D-did you saw her?!"
Napadilat ng mata si Sandra nang maalalang bumalik daw rito sa dormitoryo si Mayumi, base na rin sa sinabi ni Andrea, sa gitna ng pag-aaway nina Nicca at Astrid kanina sa kantina.
"H-hindi pa. B-baka nasa kwarto nina C-caitlynn..." sagot naman ni Sandra nang may pag-aalinlangan.
Nang marinig ang mga katagang sinambit ni Sandra ay kumaripas naman agad ng takbo si Caitlynn upang tingnan kung nandoon ba talaga sa kanilang silid si Mayumi. Mabilis namang sumunod sina Prynz at Zaira sa kanya.
"Wala siya sa room namin. Baka nasa kwarto ng mga lalaki," nanlulumong sambit ni Caitlynn pagbalik nilang tatlo sa kumpulan ng kanyang mga kaklase sa harap ng basang-basang silid nina Astrid.
"Imposible 'yang sinasabi mo, Caitlynn. How come naman na pupunta siya sa kwarto namin?" nagtatakang sambit ni Fourth.
Sumenyas naman si Winter na subukan na lamang nilang hanapin sa kanilang mga kwarto si Mayumi.
Ngunit paglabas ng mga lalaki sa kanilang kwarto ay walang ni anino ni Mayumi ang kanilang nailabas.
"N-no... this can't be happening," humihikbing utal ni Astrid nang mapagtantong baka patay na rin ang kanilang kabarkada na si Mayumi. Naalala niyang hindi pa pala nagkakaayos ang dalaga at saka si Eleen simula nang aksidenteng mapagbintangan itong maysala ni Eleen sa pagkamatay nina Krystall at Vanessa. Agad naman siyang dinaluhan ni Sandra upang tumigil na ito sa pagpapalahaw.
BINABASA MO ANG
Wild Blood
HorrorKategorya: HORROR ______ Nasa peligro ang buhay ng mga estudyante ng seksyon Euclid sa kamay ng gumagalang killer sa loob ng kanilang eskwelahan. Wala silang kaalam-alam kung ano ba talaga ang pakay ng killer hanggang sa isiwalat nito na gusto niton...