2-Weaponry Department

1.9K 79 2
                                    

Gamit ang liwanag na nagmumula sa labas, doon ko nakita ang kung ano ang nasa likod ng pakwadradong bakal na pinto.

Kasabay ng pagkamangha ay ang pagkalungkot dahil wala ni isang tiga-sector o tao akong nakita sa loob.

Malayo ang itsura nito sa kung ano ang nasa labas. Maayos ang kabuuan ng maliit na espasyo ngunit may nakapalibot na mga alikabok sa mga kagamitan dahil na rin siguro sa nangyaring pagsabog. Dahil hindi ko matanaw ang kabuuan ng kwartong kinalalagyan ay kinuha ko ang flashlight na aking nakita di-kalayuan na nakapatong sa isang open cabinet.

Akmang bubuksan ko na ang flashlight ng ako'y maalarma ng makarinig ng tunog ng isang helicopter jet sa himpapawid.

Mabilis kong ibinalik sa kinalalagyan mula sa loob ang takip na metal na aking nakita.

Pinakinggan ko ang mga tunog sa labas, gamit ang flashlight ay dali-dali akong naghanap ng mahabang bagay bilang pangkalso sa aking kinaroroonan at ng makahanap ay dali-dali ko itong ipinangko mula sa loob.

Nararamdaman kong isa ito sa mga pag-aari ng magaling na Conner Heinz para siguraduhing wala na ako. Pinakiramdaman ko pa kung ano ang mga mangyayari dahil may naririnig akong mga yabag ng paa na tila nililibot ang sector na sinira nila.

Siguradong mga tiga-SkyTech ang mga ito dahil walang ordinaryong tao ang nakakaalam ng lugar na Area 51 dahil matagal na itong burado sa mapa sa kabuuan ng bansa.

Itinapat kong muli ang ilaw sa maliit na pakwadradong pinto. Naghanap pa ako ng bagay sa kabuuan ng silid na maaaring magamit bilang panglock sa pinto mula sa loob.

Nakahanap ako ng lubid at kinuha ko ito saka itinali sa maliit na handle sa maliit na pinto at itinali ang kabilang dulo sa pader kung saan may mga handle bars na nakadikit dito.

Nang masiguro kong matibay ang pagkakatali ay saka ko nilibot ang kabuuan ng kwartong kinaroroonan.

Hindi ko malaman sa sarili kung bakit ganoon na lang ang tuwa ko ng makita ang iba't-ibang klase ng armas na maayos na nakahilera sa isang estante.

Siguro dahil ngayon ay nagsisimula na akong bumangon at may armas na akong maaaring gamitin para kitilin ang buhay ni Heinz. Alam kong hindi magiging madali ang lahat, lalo na at mag-isa na lamang ako. Pero uunti-untiin ko ang lahat ng hindi nya namamalayan.

Nang mapatapat ako sa isang estante na gawa sa glass ay inalis ko ang makapal na alikabok gamit ang kamay. Doon ko nakita ang iba't-ibang klase ng hand gun, mga daggers na mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking size ng ganoong uri. Sa ibabang bahagi ng estante doon nakahilera ang iba't-ibang shurikens na may iba't-ibang disenyo maging mga kunai.

Napakunot ang noo ko.

Ito ang tinatawag na classified weapons ng Sector? Tila ordinaryo lamang ang mga ito at kalimitan ng makikita sa training room. Inilibot ko pa ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Sa gitnang parte nito kung saan may isang malapad na mesa malapit sa pader ay doon ako nagpunta. Kakaiba ang materyal ng mesa at hindi ito ordinaryo lamang, pinagmasdan ko itong maigi at nakakita ako ng tatlong klase ng button.

Red, green and blue ang mga ito. I pressed the red one at ganoon na lang ang pagkagulat ko ng bumukas ang pader sa kanang bahagi ng silid. Sa loob ng pader ay may hindi kalakihang lalagyanan ng mga bala, mga rack ng black marbles, mga maliliit na tila bala ng sumpak ngunit iba ang pagkakagawa ng dulo nito. Tatlong kulay din ang makikitang pagkakaiba nila.

Sa pinakailalim ng lalagyanan ay naroroon ang mga weapon holster, mga lalagyanan ng mga armas para sa maliliit na bagay at bag na maaaring paglagyan. Kinuha ko ang isa at isinuot sa aking likod, hindi ko maiwasang mamangha dahil naging invisible ito sa aking paningin ngunit ng kapain ay ramdam kong nasa likod ko pa rin ito.

Pinindot ko naman ang asul na buton at automatic na nagbukas naman ang kaliwang bahagi ng pader kung saan doon nakapwesto ang mga armas kanina. Panakip lang pala ang estante na iyon dahil nang magbukas ang pader ay naroroon ang isang pakwadradong espasyo na kasukat ng nasa kanan.

Binasa ko ang nasa ibabang bahagi nito.

H I G H C L A S S  W E A P O N
Inventors: Railey Noel Alcaraz and Warren Alcaraz.

Kahit sabihin kong walang puwang ang pagiging mahina dahilan sa mga nangyari, sa mga oras na ito ay hindi ko napigilang pumatak ang luha ko habang sinusundan ng aking mga daliri ang pangalan ni Rain.

Marahil ito siguro ang kanyang project na pinagkaabalahan noon pa man. Napansin kong hindi ito kasing dami ng nasa kabilang lalagyanan.

Sampung bagay lamang ang nasa loob nito at may kaakibat na espasyo ang bawat isa. May pangalan din ang mga ito. Lalong bumuhos ang luha ko ng makitang ang mga pangalan nina Kim, Kenji, Tucker, Liz, Warren at ng pangalan namin ni Rain ang naroroon.

Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Sana nandito sila na  kasama kong lalaban at kukuhanin si Rain sa kamay ng SkyTech.

Pero wala.

Agad kong pinahid ang aking mga luha ng maalala ang misyon ko. Tinignan ko ang bawat armas na kung tutuusin ay napakaordinaryo lang kung titignan.

Kay Kim ay isang ballpen, ang kay Liz ay isang pair of earings na patulis ang hugis, kay Tucker ay isang relo at kay Kenji ay isang chain bracelet.

Alam kong hindi ordinaryong mga gamit lamang ang mga ito para mailagay at makategorya bilang classified na weapon tulad na rin ng mga armas na nasa loob ng silid.

Pero bahagya akong napangiti dahil halatang ang mga kaibigan namin ang iniisip ni Rain noong mga panahong ginagawa nila ang mga ito dahil akma sa personalidad nila ang bawat isa.

Natuon ang pansin ko sa bagay na nakalaan kay Rain at sa akin. Magkasama ang pangalan naming dalawa sa tapat ng isang hugis matchbox na kulay itim.

Kinuha ko ito ng dahan-dahan at pinagmasdan, may mga tatlong maliliit na buttons sa gilid nito at ng mapindot ko ang isa ay kusa itong nagbukas.

Hindi makapaniwalang napatakip ako sa aking bibig habang pinagmamasdan ang bagay na nasa loob ng kahon.

Ang kaninang pinunasang luha ay kusang lumabas muli.

It was a ring.

A silver ring na may kakaibang disenyo. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito at isinukat and it fit perfectly on me.

Unti-unti akong napaupo mula sa aking kinatatayuan at pinagmamasdan ang singsing.

Ngayon ay mas naging desidido ako.

I need to know what this ring is for, and for me to be able to know. Kailangan kong maibalik sa piling ko ang may-ari nito.

~~~~



C: Hindi ko alam kung na-gets nyo ung lugar kasi hindi ako magaling magdescribe.hahahaha!
Tapos nakakatuwa kasi kahit hindi kayo mga nagko-conment dito or kahit sa first book, sa pamamagitan ng paga-add ng story sa mga reading list nila. Alam ko ng may nakakabasa ng gawa ko.

Mwuahahahah! Yun lang. Sa sobrang tuwa ko, sinipag ako.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon