9-Ring

1.6K 60 3
                                        

Nagising ako kinaumagahan dahil sa narinig kong pagkaluskos sa paligid. Tanging huni ng mga ibon ang maririnig sa paligid at nakita kong nasa may passenger seat pa rin si Kenji na mahimbing na natutulog.

Maingat akong lumabas sa kotse at isinarado itong muli. Tinignan ko ang paligid at tanging mga puno at mga ibon lang ang makikita. Sumikat na rin ang araw kaya't minabuti kong gisingin na si Kenji.

"Pumasok na tayo sa loob."saad ko ng makitang gising na sya,tumango lang sa akin si Kenji at lumabas na rin ng kotse, tinakpan ulit namin ito ng mas marami pang mga malalaking dahon at sanga saka pumasok sa kweba.

Nadatnan naming tahimik na kumakain sina Warren, Tucker, Sir James at Sir Chris.

"Saan kayo galing? Oo nga pala, kumain na din kayo. Tucker told me you bought us food supplies Zoey. Thank you." Saad ni Sir James na ikinatango ko lang.

"Walang anuman. Kakailanganin natin iyon pero kailangan pa rin nating magtipid hanggat hindi pa tayo malayang makalabas sa bayan."sabi ko.

Lahat naman sila ay natahimik,siguro ay naalala din nila ang huling operasyon na pumalpak. Hindi, mali, iyong operasyon na natunugan ng SkyTech.

Kumain kami ni Kenji at niligpit din namin ang aming mga pinagkainan, pare-parehas na cereal lang naman ang kinain namin kaya madali na rin naming nalinis ang mga kalat. Nakita ko si Chief na natutulog pa rin kaya minabuti naming mag-usap na anim sa loob ng isang silid na ginawa din nila.

Kumpara sa kinatatayuan namin kanina, mas malawak ang parteng ito, may isang mesa na gawa sa kahoy at doon nakapatong ang dalawang laptop, halatang gawa sa raw materials ang extension cord na may outlet para sa kuryente, dumadaloy ang mga kable papalabas sa isang butas na papaakyat. Sa isang tabi ay mga kahon na nasa sampu at magkakapatong, iyon siguro ang mga nasalbang supplies mula sa naging operasyon dati. Sa tabi nito nakalagay ang isang bag na dala namin ni Tuck na sa pagkakatanda ko ay naglalaman ng mga pang-undercover na damit na kakaiba din ang pagkakayari.

"It's a good thing na maalam akong mag-gawa ng solar panel out of scrap materials kaya nakakagamit pa rin kami ng laptop para sa pagtrack." Saad ni Sir James.

Nakita ko naman na sa isang may kalakihang mesa na gawa din sa kahoy ay doon nakapatong ang mga classified weapons maging ang mga armas na nakalap namin sa weapon room. Nakatayo doon si Warren at isa-isang tinignan ang mga ito, he looked at Tuck's wrist and then to my hands, specifically sa forefinger ko.

"I see that you two already have yours." Saad ni Warren at tumango na lang ako saka itinuon ang atensyon sa mga armas sa mesa.

"Nakagamit ako ng isa nito at ito. Naisip kong maaaring bomba ito and I was right." Saad ko habang hawak ang isang black marble.

"Yes. You're right. Kahit maliit lang ay kaya nyang makapatay ng sampu pataas na katao oras na masabugan sila nyan. That one you are holding too is a unlocker and I think you have used it right." Saad ni Warren na ikinatango ko.

"Anong ginagawa ng mga classified weapons na ito?" Tanong ni Tuck patungkol sa relo nya at sa mga armas na para sa mga kamiyembro namin.

"Well, chief told Railey and I to create weapons for the Alpha Team as a gift, para sana sa nalalapit na anniversary ng Sector. But shit things happened, mabuti na lang at nakuha nyo ito."

"But it does more than a gift." Komento ni Sir Chris, nakita kong nakatitig sya sa weapon na para kay Kim.

"So what does it do?" Tanong ko sabay alis ng tingin kay Sir Chris.

"Well, Tucker's watch is like a computer. Naroroon lahat ng data files ng Sector at ng mga kakailanganin natin and we can use it for tracking as well as hacking. Since Tuck's specialization is more on softwares, that was the gadget I made for him."

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon