Nagpalipas ako ng oras sa loob ng weapon room at ibinalik sa dating ayos ang mga binuksan kong secret compartment. Nakita kong ang kulay asul na buton ay naglalaman ng iba't-ibang damit na siguro ay pang-undercover. Ngunit sa salat pa lang ng tela ay mahahalatang iba ang klase ng materyal ang ginamit.
Mayroon ding mga spy cameras na maaaring gamitin at mga recorder na nakalagay sa iba't-ibang uri ng gamit na magiging hindi kahina-hinala.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala na akong naririnig na mga yabag ng paa sa labas, marahil ay umalis na sila pero ayaw kong pakasiguro kaya magpapalipas na lamang ako ng isang araw dito. Kahit mahirap malaman kung anong oras na.
~~~~
Nagising ako sa tunog ng isang malakas na pag-ugong, kapareha ng tunog ng dumating dito ang helicopter ng SkyTech, pero sa tunog nito ngayon ay tila paalis na ito.
Kagabi ay inayos ko ang mga armas na maaari kong gamitin habang nandito ako sa Area 51. Saka ako kukuha ng mga armas na magagamit ko kapag lilisanin ko na ang lugar.
Hinintay kong mawala ng ingay sa paligid at ng makasiguro ay unti-unti kong binuksan ang maliit na pinto.
Sinilip ko mula sa maliit na siwang ang paligid at nakitang walang katao-tao. Mahigpit ang hawak sa isang hand gun sa kanang kamay na binuksan ko ng tuluyan ang pinto at lumabas na sa pinagtataguan habang nasa harap ko ang baril at nakahandang iputok anumang oras.
Isinara ko agad ang pinaglabasang silid at ng makita ko ang malaking bato hindi kalayuan dito ay agad ko itong kinuha at itinakip sa maliit na metal door.
Nilibot ko ang kabuuan ng dating Sector 56 habang may baril na nakahanda. Tinignan ko din ang himpapawid dahil baka may nagmamanman pa rin sa akin.
Mabuti at wala.
Mag-isa na ulit ako.
Bumalik ako sa batong magkakapatong na dati kong pinagtataguan, kinuha ko doon ang bag ni Rain na mabuti ay hindi nila nakita. Pagkatapos ay pumunta ulit ako sa sahig kung saan nakatatak ang logo ng Sector 56.
Sinipat ko ulit ang mga parte kung saan doon nakaturo ang mga arrow. Wala akong nakitang ibang mapapakinabangan maliban na lang sa isang bag na naglalaman ng mga medicine kit. Kinuha ko na rin bilang panggamot sa sarili kahit hindi ko na ito masyadong kailangan sa ngayon.
Dahil nakapahinga na ang aking katawan, ramdam kong nagbalik na ang enerhiya sa aking katawan. Mga galos at maliit na gasgas na lang ang aking mga sugat.
Bumalik ako sa weapon room at doon inilagay ang nakuha kong bag ng pang-gamot saka ibinalik ulit ang pangtakip dito.
Inilibot ko ang aking paningin.
Time to train.
~~~~
Araw-araw tumatakbo ako sa paligid ng Sector. Nagpu-push-ups, stretching, at inulit ang mga natutunan ko sa training namin no Kenji.
Ginamit ko ang mga sirang gamit na naiwan bilang aking mga kalaban.
Kapag umuulan ay ginagamit ko ang pagkakataon na iyon para makaligo kahit papaano. Nasanay na rin akong mag-isa at walang kasama.
Ang weapon room ang aking naging kwarto at tulugan. Pinalitan ko na rin ang aking damit ng mas maayos-ayos, nakakita kasi ako ng isang pantalon at itim na sando. Kumpara sa iba, mukhang ordinaryo lang ito kaya hindi naman siguro masama na gamitin.
Dumating ang gabi. Hindi ko alam kung anong petsa na, pero alam kong hindi ako dapat nagpapatumpik-tumpik dahil ayokong mahuli ang lahat para kay Rain.
Kaya dala-dala ang bag ni Rain na nilagyan ko ng mga armas at maraming magazine para sa mga baril maging isang medicine kit at dalawang weapon holster ay lumabas na ako sa weapon room. Tinignan ko ito ng matagal dahil nararamdaman kong hindi ako agad makakabalik dito.
Sinarado ko ito at nilagyan ng maraming harang na hindi magiging kahina-hinala.
Isinuot ko ang sumbrero ni Rain na nakita ko noong isang araw ng pagtakbo at napadapo naman ang tingin ko sa singsing na nasa hintuturo sa kanang kamay.
Ayokong ilagay ito sa dapat nyang kalagyan kung sakali dahil hahayaan kong si Rain ang maglalagay nito. Pansamantala ay dito muna kung saan makikita ko ito.
Paalala na may naghihintay sa akin. Na kailangan ko syang kuhanin pabalik sa akin. Na hindi dapat ako maging mahina.
~~~~~
Tahimik ngunit alisto akong naglalakad sa mahabang daan papalabas ng Area 51.
Matalahib ang paligid ng daan kaya hindi tanaw mula sa aking kinatatayuan ang malaking pinsala sa Sector.
Malapit na ako sa kotseng ginamit namin ni Rain dati pagpunta sa Sector na nanatiling nakaparada sa gilid ng daan. Pinasabog nga lang ito dahil halatang hindi na maaaring pakinabangan.
Sinilip ko ito saglit at nakitang wala ngang mapapakinabangan dito.
Umayos na ako ng tayo at ganoon na lang ang gulat at pagpupumiglas ko sa taong may hawak sa aking bibig.
"Mmmpphhff!!!" Tinadyakan ko ito sa tyan gamit ang siko pero hindi pa rin ito nagpatinag.
Sinubukan kong mabaligtad ang sitwasyon at hinawakan ang kamay nitong nakatakip sa aking bibig saka ko inangat ng may pwersa ang ulo patalikod para matamaan ito sa ulo dahilan para lumuwag ang kapit nito sa akin. Doon ko inikot ang braso nya at pinadapa sa may hood ng kotse habang hawak ang kamay sa likod at ang isang kamay ko ay nakasakal sa kanyang leeg.
"A-aah! Suko na aachk-o! Bitaw! Dali!"
Wait. I know that voice.
"Tucker???!!" Gulat na saad ko.
Pero bago pa ako makapagsalita ulit ay tinakpan nya ang aking bibig at itinago.
====:==:========:======
C: Unedited. Waaaah! Patay ako sa exam namin bukas!
Pero for those who added this story on their reading list pati sa mga silent readers.
This is for you.
Buhay si Tucker! Yey! Anyare kaya?
Tell me what you think by commenting or pm-ing. Luh.hahaha!
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Fiksi IlmiahWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)