11-Closer

1.5K 46 0
                                        

One week before the execution of our plan ay nagplano kaming lumipat ng hide-out. Since isang sasakyan lang ang meron kami ay minabuti namin na dalhin na lang ang mga importante dahil hindi kami pwede ng pabalik-balik.

Wala rin sa bokabularyo namin ngayon ang maghiwa-hiwalay dahil hindi naging maganda ang nangyari nitong nakaraan.

Inaayos namin ni Kenji ang mga armas at sina Tuck at Warren naman ang naglalagay sa trunk ng sasakyan.

May tatlong kahon kami ng food supplies at pang first aid kit na minabuti naming ilagay na lang din sa isang bag para magkasya sa likod ng sasakyan. Sina Sir James at Sir Chris ay sinisiguradong wala kaming maiiwan na bakas sa naging camp site namin at si Chief naman ay tahimik na nakaupo sa may bungad ng kweba.

Tahimik pa rin sya hanggang ngayon at kakaunting salita lamang ang lumalabas sa kanyang bibig. Ang halos lagi nya lang nakakausap ay si Warren at Sir Chris. Hindi pa kami nagkakausap ni minsan pero hindi ko naman sya pinipilit dahil tingin ko ay sumasailalim sya sa matinding pag-iisip.

"Okay na ba lahat ng gamit natin?" tanong ni Sir James sa amin, sakto naman na isinara ko na ang zipper ng huling bag na ineempake namin.

"All set. Ako na lang ang magdadrive hanggang sa makarating tayo ng District 8, Kenji and I will take turns. Mas maiging ireserba nyo na lang ang lakas nyo habang nasa byahe." sabi ko sa kanila.

Tumango naman si Sir James at Warren tanda ng pagsang-ayon. Inilagay na namin sa sasakyan ang mga natitirang gamit. Isa na rin sigurong kagandahan ng nanakaw kong sasakyan ay may kahabaan ito ng kaunti. Katulad ng mga SUV 201* model noon na ibinalik lang nila ang disenyo at haba ng sasakyan ngayon. Kaya mabuti at magkakasya kaming pito.

Si Warren ang umaalalay kay Chief at pinasakay nya ito sa tabi ng bintana sa may passenger seat sa likod katabi sina Sir Chris at Sir James, samantalang si Warren at Tucker ang nasa additional seat sa pinakalikod malapit sa mga bagahe namin.

Agad kong pinaandar ang sasakyan at binaybay ang daan papalabas sa gubat na iyon. Tahimik lang sila at hindi rin ako kumikibo hanggang sa magsalita si Kenji.

"So, saan ba yung bahay ni Railey?" tanong nya at ako na ang sumagot dahil ako lang naman ang nakaka-alam, maliban na lang kay Warren kung saan doon din sya tumutuloy noong nagtatrabaho pa sya bilang doctor sa isa sa mga hospitals sa District One.

"Nasa Average village iyon at malapit sa istasyon ng bus." Sagot ko

"Hindi tayo tutuloy agad sa bahay ni Rain hangga't hindi pa natin nachecheck ang buong bahay. There might be spy bugs in there at baka patuloy pa rin nilang mino-monitor ang kabahayan na iyon."

Dagdag ko pa

"Meron ba tayong bahay na pwedeng pagpahingahan pansamantala?" Tanong ni Tuck sa likod.

"There's one house at the back of Rain's. "

"Kanino naman iyon? Is it already abandoned?" Tanong ni Kenji

"Our old house." Maikling sagot ko na ikinatahimik nila.

Funny it is, pero nasa likod lang ng bahay ni Rain ang dati naming bahay ng mga magulang ko. Iyong bahay na puno ng mga ala-ala noong bata pa ako. Noong hindi pa sikat at kilala ang security agency group na itinayo ng tatay ko. Noong simple pa lang ang buhay namin at hindi pa nakilala at natanggap ang nanay ko bilang head sa Ministry of Weapon and Defense ng bansa.

Nakilala ko lang ang likod bahay na iyon ng magpunta kami ni Rain sa bahay nya noong nasugatan sya sa nangyaring engkwentro. Doon bumalik lahat ng ala-ala ko and I never thought of using it not until now na kailangan namin.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon