I told them the whole story of what happened to Rain. They were listening the whole time at hindi nakaligtas sa akin ang pagkuyom ng kamao ni Warren.
Warren is 5 years older than us. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay palaging tahimik ngunit mapagobeserba sa paligid nya. He's a kind man, maalam pati syang magtago ng emosyon nya at alam nya kung saan ito gagamitin at kung kailan kailangan.
Seeing him now, nakaramdam ako ng inis at galit sa sarili ko.
I was the one with Rain that time, mas may armas ako kumpara sa kanya na sugatan ng mga panahong iyon. Pero dahil sa pagiging mahina, sya naman ang nawala.
"Hindi ko sasabihing siguro ay naging mahirap para sa inyo ang nangyaring iyon dahil pare-parehas tayong nalagay sa panganib. But I am pleased to know that you are alive as well as Railey. Siguradong hindi nila basta-basta kikitilin ang buhay nya dahil makikita sya bilang isang asset laban sayo." Saad ni Sir James.
Nanatili akong walang imik. Siguradong ganoon na nga ang mangyayari, alam kong malakas din si Rain pero sana, sana hindi ako mahuli.
"We have to save them." Maikling saad ni Warren na ikinatingin namin sa kanya.
Nanatili kaming nakatingin kay Warren na tila naghihintay ng sasabihin maliban kay Chief na bumalik sa pagsusulat sa isang tabi. Nang marinig nya kasi ang nangyari kay Rain ay lalo itong tila nataranta sa pagsusulat.
Them?
Tila nahalata ni Kenji na nagtataka ako kaya't sya na ang sumagot.
"Nasa kamay din ng SkyTech si Liz at Sir Rick." Palihim kong pinagmasdan si Sir Chris, kaya siguro ito tahimik simula kanina.
Liz was her only daughter, kung anong pag-aalala ni Tuck bilang kasintahan, mas doble siguro para sa kanya dahil sya ang ama."Then what about Kim? Nasaan si Kim? Nahanap nyo na ba sya?" Dali-daling tanong ni Tuck pero agad din kaming nalungkot ng malaman ang sagot ni Warren.
"Kim's.......dead."
Agad na napatayo mula sa kinauupuan si Tuck.
"No! Paano...bakit..Tell me you're lying Warren! Hindi pa sya patay!" Galit na saad ni Tuck at akma nya sanang susugurin si Warren ngunit napigilan ni Kenji.
"Liz was able to send a voice message before she was caught by SkyTech. Iyon ang nakarating sa amin kanina. Pinaghahanap sila ng mahiwalay sila sa atin at ang sabi ni Liz ay sinagip daw sya ni Kim. They know that some of us still exist Tuck, because before the voice message went off, they told us that they have Sir Rick too." Paliwanag ni Kenji.
"May iba pa ba kayong natanggap na mensahe mula sa kanila?" Tanong ko.
"Wala na. They cut off the line at ang tangi na lang naming narinig ay mga kaluskos at yabag ng mga paa."
Lahat kami ay natahimik habang tahimik na umiiyak sa aming tabi si Tuck. Sya ang pinaka-apektado dahil mahalaga sa kanya si Kim na tinuring na nyang kapatid, hindi man halata kina Warren at Kenji, alam kong kaparehas ko silang galit ang nabuo sa kanilang lungkot.
"Do you have a plan Zoey?"
Pagbasag sa katahimikan ni Warren dahilan para mapatingin ako sa kanya, sumunod kay Kenji na nanatiling nakatingin at tulala sa lamesa.
Now that I think of it, hindi na lang si Rain ang kailangan naming sagipin kundi maging sina Liz at Sir Rick. Kung pagbabasehan ang sinabi nila at lalo na sa pagiging tuso ni Heinz, I'm sure he will get all the information he wants bago itapon na parang basura ang mga ginamit nya.
"Other than saving them, balak ko sanang pabagsakin ang hayop na Heinz na iyon. But we need a better plan to do that." Saad ko
"Then what do you suggest?" Tanong ni Sir James
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science-FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...