20-Explanation

1.4K 53 0
                                        

Patuloy sa pagmamaneho si Zoey hanggang sa itigil nya ang sasakyan sa tapat ng bahay nina Rain.

Dirediretsyo ang kanyang paglakad at dahil sa anking enerhiya ay masyado syang mabilis na nakarating mismo sa tapat ng dalawang kasama na espiya nila.

"What are you doing Zoey??!" Gulat na hayag ni Tucker na walang kaalam-alam sa mga kaganapan.

Hawak-hawak ni Zoey ang kwelyo nina Chris at James. Halatang nagulat ang mga ito at kita ang takot sa mga mata dahil na rin sa kuryenteng gumagapang sa kanyang mga braso.

She was angry.

At ito na ang oras para malaman pa ang mga dapat nyang malaman.

"Z-zzoey..hija. calm down. Bitawan mo kami." Saad ni Sir Chris na minsan na nyang hinangaan.

Ngisi lang ang sinagot ng dalaga saka itinulak papaupo ang dalawa.

"What's the meaning of this Zoey? Bigla-bigla kang nagwawala." Saad ni Sir James habang sapu-sapu ang leeg kahit hindi naman ito nadaitan ng kuryente.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan sa inyo? Wala ba kayong dapat aminin?" Saad ng dalaga na ikinatigil ng dalawang kaharap.

Lumipas ang minuto ng hindi pa rin nagsasalita ang dalawa kaya't naglabas ng kuryente sa dalawang kamay ang dalaga at itinutok sa dalawa. Tila isa itong espada na gawa sa kuryente at sa kulay na namumutawi dito ay mahahalatang mapanganib.

Warren and Kenji were amazed sa kuryenteng inilalabas ni Zoey. It was the first time that they saw it. Talaga ngang ang dating walang lakas ng loob na Zoey ay malayo na sa taong nakikita nila ngayon.

Tucker tried to interfere pero mas mabilis si Zoey at itinutok ang isang kamay na may kuryente sa binata dahilan para mapatigil ito. Halos kaunting distansya na lamang kasi mula sa dulo ng linya ng kuryente at sa leeg ni Tuck ang pagitan.

"Try to stop me and I won't hesitate to let this go." Madiing saad ng dalaga kaya walang nagawa si Tuck kundi umatras ng dahan-dahan papalayo.

Doon binalingan ni Zoey ang dalawang lalaki.

"Sabihin nyo na sa akin lahat ng mga nalalaman ni Heinz habang hindi ko pa pinapakawalan ang enerhiyang ito sa kamay ko." Saad ng dalaga dahilan para malito ang dalawa na ikinangisi ng dalaga.

Halata kasing nagmamaangmaangan ang dalawa.

"I know everything, kaya huwag na kayong magpainosente. Mga tauhan nya kayo diba?"

"Yes Zoey, but that was before." Saad ni Sir Chris na lalong ikinagalit ni Zoey.

"Stop lying already!! Alam ko na ang lahat! Maging ang palihim nyong pagpunta sa laboratory nya para isaad ang mga plano namin!" Inis na saad ng dalaga na ikinayuko ni Sir Chris maliban kay Sir James na nanatiling nakatingin sa dalaga.

Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa ang lalaki na ang sumuko at napabuntong hininga.

"Calm down Zoey, yes, we were part of Conner Heinz' men before and until now. Pero ang sinasabi naming plano sa kanya ay salungat ng totoong plano natin. " paliwanag ng lalaki but Zoey didn't move a bit at nanatiling nakatutok sa dalawa ang mga kamay.

Halatang hindi kumbinsido kaya't naglakas loob na si Sir Chris na magsalita.

"We only had contact with him bago tayo makarating sa bahay na ito. Apparently, nakatunog si Heinz na buhay ang karamihan sa Alpha Team at maging kami." Saad nito na nakakuha ng atensyon nina Warren at Kenji. Tucker remained silent while listening.

"So alam din nilang buhay si Zoey?" Tanong ni Tucker.

"Yes. May hinala na si Heinz noon na buhay siya then he confirmed she was alive ng sumugod si Zoey sa lumang laboratoryo ng SkyTech. It was her choice. Right Zoey?" Mahinahon na saad ni Sir Chris.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon