21- Cloud Nine

1.4K 43 1
                                        

"Liz, Sir James and Chris, tell me everything you know regarding SkyTech and Heinz' plans." saad ni Zoey na ikinatalima naman ng mga binaggit nyang pangalan.


"I was drugged Zoey, kaya hindi ko ako sigurado sa mga nakita ko, but I'm sure of the things I said to you back in the car." saad ni Liz habang pinaglalaruan ang mga kamay.

Napabuntong hininga si Zoey at tumango but Liz looked at her again.

"B-but..noong minsang nakita ko doon sina Sir Chris at Sir James talking to Heinz. I heard them talking about a certain..cloud nine."

Sa narinig ni Zoey ay naalala nya ang sinabi ni Gregory kanina. Mukhang totoo nga ang sinasabi nito kaya't para makompirma ang iniisip ay sabay-sabay pang nalipat ang tingin nina Zoey sa dalawang lalaking nakaupo sa harapan nila.


"There is a certain place called Cloud Nine, at nandoon si Railey. Iyon lamang ang tanging impormasyon na ibinigay sa amin ni Heinz ng sinubukan naming magtanong sa kanya. Hindi namin alam kung saan ang lokasyon ng lugar na iyon. That's the truth." saad ni Sir Chris


"Sa araw ding iyon kung kailan mo kami nakita Liz ay ang araw na sinabi sa amin ni Heinz na bantayang mabuti ang grupong ito. Ngunit sa araw ng annual meeting ay hayaan namin kayong makalapit sa lugar, lalo na ikaw Zoey." saad ni Sir James sa dalaga.


Agad nag-igting ang panga ng dalaga sa narinig at natahimik para makapag-isip. Kinakalkula ang kanyang mga plano at ang maaaring plano ni Heinz para sa kanya.


Matagal na katahimikan ang namutawi sa kanila, hanggang sa magsalita si Zoey para hiramin ang laptop na ginagamit ni Warren.


"Choose the weapons you'll need. I'll just look for something. Warren and Kenji come with me." saad ng dalaga kaya bitbit ang laptop ay pumunta silang tatlo sa second floor ng bahay.


"Anong plano mo Zoey?" tanong ni Kenji ng makarating sila sa isa sa mga guest rooms ng bahay.


Hindi sumagot ang dalaga ngunit binuksan nito ang laptop ni Warren saka doon isinaksak ang flashdrive na galing kay Gregory.


"Kailangan nating magplano sa gagawin nating pagrescue kay Rain. But I want Heinz to suffer too at ang mapabagsak ang pinakaiingatan nyang kumpanya para wala na syang mamanipula pang iba. That's the plan in general." saad ng dalaga habang unti-unting napapangisi sa mga nababasang impormasyon sa laptop.

Parehas na hindi makapaniwala ang dalawa ng mabasa din nila ang nilalaman ng flash drive na iyon at unti-unti ring napangisi katulad ng dalaga.

Doon nakasaad ang lahat ng baho ni Conner Heinz maging ng mga pulitikong nasa ilalim nya at nagunguna doon si Alexander Strark.

"Woah. I-submit mo lang yan sa World Prosecutor's Office, linis lahat yan." kahit sa seryosong usapan ay nagawa pang matawa ni Kenji habang binabanggit ang mga katagang iyon.


Napakunot naman ang noo ni Zoey kaya't si Warren na ang sumagot sa maaaring katanungan ng dalaga.


"Ang World Prosecutor's Office ang legal team na umaasikaso sa lahat ng mga kaso na pangmalawakan. Kumbaga, katulad na lang kung gaano kabulok ang bansa natin. Walang napapalampas ang team na iyon basta't naging aware sila sa mga kaganapan sa isang bansa."

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon