Nakahanda na ang lahat ng gagamitin ng grupo ni Zoey sa araw ng Annual Meeting. Everything was set at tamang oras na lamang ang kanilang hinihintay.
Dahil iisang sasakyan lamang ang mayroon sila. Naunang umalis ang grupo nina Zoey papunta sa laboratoryo ni Heinz at doon nagmanman. Pagpatak ng alasais ng umaga ay nasa labas na ng Convention Hall ang grupo nina Tucker. Habang nanatili naman si Liz sa bahay at doon nakahandang magmonitor ng mga pangyayari.
10 o'clock ng umaga nakatakdang magsimula ang pagdating ng mga kasapi ng Elite Circle sa bansa. Sa oras na nasa loob na ang lahat ng dadalo ay doon gagalaw sina Tuck para pumasok kasama si Chief at magsisilbing look-out. Sa oras na simulan na ang paglaunch ng mga bagong produkto ng SkyTech ay kailangan na nilang mahanap ang daan papunta sa Cloud Nine na nasa likod na parte ng malaki at malawak na stage ayon na din sa blueprint.
Si Sir James at Sir Chris ay nakisabay sa agos ng mga mayayamang nakasuot ng mararangyang damit at walang problemang nakapasok dahil na rin sa kilala sila ng mga bantay bilang tauhan ni Heinz.
Samantala, nagsimula ng lumapit ang grupo ni Zoey sa gusali ng makitang oras na ng pagpapalit ng bantay ng mga gwardya.
-------
"Are you okay Zoey?" Tanong sa akin ni Kenji ng makitang tahimik akong nakamasid sa pintong papasukin namin pagkatapos ng limang minuto.
I looked at Kenji, sumunod ay kay Warren. They both looked worried about me na hindi naman dapat.
Maybe because they knew that this is what I wanted all along.
Ang masagip si Rain at mailayo sa panganib, na sinangayunan nila dahil alam kong nagmamalasakit sila at mahal din nila ang taong nasa loob ng gusaling nasa harapan namin.
"Yeah. Nothing to worry about." Sagot ko saka inalis ang suot na gloves.
Gusto kong saktan ang sarili ko ng ilang beses kung gaano ako naging dissappointment para sa sarili ko.
Maybe if I searched thoroughly noong sumugod ako dito ay nahanap ko na sya. Hindi sana ay hindi ko na kakailanganin ng tulong ni Gregory at sariling sikap kong masasagip si Rain.
Sa naalala ay itinuon ko ang hintuturo sa kanang tenga at in-on ang speaker at mic.
"Chief, any signs of Gregory Heinz?" Tanong ko na alam kong narinig nilang lahat dahil konektado ang mga ear piece namin.
"Yes. He's with his father." Sagot ni Chief na ikinatango ko kahit alam kong hindi nya ako nakikita.
Matapos ang limang minuto ay tumayo na kami sa pinagtataguan, wala na ang mga bantay at mayroon lang kaming sampung minuto bago dumating ang kapalit ng mga ito.
"Let's move." Saad ko na sinagot ng tango ng dalawa.
Mabilis ang kilos naming pumasok sa loob ng gusali at dumaan sa isang hallway na kakaonti lamang ang dumadaan. Kinabisa naming tatlo nina Warren at Kenji ang blueprint ng building dahilan para malaman ang mga pasikot-sikot.
As much as possible ay kailangan naming makarating sa Cloud Nine na hindi nakakapagpa-alerto sa mga tauhan ni Heinz. Kailangan muna naming makuha si Rain at masigurong ligtas syang kasama namin.
Pero hindi yata talaga nakiiayon ang tadhana dahil saktong pagliko naming tatlo sa isang hallway ay nakasalubong namin ang isang grupo ng mga sundalo ng SkyTech.
"Sino kayo??!! Huwag kayo gagalaw at ibaba nyo ang mga armas nyo." Saad ng tingin ko ay ang pinakaleader nila. Kenji and Warren didn't even flinch sa lakas ng boses nito at nanatiling alerto.
Nasa sampu ang bilang ng kanilang grupo at nakita kong in-alert na ng dalawa sa kanila through ear piece ang head ng security dahil na rin sa pagtunog ng alarm sa kabuuan ng building.
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Ciencia FicciónWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)