22-Change of Plans

1.3K 44 0
                                    

"Three days from now ay magaganap na ang annual meeting. Kung gusto ni Heinz na makalapit tayo sa lugar na iyon. Malaki ang possibility na may pinaplano syang hindi ko magugustuhan."

"May isang entrance point sa convention hall kung saan gaganapin ang annual meeting na maaaring daan papunta sa underground Cloud Nine ng SkyTech. Ang pinakagoal natin ay ang makuha si Rain sa kahit na anong paraan."
Saad ni Zoey sa grupo.

"Mas mabuti kung hahatiin natin sa dalawang grupo. Pero hindi ba delikado? Bakit gusto nya tayong lumapit sa pagdadausan ng annual meeting?" Tanong ni Tuck.

"Siguradong may pinaplano si Heinz and we will give him what he wants. Magpapatangay tayo sa daloy na gusto nya."

"Hahatiin natin sa dalawang grupo, Ako, Kenji at Warren ang pupunta sa main laboratory ng SkyTech. May daan din doon na papunta sa pagdadausan ng annual meeting kung saan ang grupo mo Tucker, Chief at Sir James at Chris ang nakaaabang doon."

"Kayong dalawa ay lalapit kay Heinz. Be his men, pretend to be just like them at babalitaan nyo sina Chief ng mga kaganapan sa loob." Saad ni Zoey at determinadong tumango sina Sir Chris at James.

"Liz, I need you to operate our communication system. Nagawa ng i-hack nina Tuck at Warren ang cctv cameras ng pagdadausan ng annual meeting at ng SkyTech. You will be our eyes." Saad ni Zoey at tumango naman si Liz.

"If you have any questions or objections sa planong ito o kung ayaw nyong sumama sa operasyon. It's fine with me. Hindi ko kayo pipilitin. All I want is for Rain to survive at ang maibalik sya sa atin. I hope we have the same intentions." Saad ni Zoey habang isa-isang tinitignan ang mga kasama.

"I'll do everything just to save my brother too." Saad ni Warren

"Kailangan nating ibalik si Railey at pabagsakin ang SkyTech. They have done a lot of things na hindi na naging maganda para sa lahat."

"This country has been too clouded with technology and money, maraming mamamayan ang napabayaan dahil na rin sa mga hindi makatarungang pagmamanipula ni Conner Heinz at ng kanyang kumpanya."

Saad ni Chief na sinangayunan ng lahat.

"Now, kunin nyo na ang mga armas na kakailanganin nyo. Check it and make sure it will help you survive this war." Saad ni Zoey saka sya pumunta sa stock room.

Pagdating sa maliit na kwartong iyon ay kinuha ni Zoey ang mga bombang ginawa nina Warren at Rain.

Isa itong kulay pula na tila isang pingpong ball. Ang katumbas nitong lakas ay kayang makasira ng isang floor ng gusali na siguradong walang matitirang buhay.

Kumuha si Zoey ng maliit na body bag at doon inilagay ang mga ito. Sa paglalagay nya ay napatingin sya sa kanyang suot na bracelet at singsing.

Hanggang ngayon ay hindi nya pa rin alam kung anong nagagawa ng ginawang singsing na iyon ni Rain. But it was more than enough para maging lakas ni Zoey na lumaban.

Hininto ni Zoey ang ginagawa at hinaplos ang singsing na suot. Hindi man nya napapansin peri iyon ang lagi nyang ginagawa kapag hindi na nya alam ang gagawin. Tila ito ang nakakapagpakalma sa kanya sa isiping pagkatapos ng lahat ng ito ay maililigtas na nya si Rain.

Pero hindi nya ito makakasama.

Naalala nya tuloy si Gregory, masakit man isipin at sa kanyang kalooban. Nakipagkasundo sya sa isang lalaking tuso din pag dating sa isang kasunduan. Tumupad ito sa kanilang pinagkasunduan, kaya kailangan nya ring tumupad sa usapan.

Ipinilig na lamang ni Zoey ang kanyang ulo, nararapat na huwag muna nyang isipin ang lalaki bagkus ay magfocus sa pagsalba kay Rain.

Pag nagawa nya iyon. Doon na lamang sya hihingi ng tawad kay Rain sa gagawin nyang desisyon.

»»»»»»»»»»»»»

Mabilis lumipas ang araw. Walang ginawa ang grupo ni Zoey kundi ang magensayo, i-check ang mga armas na gagamitin at iset-up ang mga laptop na kanilang gagamitin sa pagmonitor ni Liz.

Bukas na nila kailangan isagawa ang plano, at bukas na rin magaganap ang Annual meeting ng mga mayayaman na mamamayan ng lahat ng District.

"Zoey..look at this." Saad ni Liz habang itinuturo ang maliit na telebisyon sa bahay na ipinapalabas ang balita patungkol sa annual meeting.

"What is it?" Saad ng dalaga at nanatiling nakatayo sa tabi ni Liz.

Kasalukuyang ibinabalita ang preparation ng mga staff ng SkyTech para sa gaganaping annual meeting.

"Talagang hindi na nila ginawang sikreto tulad ng nakasanayan ang meeting na iyan. As if they are really expecting us to come." Saad ni Kenji na sinangayunan nina Warren at Tuck.

"No. Ang tingin ko ay sagrado at private pa rin ang pagpupulong na gaganapin ng mga Minister ng bawat district pero magiging open sa lahat ang paglaunch nila ng mga bagong produkto ng SkyTech."

Saad ni Chief at hindi nakaligtas sa pandinig ni Zoey ang pangamba sa boses nito.

Napapikit si Zoey ng mariin at napahilot na lamang sa sintido. Marahil parehas sila ng kutob ni Chief.

Na baka naisakatuparan na nga ang matagal nang balak ni Conner Heinz.

Ang kauna-unahang prototype ng Project 1004.





~~~~~~~~~~~~~~~~

C: Malapit na. Malapit na syang matapos. Omg.
May nagbabasa pa ba nito? Tell me what you think.

Thank you very much for reading.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon