Tuluy-tuloy ang pagpasok ng mga kasagutan sa utak ni Zoey habang nililisan ang basement na iyon. Hinanap nya lahat ng pwede nyang magamit o mapakinabangan at saka lumabas na sa kwartong iyon.
How can they use a little child over a project?
Nakakuyom ang mga kamao na umalis sya sa bahay, ngunit imbis na dumaan sa harapan at umikot, tumakbo sya ng pataas papunta sa mataas na pader na nagsisilbing harang sa bahay na iyon at sa bahay ni Rain. Sa sobrang galit na nararamdaman ay hindi na nya kailangan na magexcert ng effort sa pagtalon at pagbaba.
Wala syang balak na kwestyunin ang mga ito, sa halip ay kanyang pagmamasdan at mas pagtutuunan ng pansin ang galaw ng dalawang traydor nilang kasama.
All this time, the three survivors that she respected are the ones who participated in making a creature like her.
She wants to give them the benefit of the doubt. Na baka nagbago na ang mga ito at talagang nasa Sector na ang kanilang dedikasyon.
Na mali ang iniisip nyang sila ang nagsabi ng lokasyon ng underground sector kay Conner Heinz.
Na hindi sila ibinubuko ng mga ito ang kanilang mga plano.
But Zoey can't help but to be mad at them dahil sa kanyang mga nalaman. This time, hindi na talaga sya dapat magtiwala kaagad sa mga taong kanyang nakakasalamuha.
She has to gather more evidence and work alone para maisakatuparan ang kanyang mga plano.
Kahit ang kanyang mga kasamahan na sina Warren, Tuck at Kenji ay hindi nya maaaring pagkatiwalaan ng buo dahil hindi naman nya alam ang mga totoong kaganapan ng mapahiwalay sya sa mga ito.
Even if it hurts to even think of her friends betraying her. She needs to be cautious with her actions.
"Oh? Saan ka galing Zoey?" Tanong sa kanya ni Sir Chris pagkapasok nya sa backdoor ng bahay ni Rain.
"I went out for a walk." Maikling saad nya saka nakisalo sa kanila na kumakain na ng agahan na parang wala syang nalaman na mga impormasyon.
"Anong plano ngayon?" Tanong ni Sir James kaya napatingin sya dito. Nakatingin ito sa kanilang tatlo ni Kenji at Warren dahil ito ang mga katabi nya.
Nagkibit balikat si Kenji bilang sagot.
"I don't know, pero siguro puntahan na natin ang area na pagdadausan ng annual meeting para maging pamilyar tayo sa lugar." Saad ni Kenji na sinangayunan nina Warren at Tucker.
"What about you Zoey? What do you think?" Pagbaling sa kanya ni Sir James kaya naalis ang tingin nya sa kamay nitong hawak ang metal spoon.
"I think that's a great idea. Nga pala Sir James, how do you use your ASE?" tanong nya dito.
(Aqcuired Side Effects)
"Well, sabihin na lang natin na para akong human magnet, just like what i showed you before. But unlike your ASE, may hangganan ang akin. I can only use it in a minimal amount of time dahil mabilis itong nakakadrain ng energy." Paliwanag nya na ikinatango ni Zoey
"Why the sudden curiosity anyway?" Tanong muli ni Sir James.
"Wala naman Sir James, naisip ko kasi na baka pwede natin magamit sa darating na pagespiya natin sa SkyTech." Sagot ni Zoey saka pinagpatuloy ang pagkain.
"Well, we can. I can get all the weapons his men has since gawa sa metal ang mga armas nila. Kung magkalabanan man." Komento nito na ikinatango ni Zoey. Pretending to be interested with what he said.
"Are you alright Zoey?" Tanong bigla ni Sir Chris kaya napatingin sya dito.
"Bakit?" Tanong nya sa kaharap ng nakakunot ang noo.
"You have a scratch malapit sa palapulsuhan mo and base of how it looks. Mukhang fresh pa ang sugat."
Napatingin sya sa kamay at meron nga syang gasgas na may kaunting dugo. Pinahid nya iyon ng tissue at ngumiti sa kaharap. Isa nga pala itong walking x-ray machine.
"Wala lang to Sir Chris. Pagkumpas ko kasi ng aking kamay kanina ay hindi ko napansin ang magaspang na pader."
"Be careful next time Zoey. Ang kaya ko lang gawin ay ang magscan ng pasyente but not to heal it thoroughly."
Wala na lang nagawa ang dalaga kundi tumango at hindi na nagkomento pa.
~~~~
Later that day ay naghanda na sila para sa pagpunta sa lokasyon ng gaganapin na annual meeting. Ang balak nila ay by pair ang pagmanman ngunit nagpaiwan si Zoey para bantayan si Chief na nanatili pa ring tahimik sa isang tabi habang malayo ang tingin.
Besides, she has to think of a way para makapunta sa lugar na nakita nya kanina sa dati nilang bahay. Nakasaad din kasi sa isang papeles na kanyang nakalap doon ang kauna-unahang opisina at pabrika ni Conner Heinz na sa pagkakaalam nya ay hindi na ito ginagamit ng huli.
But if her instinct are right. Pakiramdam nya ay doon itinatago si Rain at kung papalarin ay pati si Liz. Zoey doesn't care for Sir Rick simula ng malaman nyang maaaring isa itong espiya.
Kailangan nyang makaisip ng paraan para makaalis na hindi sya mahahalata ng mga kasama lalo na ng dalawang kanyang pinaghihinalaan na espiya nila.
One month has already passed at hindi nya kakayaning tumagal pa ang mga panahong nasa kamay ni Heinz ang nobyo. She has to be quick but careful at the same time.
"Send us a signal kung may emergency man." Saad ni Zoey kina Kenji at Warren bago lumabas ang mga ito sa pinto.
Akmang isasarado na ni Zoey ang pintuan ng pigilan sya ni Warren, nasa likod nito si Kenji na nakatingin sa malayo.
"May nakalimutan ba kayo?" Patay malisyang tanong ni Zoey sa dalawa kahit kating-kati na syang magsagawa ng plano sa binabalak na pag-alis ng bukod.
"Listen to my father. He knows all." Saad nito saka agad na isinara ang pinto at umalis. Nakita pa nya ang agad nilang pagsakay sa sasakyan saka ito pinaharurot paalis,
Naguguluhan man pero kinutuban na rin si Zoey sa sinabi ni Warren kaya't pinuntahan nya agad si Chief na kasalukuyang namamalagi sa kwarto ni Rain sa second floor.
Nanag makarating ay agad nyang binuksan ang pinto ng hindi kumakatok at ganoon na lang ang kanyang pagkagulat sa nakita.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
C: Sorry sa tagal ng update, examination week at hindi pa rin iyon tapos. Salamat sa patuloy na nagbabasa nito kahit silent reader man kayo. Thank you very much! Pasensya na talaga, pati sorry din in advance dahil sure akong matatagalan ulit ang next update.
:( :( :(
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)