4-Hope

1.7K 66 1
                                        

Nalilitong tinignan ko si Tucker habang hawak nya ang aking bibig at patuloy na pinapatahimik.

Ang kaninang madilim na daan ay nagkaroon ng nasa sampung mga sundalo na papunta sa direksyon kung saan ang dating Sector 56.

"I'm gonna explain it all to you but we need to go back in the Sector." Sabi ni Tucker at tinignan ko ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko.

Malamig ang tinging ibinigay ko sa kanya dahilan para pakawalan nya ako.

"Bakit kailangang bumalik?" Tanong ko.

"Kailangan nating makuha yung mga armas sa weapon room. Kaya ako nandito dahil inutusan ako ni Kenji na kuhanin bago pa mahuli at masayang ang mga iyon."

Bigla akong kinabahan sa aking narinig.

"B-buhay sila?"

Seryoso akong tinignan ni Tucker, may halong lungkot ang kanyang mga mata. Doon pa lang alam ko na hindi ako dapat umasa pa ng mas gaganda pang balita.

"Lets not talk about that for awhile. Kailangan nating makuha ang mga armas sa weapon room habang hindi pa sila nakakalapit. Kailangan natin silang maunahan at umalis kaagad." Paliwanag nya sa akin at akmang aalis na sa pinagtataguan namin ng higitin ko sya.

"May mga armas na akong nakuha sa weapon room. Pero kakaunti lang. Alam ko kung saan nakatago kaya sa kabilang direksyon na lang tayo dumaan." Sabi ko

"We need a plan kung ganoon." Sabi ni Tucker at saka ko lang napansin na may dalawa syang baril sa magkabilang balakang.

"Magagawa kong mapabilis ang pagtakbo ko papunta sa weapon room. Mabilis ka bang tumakbo?" Tanong ko kay Tucker na tila naninibago sa kanyang nakikita.

"Oo. Maasahan mo ako dyan. Tara na?"

"Just run." Utos ko at nauna ng tumakbo. Nahuhuli ng bahagya si Tucker pero nakakasabay naman sya sa bilis na ina-apply ko sa akin.

Nang makarating kami sa kabilang bahagi ng Sector kung saan doon malapit ang weapon room. Saka naman namin nakita na nasa may bungad na ang sampung sundalo ng SkyTech at nagsisimula ng maghanap ng kung ano.

Naninigurado talaga ang Conner Heinz na iyon.

"Bubuksan ko ang pinto at bibigyan kita ng oras para makapag-empake ng mga armas. Kuhanin mo na ang lahat ng kinakailangan." Utos ko muli kay Tucker at nag-aalala naman syang tumingin sa akin.

"Kaya mo ba sila? Paano kung masaktan ka?"

"Just get what you need at ako ng bahala sa kanila." Mariin kong saad.

Inihanda ko ang isang baril na may silencer na naka-attach. Iba ito sa dating mga baril na powder ang laman ng bullet. Ang bala kasi ng baril na ito ay liquid ang laman at kapag natamaan ay kakalat agad ang lason sa katawan dahilan para mawalan ng buhay ang natamaan.

Naka-amba din ang baril ni Tuck at nasa likod ko sya habang naglalakad kami papalapit.

So far ay hindi pa nila kami napapansin. Nakarating kami sa palatandaan na ginawa ko, isang may kataasan na bato ito, tingin ko ay nagmula sa pader na bumagsak. Sa likod nito nakatago ang maliit na pinto ng aking naging tirahan. Sinenyasan ko si Tucker na pumasok na agad at maingat nyang binuksan ang metal ng hindi gumagawa ng ingay.

Doon ako nagsimulang bumaril ng isang walang kamalay-malay na sundalo. Ito kasi ang pinakamalapit sa amin.

1 down, 9 more to go.

Tila nakatunog naman ang iba ng bumagsak ang kasamahan nila kaya naging alerto ang mga ito at nagsilabasan din sila ng mga armas.

Napangisi ako't nagsimula ulit bumaril. Nakapagpatumba na ako ng apat at doon nila ako nakita at akmang papasugod na ang natitirang lima ng itapon ko sa kanila ang isang black marble. Nais ko kasing malaman kung tama nga ang hinala ko na isa itong bomba.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon