25- Downfall

1.7K 48 11
                                        

I was expecting a bullet into my head, iyong mainit na malakas ang impact na kikitil sa buhay ko.

But nothing came.

No bullet was released.

I opened my eyes to see what was happening. I didn't know what to do habang nakikita kong kapit-kapit ni Rain ang kanyang ulo, he was thinking and shouting from an unknown agony.

Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kanyang pisngi but he push my hand away.

Nagulat ako ng makitang may lumalandas na luha sa kanya ng mag-angat sya ng tingin. I immediately sat in front of him at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Rain! Rain! What's happening?!" I held his face and this time he didn't pushed me away.

Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi ng marahan. I saw how his pitch black eyes became lighter, then babalik sa pagiging itim. It was as if the colors in his eyes were fighting.

But he didn't answer. I waited again but he didn't answer.

Doon na naman nagsimulang lumabas ang mga luha na hindi ko na pinipigilan.

"Rain! Please tell me what's going on, something, anything! Rain!" Saad ko habang patuloy na humihikbi at pilit syang inaabot ngunit lumalayo sya sa akin at patuloy na sinasapo ang kanyang ulo habang sumisigaw sa sakit na hindi ko alam kung bakit.

Wala na akong ibang maisip na paraan para mapakalma sya, so I grabbed his hand and intertwined it with my fingers like what he used to do to me before.

Doon sya tumigil, hinahabol ang hininga na nakatingin sa kamay naming dalawa dahil na rin sa pagwawala nya, as if he was remembering something from the way our hands hold each other.

Ganoon na lang din ang gulat ko ng makita ang singsing na aking suot na kumislap. May kulay asul na liwanag ang lumalabas dito't ang makapal na band nito'y automatic na nagdisassemble at doon lumabas ang isa pa palang singsing.

"Zoey..."

I removed my gaze from the ring at gulat na napatingin kay Rain. He was looking at the rings on my finger then his gazed went up to meet my eyes.

His eyes were back to its original color, halata ang luhang lumandas dito kanina.

Tulala at hindi makapaniwalang nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa nagbitiw sya ng isang malakas na paghinga saka tila natauhan syang dali-dali akong niyakap.

"Sh*t that was too close! I-I I'm sorry for hurting you. I'm sorry. I'm sorry." Saad ni Rain habang mabilis na nagtataas-baba ang kanyang dibdib dahil sa paghabol sa paghinga at idinuduyan ako sa kanyang mga yakap.

For the first time since he was abducted, nagawa kong makapaglabas ng isang masayang ngiti.

He remembers me.

At doon na ako tuluyang napaluha until he held my face and he used his thumb to dry my tears. We look crazy while crying and smiling with each other.

"I'm glad you're back. I love you Rain." I said to him and he hugged me again at narinig ko ang kanyang pagsagot sa pamamagitan ng pagbulong nyang mahal nya din ako.

Napahiwalay lamang kami sa isa't-isa ng makarinig ng malakas na pagsabog.

Agad akong tumayo at ganoon din si Rain ng makitang nahihirapan na sina Kenji, Warren, Tuck at Chief sa pakikipaglaban sa mga gwardya ng SkyTech.

Sh*t! Saglit kong nakalimutang nasa isa kaming labanan.

Akmang dadaluhan ko na sila ng pigilan ako ni Rain sa kamay.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon