13-Files

1.4K 53 0
                                        

Zoey went inside the house first at maya-maya ay sumunod na rin si Kenji. Unti-unti ng lumiliwanag but for Zoey, it is the right time to do her plan.

"Kenj, I'm out for a bit." Maikling saad ni Zoey.

"Where are you going? Samahan kita." Presinta nito pero tinanggihan ng huli.

"I can go on my own. I'll be back before lunch." Saka agad na lumabas si Zoey at inayos ang suot na sumbrero nito kaya hindi na nakapagsalita pa si Kenji.

If her theory was right, kailangan nyang maghanap ng ebidensya muna.
Zoey can clearly remember what Conner Heinz told her before they got Rain.

Ineexpect nito na sya naman ang maghahabol, at katulad ng nauna nilang plano na pagmamanman sa darating na annual meeting ng mga ministry head. It was an obvious plan para kay Heinz na siguradong nakatunog na ito. Kaya hahayaan nyang magfocus sa misyon ang kanyang mga kasama habang sya naman ay pupuntahan ang lugar na alam nyang makakakuha sya ng impormasyon as a first step.

Kung hindi lang sana sumulpot si Kenji kanina ay nagawa na nya dapat ang plano. Balak nya sanang bumaba mula sa kinauupuan kanina papunta sa kabilang bakod kung saan naroroon ang kanilang bahay.

When she was reminiscing the past, kasama doon ang ala-ala sa mga panahon na nagtatrabaho at nagmimeeting ang kanyang mga magulang. Kasama na doon ang kanyang mga nakikitang tao na pumapasok sa bahay nila para magpulong kasama ang kanyang mga magulang sa basement ng bahay nila kung saan nandoon din ang private office ng mga ito.

And that place is her target for the day.

Mabilis na naglakad si Zoey sa tabi ng kalsada at walang lingon-lingon na nilalampasan ang mga kabahayan na unti-unti ng nagkakailaw sa loob. Saka sya tumawid pagdating sa isang kanto at naglakad ng dirediretsyo patungo sa kanilang bahay.

Kung tulog lang sana ang kanyang mga kasamahan ay hindi sya magpapakahirap na maglakad papaikot. Pero gising na si Kenji at baka makatunog pa ito.

Ang kaninang nakatago mga kamay sa suot na hoodie ay kanya ng inilabas at inihanda. Seeing their old house gives her the feeling of nostalgia na agad nyang inalis.

American style ang mga kabahayan sa village na iyon kaya't itinulak na lang nya ang hanggang bewang na puting gate saka dahan-dahan na naglakad papalapit sa tapat ng pinto nito.

Saka sya sumilip sa bintana na nasa tabi nito at sinilip ang loob. She decided to use the back door para walang makakita sa kanyang gagawing pagpasok.

Tinignan muna nya ang paligid at agad na umikot sa bahay papunta sa likod.

She unlocked the door using the same device that she used sa kotseng kanyang ninakaw at agad pumasok saka isinara muli ang pintuan.

Nakatakip lahat ng mga appliances at kagamitan ng puting tela at plastic. Makapal na rin ang alikabok sa loob ng bahay at mahahalatang hindi na ito nabibisita ng matagal.

She has no time to waste kaya't agad syang dumiretsyo sa pupuntahan kung saan madadaanan nya ang isang hallway kung saan naroroon ang mga kwarto.

She stopped when she was infront of her old room. Nandoon pa rin nakasabit ang pangalan nya na sya mismo ang gumawa. She decided to open the door at hindi ito naka-lock.

Ganoon pa rin ang ayos niyon katulad ng huli nya itong nakita, hindi nabago at nandoon pa rin ang kanyang mga kagamitan noong bata pa sya.

Her vanity mirror kung saan nya sinusuklay ang buhok habang pinagmamasdan ang natamong dirty white na kulay nito.

She went inside at naupo sa gilid ng kama kung saan naroroon ang side table. She opened each drawers at wala naman syang nakitang kapaki-pakinabang. So instead of staying there, she went out at sinunod ang kwarto ng parents nya.

All the things were covered with white sheets too maliban na lang sa isang cabinet na gawa sa kahoy. Iyon ang kanyang binuksan at sa pinakailalim nito ay nandoon nakalagay ang isang kahon.

She opened the box and there, she only saw a key inside of it na agad nyang kinuha matapos mapagmasdan. Zoey looked at the room before heading to the basement na ang pinto ay nasa pinakadulo ng hallway.

She thought that it was for the door at napatunayan nya iyon ng makitang nakalock ito. So she used the key to open it and it did.

Doon sumalubong sa kanya ang pababang hagdan, she has no flashlight with her.

So she used her hands instead, kinakapa nya ang bawat nilalakaran at ng may tumamang maliit na bagay sa kanyang noo kaya't sya ay napatigil. It was a light switch na dihila sa bumbilyang nasa itaas na pala ng ulo nya. Imbis na hawakan ang taling pambukas ng bumbilya ay mismong bumbilya ang hinawakan ni Zoey to give electricity at maya-maya lang ay umilaw ito.

There she can now clearly see the whole room. May isang mesa na nasa sentro ng kwarto. Sa kabilang gilid ay isang cork board na maraming nakapin na mga papel. It looks like an ordinary office to her. Nothing extravagant. Naisip nyang unahin ang lamesa ng kanyang ama at hinalughog ang bawat drawers nito.

She saw papers kung saan nandoon ang mga profile ng mga trainee ng security agency na itinayo ng ama.

Hindi pamilyar sa kanya ang mga ito kaya't minabuti nyang kuhanin na lang ang files na iyon. Inilagay nya ito sa bulsa sa loob ng hoodie at lumapit naman sya sa cork board na sinakop ng napakaraming papel.

Unti-unting sumiklab ang galit para sa mga magulang ng makita ang nakalagay doon. Naroroon ang kanyang larawan noong bata pa sya, kita na sa larawan ang marka ng pagkalikha sa kanya, ang kulay ng buhok nya.

The real article clippings from the incident ay naroroon din maging ang litrato ng pagsabog sa loob ng  laboratory ng tito nya.

Naroroon din ang plano kung paano sya papupuntahin at papapasukin sa loob ng laboratoryo. Kung paanong tapos na ang proyektong iyon na ginawa ng kanyang tiyuhin ngunit pinalabas na may problema kaya't chineck ito ng kanyang tiyuhin muli at doon na naganap ang pagsabog.

But it was already a modified weapon by Conner Heinz na ipinasok sa laboratoryo ng mga tauhan ng kanyang ama.

So that explains it.

Paano nga naman makakapasok sa isang laboratoryo na may mahalagang experiment ang isang batang katulad nya?

All along it was planned.

Mas lalong sumidhi ang galit na nararamdaman dahil sa simula't sapul ay ang mga magulang na itrinato syang isang halimaw ang nagpasimula kung bakit sya naging ganito.

They were the monsters.

Patuloy na hinalughog ni Zoey ang mga laman ng cork board.

Nakita pa nya ang litrato at article kung saan kinuha ni Conner Heinz ang kanyang ama bilang official source nito sa mga magiging security team ng kanyang kumpanya. Litrato kung saan magkakasamang nakangiti ang mga ito ng ma-assign ang ina bilang Head ng Department of Weapon and Defense ng bansa.

Then her eyes darted on a picture on the center of the board.

Naroroon ang tatlong tauhan na itinalaga para isagawa ang plano nilang makalikha ng katulad ko.

Para bantayan ang mga kaganapan sa loob at ang magsasagawa ng planong pagpapasabog sa lugar.

Para kitilin ang buhay ng tito ko pagkatapos.

I've been with liars after all.

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon