Tuck and I successfully passed the gates at naging dire-diretsyo ang byahe namin. Sumabay kami sa isang malaking truck na nagkataong papalabas din ng District 5 nang walang nakaka-alam.
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan kaya't lumikha man ito ng tunog ay wala pa ring nakakita sa amin dahil sa nakainvisible nga ang sasakyan.
Patuloy akong nagmamaneho habang si Tuck naman ay abala sa pagtingin-tingin ng mga classified weapons na ginawa nina Warren at Rain para sa amin.
Binilisan ko na ang takbo ng kotse kaya't mabilis naming narating ang District 9 at ilang oras na lang ay mararating na namin ang pinagtataguan nina Kenji at ng iba pa.
"I wonder what this watch can do." Saad ni Tuck habang tinitignan ang relong para sa kanya.
"Keep it for awhile. You can't test that here, it might put us in harm." Simpleng sagot ko.
Nakita kong sinuot nya ang relo at diretsyo din ang tingin sa daan.
"Sayo ba? Anong ginawa ni Railey?" Tanong nya sa akin. Automatic na napatingin ako sa singsing na nasa hintuturo ko sa kanang kamay, pero agad ko ding inalis ang tingin ko dito dahil ayokong makahalata si Tuck.
The message might be already obvious considering the love that Rain and I have pero gusto kong sa bibig nya mismo manggaling ang ibig sabihin ng singsing na ito.
Knowing Tucker, I know he would be happy for us pero wala pa sa oras para maging masaya.
Hindi ko kayang maging masaya.
Kasi wala si Rain.
"Wala. I didn't saw my name in there. Maybe Rain thought I can handle my own." Sagot ko na lang.
"Well, that's weird. Ikaw pa ang nakalimutan nya? Pero anyway, malapit na tayo. Sa ikalawang kanto ay iliko mo." Saad ni Tuck na sinunod ko naman ng marating namin ang ikalawang kanto.
Sumalubong sa amin ang isang mahabang pathway na nappaligiran ng mga puno sa magkabilang gilid ng kalsada. Tahimik at madilim.
Isang bagay na maisasalarawan sa District 10 ay napakatahimik dito. Ito kasi ang kaisa-isang district na walang pakielam ang mga tiga ibang distrito. Ginawa nilang tambakan ang District 10 ng mga pamilyang tingin nila ay wala ng pakinabang sa bansa, dito rin nila inilalagay ang mga kriminal na nahuli nila sa ibang distrito o ang tinatawag nilang Criminal's Cave, dito rin bumabagsak ang mga basura at kalakal na hindi na mapapakinabangan pa.
Sa tingin ko naman ay malapit pa rin kami sa bayan kung saan kami namili dati ng aming mga kaklase, naalala ko tuloy ang isa sa mga traydor sa kanila na si Abby. Siguro nga ay tama ang hula sa akin dati ng ale na binilhan ko noon.
Pero patunay lang ang katraydoran na iyon na hindi lahat ng nakangiti sayo ay mapagkakatiwalaan mo, na lahat ng umaakap sayo ay maaari mong gawan ng mabuti pero may patalim na naka-abang sa likod mo.
Ipinilig ko ang ulo para maalis sa isipan ang nakaraan na iyon. I don't care about her anyway.
Inihinto ko ang sasakyan ng makarating kami sa dulo ng madilim na kapatagan, maraming malalaking puno sa paligid at ng bumaba si Tucker habang nakamasid sa paligid ay bumaba na rin ako.
Nasa bungad pala kami ng isang bundok at wala ng makikita sa paligid kundi mga halaman at mga puno.
"Nasaan sila?" Tanong ko kay Tuck na sinisimulan ng takpan ng mga halaman, dahon at putul-putol na sanga ang kotseng aming ginamit kaya tinulungan ko na rin sya matapos makuha ang aming mga gamit.
"Huwag kang mag-alala, hindi tayo aakyat, nandyan lang sila sa tabi dyan. Let's go." Aya nito sa akin.
Nagtaka man ako kung ano ang tinutukoy nyang 'sa tabi dyan' ay sinundan ko na lang sya. Ang tinutukoy nya pala ay isang mukhang kweba nanatatakpan ng isang malaking puno na pinalilibutan ng mga dahon at baging.
Hinawi ito ni Tuck at nauna syang pumasok, tinignan ko muna ang aming paligid bago sumunod. Wala kaming ilaw na dala ngunit tila kabisado na ni Tuck ang daan kaya't sinusundan ko na lang sya.
Somehow I felt nervous, ngayon ko na lang ulit sila makikita after almost a month na nahiwalay kami sa kanila.
Huminto si Tuck at napahinga ng malalim ulit bago ako tinignan, may nakatabing sa harap namin na mga dahon at kahit madilim ay kita ko pa rin ang mukha ni Tuck.
"Medyo naayos na namin ang loob sa abot ng aming nakaya but I'm sure you wouldn't mind that. Ang dapat mo lang ikahanda ay ang makikita mo sa loob." Saka nya hinawi ang mga dahon at doon bumungad sa akin ang isang nag-aagaw na dilim at liwanag sa loob.
Isang kweba na kasing laki ng weapon room na tinuluyan ko dati pero lupa ang sahig nito, nadanggi pa ng aking paa ang dalawang pala na tila ginamit nila pangbungkal sa loob para magkaroon silang sapat ng espasyo. Nakasabit sa nagmistulang pader ang tatlong torch light na nagsisilbing ilaw, sa isang tabi ay mga kahong nakahilera na ginawang lamesa sa paraan na pinagdikit-dikit ang mga ito,
Walang mahihigaan, pero may limang upuan na gawa sa kahoy, may nakikita pa akong isang butas na natatabingan din ng malakurtinang gawa sa mga malalaking dahon.
Then my eyes stopped to the person who is seating on one of the chairs.
Si Chief. Nakaupo sya at ang tanging gumagalaw lang sa kanya ay ang mga daliri na abala sa pagsusulat sa isang papel.
"He became like that simula ng makarating kami dito. He keeps on planning things, wala syang kinakausap sa amin ni-isa. It's like everyone of us here had our own lives. Si Kenji na lang ang halos lagi kong nakakausap." Paliwanag sa akin ni Tuck sa tabi ko na maririnig mo sa kanya ang lungkot habang nagkukwento.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Chief. Paano pa kaga kung malaman nya na hindi namin kasama ngayon si Rain at hawak ito ng SkyTech?
Naalis ang tingin ko kay Chief ng bumukas ang kaninang nakita kong natatabunan ng mga dahon. Lumabas doon si Sir Chris at James kasama si Kenji.
Natigilan silang tatlo ng makita ako.
"I have the weapons and I found her." Anunsyo ni Tucker at doon lang sila lumapit sa akin.
I remain emotionless kahit natutuwa akong makita sila. Simula kasi ng mangyari ang lahat ng kaguluhan na ito, simula ng magumpisa ng isang gyera si Heinz sa pagkuha kay Rain at sa pagkitil sa mga inosenteng buhay. Hindi ko na magawa pang magpakita ng emosyon.
Dahil walang dahilan para magpakita ng kahinaan.
"Thank god you're okay Zoey." Hindi makapaniwalang saad ni Kenji at naramdaman ko na lang na niyakap nya ako.
I just simply tap his back at ng bumitaw sya ay nakatanggap naman ako ng simpleng ngiti at tango kina Sir Chris at Sir James.
"Zoey...?" Lahat kami ay napatingin kay Chief ng magsalita ito.
Unti-unti itong tumayo at lumapit sa kinatatayuan namin.
Nakakakutob na ako kung ano ang maaari nyang itanong pero naunahan na sya ni Warren na biglang lumabas ito mula sa kinaroroonan nina Kenji kanina.
"Nasaan si Railey?"
And I just broke them again when I told them my answer.
~~~~~~~~
C: Hallo~! This is unedited.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)