16-Wrath

1.3K 66 1
                                        

Saglit pa akong natigilan bago ko pakielaman ang pass code sa tabi ng pinto para mabuksan ang pinto.

Hindi ko alam ang code nito pero alam kong kapag nasira ay mabubuksan ang pinto pero kasabay nito ang pagkakaroon ng warning sa buong lugar.

Sa pagkakita ko kay Liz, hindi ko maiwasang kabahan at umasang nandito rin si Rain. Kaya kailangan kong maging maingat.

"Liz....Liz..." pagtawag ko dito pero hindi pa rin nito inaangat ang ulo mula sa pagkakayuko.

Naghanap ako ng maaring ibato sa loob para makuha ang atensyon nya dahil hindi ako pwedeng gunawa ng ingay kung walang kasiguraduhang aalis kami agad dito.

Pero dahil hindi ako sigurado kung nandito ba si Rain, at umaasa akong nandito sya. Kailangan kong gumawa ng paraan para mapansin ako ni Liz.

"Liz...Liz!"  Mahinang pagtawag ko dito, halos mabuhayan naman ako ng loob ng makita kong unti-unting umangat ang kanyang mukha.

Anger fueled me up ng makitang maraming pasa sa mukha ni Liz, doon ko mas nakita ang mga pasa at gasgas sa braso, hita at sa kanyang mukha.

Nawala ang pagiisip na maka-alis dito ng payapa dahil agad kong sinira ang lock door gamit ang malakas na kuryente na pinalabas ko.

Nagsimulang tumunog ang alarm sa kabuuan ng building at naglabas ng tubig ang sprinkler dahil sa usok na ginawa ng pagsabog na iyon.

I immediately went to Liz then grabbed her robe. Nagulat pa sya ng makita ako pero ibinigay ko lang sa kanya ang jacket na suot ko.

"Can you shoot?" Tanong ko sa kanya at hindi pa rin sya nagsasalita.

Tinignan ko ang labas ng kwartong kinalalagyan namin at nakakarinig na ako ng mga yabag ng paa.

But I cannot move lalo na at biglang umiyak si Liz at humawak sa damit ko.

"T-thank you.. thank you Zoey.." paulit-ulit nyang sinasabi iyon habang umiiyak at wala akong nagawa kundi tapikin na lamang sya at tinanong muli.

"Again Liz, can you shoot?" Tanong ko at agad nyang pinunasan ang kanyang mga luha at tumango.

Anger and pain was visible in her eyes, pansin din na namayat sya.

"Good, you can have my gun. Nasa inside pocket ng jacket na suot mo. Aakyat tayo sa upper floor para malaman kung nandoon si Rain---"

"They moved him to the central Zoey."
Natigilan ako sa sinabi ni Liz. Tinignan ko sya ng nagtatanong kaya ipinagpatuloy nya ang pagsagot sa akin.

"Dalawang oras bago ka nakarating dito, inilipat nila si Railey sa main laboratory ng SkyTech."

Hindi ko alam kung bakit tila may bumara sa lalamunan ko na kailangan ko pang lumunok ng ilang beses bago nakagalaw.

I was late.

Again.

"I think we should go. Umalis na tayo dito, ayoko na dito Zoey. Please!" Pakiusap sa akin ni Liz kaya doon ako natauhan at agad kaming kumilos.

Inalalayan ko syang maglakad papalabas sa pamamagitan ng paghawak sa jacket na suot nya dahil halatang nanghihina pa rin sya. Pero kahit ganoon ay hawak nya sa isang kamay ang baril at ako naman ay nakahanda ang isang kamay pang-atake.

Soldiers started rushing in at bago pa sila makapagpatama ng baril ay inunahan ko na sila. Kita kong mula sa ground floor galing ang mga sundalo at masyado silang marami na ang tanging paraan lang para maka-alis ay ang pataas.

Pinapatamaan namin ni Liz ang mga nagtatangkang lumapit sa amin at barilin habang humahakbang papalapit sa hagdan papaakyat sa third floor.

"In the count of two, mauna ka ng tumakbo papaakyat." Saad ko kay Liz na sinangayunan nito.

Nacorner na kami ng mga sundalo ng SkyTech at akmang aasinta na sila ngunit kasabay nito ay ang aking pagbilang.

"One...."

Nararamdaman ko na naman ang pagdaloy ng kuryente sa aking mga ugat. Mainit, mabilis at galit na galit na gustong kumawala ng enerhiya.

"Two!"

So I released all those energy dahilan para mapaatras ang mga kalaban. Dalawang kamay ko ang naglalabas ng enerhiya dahilan para makuryente ang mga ito.

Gumagapang ang mga asul at puting linya sa sahig at sa mga katawan nila na kinakain sila ng paunti-unti.

Yes, I am letting out all the wrath I feel inside.

Wrath that is enough to take lives.

"Zoey! Let's go!" Pagtawag sa akin ni Liz at doon ako natauhan muli saka tumakbong mabilis papaakyat sa third floor kung saan  ang mga scientist ay natataranta ng makita ako.

Wala silang kahit na sinong tigabantay dito at hindi ganoon kahigpit ang seguridad nila. Wala na din naman silang aasahan dahil pinatay ko na lahat ng magtatanggol sa kanila.

Ang ilan sa kanila ay nagtatago kapag naglalakad kami papalapit. I took my time leisurely, halos manginig naman sila sa takot dahil kitang-kita pa rin sa aking mga kamay kung anong kaya kong gawin sa kanila kapag may isang nagkamali.

Nang makalapit ako sa isa sa mga scientist ay itinapat ko dito ang aking kamay na may lumalabas na linya ng kuryente. Pilit naman itong umiiwas na hindi ko naman hinayaan.

"Saan nyo dinala si Railey Alcaraz?"

"Hindi ko p-pwedeng sabihin!" Sagot nito na ikinangisi ko lamang.

Itinapat ko pa dito ang aking kamay at mas pinalakas ang enerhiyang dumadaloy sa akin.

"S-sa C-c-central La-la-laboratory, s-sa m-m-main building ng SkyTech." Kinakabahang sagot nito pero mas nagseryoso lang ang mukha ko.

"Tell. me. the. exact. location. Now."

"H-hindi ko alam! Depende iyon sa mga isasagawa sa kanyang tests---"

Doon ako kinakabahan.

"You're testing him??!!! For what??!" Galit na tanong ko.

No! Hindi maaari iyon! I cannot let that happen.

Sa puntong iyon ko nakita ang pagngisi ng lalaking tinanong ko, pero agad itong bumalik sa pagkatakot ng ilapit ko pa sa leeg nya ang kuryente ko.

"Sagot." Maikling saad ko na ginawa naman nya.

"Heinz will make the first modified prototype of Project 1004, iyon lang ang alam ko pero hindi ang proseso."

Sa galit na nararamdaman ay pinasabog ko ang pader, saktong ito ang nasa likuran ng building kung saan ako umakyat kanina.

Tumalikod ako sa mga taong kasangkot at tila walang pakielam na pinagexperimentuhan ang katulad ni Rain at tingin ko ay maging si Liz.

I saw Liz patiently waiting for me at tila naaawang nakatingin sa akin. Maybe she felt what Rain felt too. She knows that it was a ruthless, unforgivable torture.

"Tell this to your boss..."

"Pupuntahan ko sya sa oras na hindi nya inaakala, at ako mismo ang magpapabagsak sa kanya."

With that Liz and I left the building.

Saka ko lang hinayaan na makawala ang isang patak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

I don't have enough time anymore, at mas lalo ko sigurong hindi kakayanin kapag nakita ko ang magiging kalabasan ng pagkahuli ko sa pagsalba kay Rain.

————————————————






C: May nagbabasa pa ba nito? Haha! Anyway, thank you for reading! Malapit ng magkita sina Rain at Zoey!

Game ka na ba? Syempre joke lang yun. Lol. We'll see. Thank you ulit! Sana naintindihan nyo ung scene. Magulo utak ko eh. Hehehhehee

Viciously Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon