Tuck and I decided to keep moving. Parehas naming isinuot ang mga sumbrero namin at naglakad papaalis sa waiting shed na syang pinagpahingahan namin.
Napagtanto lang naming nasa isa pala kaming village na puro mga average family ang naroroon. Isa ito sa naging pagbabago ng mag take over ang panibagong government na isang puppet din naman ng SkyTech. Inilagay nila sa tatlong klase ng village ang mga tao. Nakabase sila sa income nila buwan buwan at inilalagay sila kung saan sila nababagay.
Maingat ang bawat galaw namin dahil alam kong may mga security cameras ang SkyTech na nakapalibot dito. Lalo na at nasa border na kami ng District One.
"Nasaan sila?" Iyon lang ang tangi kong tanong kay Tuck ngunit naintindihan na nya ito kaagad.
"Nasa Districit 10 sila. Iyon lang ang pinakasafe na lugar para sa atin ngayon dahil wala masyadong bantay ang SkyTech doon." Sagot nya sa akin.
"Kailangan muna nating makalagpas sa Main District kung ganon." Sagot ko dahil kakailanganin naming sumakay ng train para makarating sa District 10.
Ngunit delikado ito dahil sa dami ng dala namin at sa dami ng security cameras sa palibot ng District One. Hindi malayong mapansin kami, isama pa na marami ring nakapalibot na mga bantay ng SkyTech sa punong lungsod.
"Mukha nga." Maikling saad sa akin ni Tuck.
"Teka, paano ka nga pala nakapunta dito kung nasa District 10 naman pala kayo?" Tanong ko sa kanya.
Huminto sa paglalakad si Tucker at tinignan ako.
"Madali akong nakabyahe dahil mag-isa lang ako at walang maraming dala." Kibit-balikat na sagot nya.
Nag-iisip ako habang naglalakad kami ng maaari pang maging paraan para makarating ng District 10, balak kasi namin na pumunta muna sa dati kong tinitirhan.
Wala kaming pera, wala din ang mga importanteng papeles ko tulad ng birth certificate at mga ID's kasama na ang isang credit card ko na naiwan noon sa Sector na pinasabog naman ng SkyTech. Pero meron akong pinakatatagong debit card na iniwan ko sa bahay na pwede naming magamit sa pangangailangan namin.
At iyon ang dapat kong makuha.
"We can use a private vehicle to secure our things." Saad ko na nakapagpaisip kay Tucker.
"Saan naman tayo makakakuha non?" Tanong nya habang maingat kaming lumiko sa isang eskinita na mas malapit kung tutuusin sa bahay ko dati.
Nagkibit balikat ako.
"Tinuturing na akong kriminal, paninindigan ko na." Balewalang saad ko saka ibinigay kay Tucker ang dala kong bag.
Madadaanan kasi namin bago makarating sa bahay ang isang imbakan ng mga kotseng nahuli. Iyong mga sasakyan na nakarestrain sa paggamit dahil may nilabag na batas trapiko ang mga may-ari.
Tanging wire fence lang ang harang nito at may isang enclosed booth sa di kalayuan kung saan may isang bantay na natutulog.
Inilabas ko ang isang katana na nakaipit sa binti at pinadausdos sa wire fence. Ganun ito katindi dahil maging bakal ay kayang putulin ng walang kahirap-hirap.
Pumili ako ng sasakyan na tingin ko ay magagamit namin. Nang makahanap ay binuksan ko ito gamit ang nakita kong itim na pabilog na mukhang stud earring mula sa weapon room. Natuklasan ko itong nakalagay noon sa drawer ng mesa na nasa loob at doon ko din nalaman kung ano ang kaya nyang gawin.
Kaya nitong tumunaw ng pagdidikitan mo na kakasya ang isang daliri. That's enough for me para mabuksan ko ang lock mula sa loob dahil lahat ng ipi-nro-duce na sasakyan ngayon ay mga dipindot na maging ang car ignition kaya hindi na kailangan ng susi.
I successfully opened it at pumasok kami sa loob ni Tucker. Inilagay namin sa likod ang mga bag at sya ang sumakay sa may passenger seat.
In-attach ko sa sasakyan ang invisibility sticker na ginamit din namin noon sa operasyon saka pinasibat ang sasakyan paalis ng lugar na iyon.
Hindi man lang nalaman ng bantay na nanakawan na sya ng sasakyan. I'm sure there are CCTV cameras in there pero dahil lagi ko itong nadadaanan noon. I'm sure na nasa malayo ito kung saan ako nagnakaw ng sasakyan.
"Whew. That was fast." Komento ni Tucker na hindi ko na pinansin.
Imbis na iparada ang sasakyan sa tapat ng bahay, sa likod ko ito inilagay kung saan isang bakanteng lote lang ang nandoon. Mahirap na dahil baka mayroong tao sa loob ng bahay ko ng hindi ko alam.
Matagal na rin akong hindi nakakapunta dito at aaminin kong nakakamiss. Nandito din kasi halos lahat ng ala-ala namin ni Rain.
I shoo the thought away at sinabihan si Tucker na maging alisto. Ako na lang kasi ang papasok para mas mabilis at sya naman ay lumipat sa driver's seat.
Hindi na ako naghanda ng armas kahit meron ako nito sa katawan na nakatago gamit ang mga holster na nagiging invisible.
I can electricute any stranger in my house anyway gamit ang aking mga kamay.
Kung dati ay takot na akong makasakit ng kapwa, now I can inflict pain to others with no mercy.
I went inside the house using the back door, so far ay wala akong nakitang tao sa kitchen at sinilip ko ang salla ng bahay at wala din akong nakitang iba.
Ganoon pa rin ang ayos ng bahay ko kung paano ko ito iniwan. Tinignan ko ang refrigirator ko na walang laman kung hindi isang bote ng tubig. Maging ang mga cupboard ay tinignan ko din ngunit isang cup noodles lang ang nakita ko na expired na.
I want to get everything that I can use sa bahay na ito and so far, the first floor of my old house has nothing to offer.
Mabibilis ang hakbang na tinungo ko ang second floor. May narinig kasi akong tumigil na sasakyan sa labas, sa tapat ng bahay.
I went inside my room at hinanap sa closet ang debit card na itinago ko doon. Mabuti at nandoon pa ito kaya mabilis kong inilagay sa bulsa ko. Kumuha na din ako ng dalawang hoodie jacket para sa aming dalawa ni Tucker at limang pares ng t-shirts at jeans saka inilagay sa isang sack bag.
Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto ko at dumapo ang mga mata ko sa picture namin ni Rain sa may bedside table. Agad ko itong kinuha at binuksan ang bintana na nakatapat sa bakanteng lote sa likod kung saan naroroon ang kotse at si Tucker saka walang takot na tumalon.
Pumasok ako agad sa kotse at itinapon ang bag sa likod.
"Drive." Saad ko na sinunod naman ni Tuck.
Hindi ko kasi maiwasang magtaka sa aking narinig ng sakto sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko ay boses ng mga estranghero kong magulang ang naroroon.
Rinig ko ang iyak ng dati kong ina na pinapatahan naman ng kanyang asawa.
Bakit sila nandoon? Lihim akong napangisi dahil hindi ako makapaniwala.
Kung tama nga ang hinala ko, para saan pa ang mga luha nila kung hindi din naman nila ako pinahalagahan noong nasa poder nila ako?
Hindi naman sa may nagbago. Isa lang naman silang estranghero sa buhay ko at hindi ko sila kilala.
~~~
C: Unedited
![](https://img.wattpad.com/cover/78283633-288-k382163.jpg)
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...