Sa tahimik at malinis na hallway naglalakad si Chief, tanging ang suot nyang army boots ang maririnig hanggang sa makarating sya sa kwartong kanyang pakay.
It has been 5 years simula ng mangyari ang labanan sa pagitan ng grupo nila at ng mga tauhan ni Conner Heinz. Natatandaan pa nya kung paano inilahad sa kanya ni Kenji ang ginawang pagsend ng files ni Zoey sa WPO ng mga dirty jobs ni Heinz at ng kanyang kumpanya. Maging ang pagrequest nito ng tulong sa araw na susugod sila sa annual meeting.
Kenji followed-up the report at ng makilala sya bilang anak ng mga dating kasamahan ng chief commander ng WPO ay agad itong nagpadala ng tulong. Conner Heinz was put behind the bars maging ang mga magulang ni Zoey at iba pang mga kasabwat bilang accomplice sa mga ginawa ni Heinz. Hindi kinaya ni Conner Heinz ang depression at ang pagkamatay ng kanyang nag-iisang anak kaya't ito na mismo ang kumitil ng kanyang buhay.
WPO handled the country for a year, hanggang sa naisipan ng nakatataas na organisasyon na ibalik sa dating pamamaraan ng pamamalakad ang bansa. The people was given the chance to choose their leader again at si Chief Darren Alcaraz ang napili ng mga itong pamunuan ang bansa.
SkyTech products was banned and all the laboratories and branches were closed, ibinalik ang mga dating electronics devices na itinago ng SkyTech at iyon na ang ginagamit ng mga mamamayan, everything went back to the way it used to be before SkyTech took over.
Maliban sa isa.
Sa isiping iyon ay napahilot ng sintido si Chief at bumuntong hininga bago pumasok sa pinto ng kwartong kaharap.
Puting silid na naman ang bumungad sa kanya na hindi na bago sa kanyang paningin. Nakita nya ang anak na si Warren na bumalik sa propesyon nitong pagiging doctor na abala sa pagchecheck ng vital signs ng pasyente nito.
"Oh pa, you're here. Bibisitahin mo ba ulit ang daughter-in-law mo?" biro nito sa ama ngunit mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito.
Kahit ito man kasi ay napalapit na sa matapang na dalagang nakaratay ngayon sa kama. Magsasalita na dapat si Chief ngunit nagbukas ang pinto at doon pumasok si Rain na malaki rin ang ipinagbago sa pangangatawan.
Rain felt useless sa tuwing maaalala nya ang nangyari 5 years ago, kaya nagpursigi itong magpalakas para sa babaeng iniibig. It might look for the good, but as a father ay hindi nakakaligtas sa kanyang mga mata ang lungkot sa mga mata ng anak.
Nilagyan si Rain ng isang microchip sa puso kung saan nagsisilbi itong time bomb, ngunit ang kaibahan nito ay ang puso nya lamang ang maapektuhan at titigil sa pagtibok, but through Zoey's power ay nasira nito ang micro chip sa loob ng kanyang puso dahilan para manumbalik ang kanyang wisyo. Rain was under surveillance for a year matapos tanggalin ni Warren ang microchip sa kanyang puso, he was critical ngunit nagawa nya itong malagpasan.
But Zoey's case was different, limang taon na ngunit hindi pa rin ito nagigising. Warren and his team already healed Zoey's body, mula sa mga sugat na natamo nito, sa mga internal bleedings, ngunit nananatili pa rin itong walang malay. Warren wanted to think Zoey was just comatosed, pero sa hirap ianalisa ng katawan nito ay wala syang makuhang sagot sa kung ano nga ba ang nangyayari ngayon sa katawan ng dalaga. Ang tanging pinanghahawakan lang nila ay ang mahinang pulse rate nito na patuloy na tumitibok na nalaman lang nila dahil na rin sa tulong ni Sir Chris.
Naupo si Rain sa upuan sa tabi ng kama ni Zoey at hinawakan ang kamay ng dalaga matapos itong halikan sa noo, hinawakan naman ni Chief ang balikat nito't nag-ipon ng lakas para sa mga katagang sasabihin.
"Anak, it's been five years, don't you think it's time to just let her go?"
Agad nagseryoso ang mukha ni Rain at walang tingin tingin sa amang nagsalita, nanatili ang kanyang paningin sa babaeng nasa harap na mahimbing na natutulog.
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)