"Anong nangyari?" Tanong ko kay Tuck habang abala sya sa pagmamaneho.
Dumaan kami sa isang convinience store kanina at namili ng maaari naming makain at gamitin. Sinabi din kasi sa akin ni Tuck na malapit ng maubos ang stock nila. Kumain na rin kami bago tahakin ang daan patungong District 10. Pinili namin dumaan sa loob imbis na sa highway para hindi kami mahalata. Iniiwasan din namin ang mga check points na maaari naming madaanan kapag sa highway kami dumaan.
"Well, nagkahiwalay kami nina Liz at Kim, si Kenji lang ang kasama ko at si Sir James. Warren and Sir Chris went to Area 51 kung saan nakatago ang isa nating van. Nakatanggap kami ng mensahe kina Warren sa lugar na pagkikitaan dahil hindi na nila kami pinabalik sa Sector. Sila ang sumalubong doon kina Chief para maipasok na ang mga supplies sa sector. Chief was with ten soldiers that time para mas mabilis pero hindi na nakabalik pa ang lima dahil doon na nagsimulang umatake ang mga tiga-SkyTech. They have no choice but to leave."
Hindi ako nakaimik. Naaalala ko kasi ang itsura ng mga inosenteng bata at matatanda na nakilala ko sa Sector.
"Anong nangyari pagkatapos?" Tanong ko.
"Nagkaengkwentro nila ang isang grupo ng mga sundalo ni Heinz. Hindi naging maganda ang laban dahil sugatan sila noon. Warren and Sir Chris has no choice but to fight too. Pagkatapos non, ang tangi lang naming nakita sa lugar na sinabi ni Warren na pagkikitaan namin ay silang tatlo ni Chief at Sir Chris."
"May balita ba kayo kina Liz at Kim? Si Sir Rick?"
Tanong ko habang nagmamasid sa mga gusaling aming nadadaanan para malihis ang sakit at pag-aalalang nararamdaman. Paniguradong mahirap din ang kanilang mga pinagdaanan.
"Hindi ko pa alam, bago ako umalis ay naabutan ko si Kenji na abala sa pagtrack sa kanila. We are still hoping na nasa maayos silang kalagayan. What about you? Nasaan si Railey?"
Doon ako saglit na natigilan. Hindi nga pala nila alam ang nangyari sa amin.
Mahirap man pero nagsimula akong magkwento ng hindi sya tinitignan.
"Bumalik kami sa Sector pero wala na kaming ibang naabutan maliban sa SkyTech at si Conner Heinz...we got into a fight and they got Rain." Pagpapaikli ko sa kwentong sapat na para pahirapan ako hanggang hindi ko nakukuha si Rain.
Napansin kong natahimik si Tuck. Alam naming dalawa ang nararamdaman ng bawat isa. Kung nasa kamay ng SkyTech ang taong pinakamamahal ko, wala naman syang balita sa taong mga mahal nya. Liz is the only girl he put effort for para makumbinsi itong mahal nya ang babae. Kamakailan lang sila naging magkasintahan kahit hindi nila sabihin sa amin ang totoo nilang relasyon.
I wonder how Kenji copes up, nawawala din si Kim na sya namang nagpapasaya sa kanya. Tanda ko pa kung paano umamin si Kenji sa akin noon matapos nilang makapagusap ni Kim na nagseselos daw ito sa akin. That Kenji and I are always together na baka daw mahulog ang loob namin sa isa't-isa.
But Kenji explained everything to Kim at nagkamabutihan na din sila.
Lahat kami ay napahiwalay sa mga taong mahal namin, kaya mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban. Wala ng oras para maging mahina.
Hindi magandang sandata ang emosyon dahil lakas at utak na dapat ang aming gamitin.
Matagal bago nakaimik si Tuck.
"Samahan na ba tayo ng nawalan ng ka-love team?" Biro nya ngunit hindi ko magawang matawa kahit alam kong pinapagaan nya lang ang atmosphere sa loob ng sasakyan.
"We'll get back what was ours. In the mean time, kailangan muna nating magsama-sama." Saad ko at inabala muli ang sarili sa pagtingin sa paligid.
~~~
Nagising ako sa mahinang pagtapik ni Tuck sa akin at inilibot ang tingin. Kung kanina ay naglalakihang mga gusali ang nasa paligid, ngayon naman ay mangilan-ngilan na lang ang mga gusali at karamihan ay mga bahay at maliliit na tindahan.
"We're on District 5 now. Mas kailangan nating mag-ingat dito dahil may check point sa border papalapit sa District 6." Saad ni Tuck
"Hindi ba't naka-invisible tayo?" Tanong ko.
"Yes, pero kung anong kinaluwag sa ibang dustrict, sya naman kinahigpit dito. They have gates na kailangan nating malagpasan. Hindi sila basta-basta nagpapalabas ng mga sasakyan bilang parte na rin ng rules nila."
"Maalam ka bang maghack ng system nila? If you can, we can pass the gate ng hindi kailangang may bumaba na isa sa atin." Saad ko habang nag-iisip ng paraan pa.
"I can but I'm sure na mahirap magkaroon ng access doon besides, we don't have any gadgets with us. Isama pa na under ng SkyTech ang mga tauhan doon." Sagot sa akin ni Tuck habang patuloy sa pagmamaneho.
Nang mabanggit ang SkyTech ay wala na akong pagaalinlangan na mapasabak muli sa isang labanan makatawid lang sa gates na iyon. Pero sa nakikita kong pagod sa mga mata ni Tucker at sa pagnanais ko rin na huwag malaman ng SkyTech ang pagkabuhay ko para sa mga nakahandang plano.
Kailangan namin ng mas tahimik na paraan para makalagpas sa gate.
"Itigil mo muna ang sasakyan. Ako na ang magdadrive." Saad ko kay Tucker at sinunod naman nya. Itinabi nya sa tabi ng kalsada ang sasakyan at mabilis kaming nagpalit ng pwesto ng hindi bumababa sa sasakyan.
Nang makapagpalit kami ay pinaandar ko na ulit ang sasakyan.
"What's your plan?" Tanong nya sa akin
"Magmanman muna tayong dalawa malapit sa gate since naka-invisible naman tayo. Let's see kung magagawa nating sumabay sa alin mang papalabas din ng District 5 na sasakyan."
"I think I like that more." Komento ni Tuck at sinabihan ko syang umidlip na muna.
I focused myself on driving thinking of another way kung sakali mang magkaaberya.
~~~~~~~~~~~
Unedited
C: short. I know. I'm sorry. Busy lang. Isiningit ko lang pati. Hehehe.
Salamat sa mga nagbabasa nito at sa mga nagvovote at sa mga naga-add sa mga reading lists nila. I appreciate it a lot.
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Science FictionWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)