"So what does this ring do?" Tanong ko kay Warren habang hinihintay namin ang mga kasama namin na pumasok sa meeting room.
"I don't know. Hindi nya sinabi sa akin. It will be a secret for the both of you daw. Actually iyan at ung kay Kenji ang pinakamatagal nyang ginawa sa lahat."
Nanatili na lang akong tahimik habang pinagmamasdan pa rin ang singsing. Isang linggo na ang lumipas mula ng huli naming pag-uusap. Dalawang linggo mula ngayon ay gaganapin na ang annual meeting ng bawat district at ministry head.
Naunang tumabi sa akin si Kenji at sa kanan ko naman ay si Warren, habang nasa harap namin si Sir Chris, Sir James at Tuck.
"Ang kailangan muna nating malaman ay kung saan nila itinatago ang mga kasama natin. Dalawa ang pinagpipiliang lugar. Maaaring sa District One or sa District Two." Paliwanag ni Tuck
"Sa District One gaganapin ang annual meeting, ang kailangan nating malaman ay kung saan. Sigurado ring hindi nila ito gaganapin sa mismong opisina ng SkyTech dahil masyadong marami ang dadalong mayayaman. People think of Conner Heinz as a perfect man kaya't kung sa main branch man ng SkyTech nakatago sina Liz ay masyadong delikado para sa kanila kung magkagulo man." Paliwanag ko.
"Yes, and I'm sure na tago ang lugar dahil na rin para sa kaligtasan ng mga elites. To think na magiging pot of gold ang lugar na pagdadaluhan nila sa meeting dahil nandoon lahat ng mayayaman."
Komento ni Sir James.
Napasnap bigla si Tuck ng daliri sa ere at lumapit sa dalawang laptop na nakalagay sa tabi. He typed something there at makalipas ang ilang minuto ay may ipinakita sya sa aming isang invitation card. Kulay itim ito na may linings ng gold at white.
"Apparently, the minister of District one Alexander Strark is a dumb famewhore. He posted it on his social media account." Bored na saad ni Tuck.
Doon kasi sa larawan ay hawak ni Strark ang invitation card na nakaharap sa camera ang mismong loob at nilalaman nito. Naalala ko na una ko syang nakita noong show-off sa school.
He looks smart but a dumb puppet on the real side. I looked at his face for a long time at may namumuo sa aking isipan na plano.
If he can be easily manipulated, maaari syang makatulong sa akin. He's a puppet of Conner Heinz and I'm sure he knows all the secrets he have. Pero kung iisipin ko iyon, mas alam ng anak ni Heinz ang takbo ng utak ng kanyang ama.
Pero malabo, I'm sure Gregory Heinz has the same way of thinking like his father. Ika nga, like father-like son. Hindi malabong katuwang din ito ng ama sa lahat ng mga pinag-gagagawa nito.
"So sa Business Convention Center nila gaganapin and I'm sure that will take a lot of men to secure the area." Saad ni Warren
"Yes, hindi naman pala ganoon kasikreto ang lugar and you're right. Maraming bantay." Pagsangayon ni Kenji.
"And we'll take that as an advantage." Sabat ko dahilan para mapatingin sila sa akin.
"And why is that?" Tanong ni Sir James.
"Because they only have 150 men to secure that area. Every annual meeting ay 150 na gwardya lang ang inilalabas ng Security Agency ng bansa. Because the government police are on the patrol samantalang ang ilan dito ay nasa mismong SkyTech to guard the building." Paliwanag ko
"How did you know that?" Tanong sa akin ni Kenji
Doon ako napatigil but I decided to lie anyway.
"I read it before. Napapanuod ko din sa tv ung mga annual meeting na iyon and they tell the people that they have a heavy security surrounding the place but the truth is they don't. They only say that just to hide the truth that they only have 150 men to guard the area and that the government's men are guarding SkyTech's different offices and laboratories."
"Ganoon ka-hawak ng SkyTech ang gobyerno na imbis na protektahan ang mga mamamayan laban sa masasama ay mga proyekto ng SkyTech ang pinropotektahan." Dagdag ko pa.
Hindi ko napansin na nakayukom pala ang mga kamay ko not until I saw Kenji looking at my fist.
I immediately released it saka huminga ng malalim. Ngayong mas open na ako sa nangyayari sa paligid ko na dati ay hindi ko naman pinapansin, mas lalo akong nahihiya na anak ako ng mga taong kabahagi ng kasinungalingan na iyon.
Lahat sila ay tahimik not until Kenji spoke.
"If we are going to base on the count you've said. Then hindi na tayo masyadong mahihirapan na magmanmam."
Agad akong umiling na sinundan ni Sir Chris.
"No, lahat ng sundalo sa bansang ito whether it's from a private company or sa gobyerno galing ay magaling ang pagkakahasa sa kanila. They were trained only to kill and not to ask. Kaya kumpyansa silang kakaunti lang ang inilalagay na mga tauhan sa kung saang lugar man."
"Zoey's right and I think you should know that these men are equipped with a microchip that enhances their fighting skill." Dagdag ni Sir Chris.
"That was obviously made by the SkyTech. Am I right? So ibig sabihin ay natuloy ang nauna nyang balak noon? Ung planong ginawa ni Chief?" Tanong ni Tuck.
"No. Heinz made a microchip na inilalagay nila sa bawat tauhan nilang nakakalampas sa matinding training nila. That chip enhances their skill but they can still get wounded or be killed. Thankfully, hindi pa naisasakatuparan ni Heinz ang makagawa or makapagsimula muli ng armas na ginawa plano ni Chief because the blueprint and project plan was damaged. Well, iyon ang huli naming balita bago mangyari ang pagpapasabog sa Sector." Paliwanag ni Sir Chris.
"My father's original plan is a weapon for battle, not a microchip for people to become murderers. But if that's the case then we have to make sure we can fight kung sakaling magkaengkwentro man." Saad ni Warren
Hindi na ako nagkumento at nakinig na lang sa plano nila. Kapag hinihingi nila ang opinyon ko ay sinasabi ko.
"We have three people to look out for. One is Conner Heinz, second is his head security Vixx and three is Alexander Strark na palagi nyang kasama. They might have the information we need kung saan nila itinatago ang mga kasama natin." Saad ni Sir James.
"Tuck and Kenji will monitor the area sa loob, since walang nakakakilala sa inyong dalawa, you can pretend as a guest. Zoey and Warren, you two will monitor the area by the back while Chris and I will monitor Heinz and his men. "Pahayag ni Sir James.
"We have one more person to look out for."
Pagbasag ko sa katahimikan
"Who?"
"Gregory Heinz."
~~~~~~~~~~~~~~
C: I'm sorry kung matagal. Unedited. Busy lang.
May nagbabasa pa ba nito? Hehe. Salamat kung meron man.
Pasensya na din kung sabaw at magulo.hahaha
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Ciencia FicciónWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...
![Viciously Charged [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/78283633-64-k382163.jpg)