"Chief...." halos pabulong ko ng saad ng makitang nakatayo ito ng tuwid at abalang inaayos ang sariling damit at mga armas.
He looks different. Parang bumalik ang dati nitong aura na ma-autoridad.
"I assume na naguguluhan ka and Warren told you about me. Long story short. We only have 6 hours to go to Heinz old factory house."
Akmang lalabas na sya ng pintuan ng kwarto ni Rain ng pigilan ko sya.
"So you knew? Alam mong may mga traydor tayong kasama?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Chief looked at me seriously at bumuntong hininga.
"My instict tells me they are, and I'm sure that you've found something interesting on your parents' house that proves what I think. Kaya't para malaman ang totoo, kailangan nating pumunta sa lokasyon na alam ko at doon lang tayo makakagawa ng susunod na hakbang sa kanila."
"So you've been planning all along? Saan ba ang lugar na tinutukoy mo? At anong plano mo?" Tanong ko
"Sa north part ng District One salungat sa lugar ng gaganaping annual meeting na matatagpuan sa South. We have the same plan Zoey. And that concerns my son."
"Teka, paano mo nalaman na traydor sina Sir James at Chris? Pati ang dating warehouse ni Heinz?" Sunud-sunod na tanong ko habang sinusundan si Chief na maglakad pababa ng hagdan.
"Let's go, kalahating araw lang ang meron tayo and we must not waste time. Sa byahe ko na ipapaliwanag." sa sinabing iyon ni Chief ay agad-agad akong kumilos, tanging isang handgun at tatlong magazine ang aking binitbit at isang multi-swiss knife.
Lumabas kami ng bahay at mabilis na naglakad papalabas ng village. Nasa sidewalk na kami kung saan maraming mga bilihan at tindahan ng napadaan kami sa isang kotseng nakaparada sa tabi ay dali-dali itong binuksan ni Chief gamit ang device na ginamit ko noon sa nanakaw naming kotse. Sumakay sya sa driver's seat at agad naman akong sumakay din sa kotse saka pinaharurot nya ito paalis.
Narinig pa namin ang may-ari na sinisigawan kami para ibalik ang sasakyan ngunit hindi namin ito pinansin.
"Warren and Kenji will notify us kung malapit na sila. They knew my plan except Tucker. Sa tingin ko ay hindi pa naman nakakatunog sina James at Chris." sabi ni Chief habang patuloy na nagmamaneho.
"Minsan ko na silang nahuli ni Chris ng palihim silang nagtatagpo para makapagusap, hindi ko ito binigyan ng pansin dahil pinagkakatiwalaan ko sila. Hindi ko pinapaalam sa Alpha Team noon maliban kay Warren, Kenji at Railey na nawawalan ang Sector buwan buwan ng mga armas na ginagawa sa weaponry department, at sa bawat pagkawala na iyon, si James ang naka-assign para magmonitor ng mga nagagawang armas na dinedeploy sa mga stations sa loob ng sector. Doon palang alam ko ng may mali. May traydor sa atin."
Nakita ko ang madiin na pagkakahawak ni Chief sa manibela ng sasakyan pero nagpatuloy pa rin sya sa pagkukwento.
"Warren also told me na sa bawat medical cure na nagagawa ng departamento nya ay nababawasan ito ng kalahati. Those medical cure na pupwede ng maging sample para lalo pang mapagexperimentuhan. Si Chris lang naman ang alam naming may access sa mga iyon maliban sa anak ko. When I was about to talk to them, sa araw na papabalik na dapat ang team nyo mula sa mission, doon naman naganap ang pagsabog ng Sector. I decided to remain silent to see what they will do. Dahil doon pa lang alam ko ng sila ang traydor sa grupo."
So tama nga ang mga nalaman ko.
"May isa pa akong nalaman Chief." saad ko.
"Ano?"
"Silang tatlo ay galing sa Security agency ng mga magulang ko at tauhan sila ni Conner Heinz noon pa man. Hindi sila mga quality analyst kundi ipinasok talaga sila doon para mabantayan ang mga magaganap na experimento." Paliwanag ko kaya napatingin sa akin si Chief saglit at halata ang gulat dito.
"All along it was planned to create someone like you?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Tumango ako. "Hindi aksidente ang lahat. I was a creation of Conner Heinz after all." Nakakuyom ang kamay na sagot ko. Hindi ko matanggap na ang mga tulad nila ang sumira sa buhay ko na dapat ay normal.
"Pero ang original project plan na ninakaw nya sa akin ay hindi para makagawa ng isang katulad mo na may kapangyarihang makapaglabas ng kuryente at enerhiya." Saad pa ni Chief na hindi pa rin makapaniwala.
"Well, I think he has other plans for that. Basta kailangan na nating makuha si Rain at Liz, hindi maganda ang pakiramdam ko at hindi ako mapapalagay hanggang't nasa kanila ang mga taong importante sa atin."
Nakita kong tumango na lamang si Chief at tinuon na ang atensyon sa pagmamaneho. Tahimim ang buong byahe at tila kanina pa may bumabagabag sa utak ni Chief, tinanong ko sya kung ano ang kanyang iniisip pero wala naman daw.
Nakarating kami sa isang abandonadong gusali na katulad ng pinuntahan namin dati sa last mission. Isang building lang ito na tingin ko ay hanggang limang palapag lamang. Nakakapagtaka na walang bantay ang front door nito at parang walang katao-tao, pero kung titignang mabuti ang lugar, may CCTV na naka-attach sa pinakaitaas na parte sa may front door.
"Chief, icheck nyo ang unahan at ako ang pupunta sa likod. Magkita na lang tayo sa kotse na ito matapos ang dalawang oras. Kapag hindi pa ako nakakabalik matapos ang itinakdang oras, umalis nakayo Chief at bumalik sa bahay. Kayo na ang bahalang magdahilan kung bakit ako wala." Paliwanag ko kay Chief na nakita kong nakatingin sa akin ng mataman na tila nag-iisip.
Maya-maya ay napabuntong hininga sya't tumango. Kinuha ko iyon bilang sensyales na umuna na pero napatigil ako ng magsalita si chief.
"Whatever happens, do not die. Magpapakasal pa kayo ng anak ko." Sabi nya na ikinangiti ko ng bahagya.
"Salamat Chief, kayo din." Iyon na lamang ang sinabi ko at mabilis ang mga galaw na tumakbo papunta sa likod na bahagi ng building.
Doon bumungad sa akin ang mataas na pader na may hagdan bilang emergency exit. Sinalat ng aking kamay ang pader at nakaramdam ako ng pagdaloy ng kuryente, ngunit hindi ito galing sa akin kundi sa pader. Siguradong may inilagay sila dito para hindiito maakyat ng kung sino lamang.
Napakibit balikat ako dahil hindi naman ako apektado, ginamit ko ang lakas na meron ako para makatalon ng mataas at humawak sa dulo ng hagdan. May nakabalot din na electricity sa hagdan na sigurado akong makakakuryente sa mga ordinaryong tao, mabuti at hindi ako ordinaryo.
Maingat ang bawat hakbang na ginawa ko hanggang sa makarating ako sa pangalawang palapag. Tama nga ang hinala ko na kung anong kinasimple ng labas ay iyon ang kinaganda ng loob.
Puti ang lahat ng makikita sa loob, nakatiles din na puti ang sahig at puti rin ang pader, maliwanag at walang tao sa second floor pero makikitang napapaligiran ito ng maraming kwarto na tanging kulay metal ang mga pinto. May maliit na pakwadradong butas ang bawat pinto at kinabahan ako sa aking naiisip.
Bago lumabas sa aking pinagtataguan ay tinignan ko muna ang paligid, may tatlong CCTV ang nakakalat sa kabuuan ng ikalawang palapag at sinira ko ang mga ito gamit ang multi swiss knife na gawa ni Warren, may kargada itong limang maliliit na bullet at walang tunog na maririnig kapag ibinaril mo ito. Nang masigurong sira na ang mga cameras ay saka ako lumabas sa pinagtataguan.
Bawat hakbang ay lalong nakapagpalakas ng tibok ng puso ko. Sinilip ko mula sa butas ng unang pinto na nadaanan ko ang laman ng kwartong iyon.
Puti rin ang loob, may isang metal na higaan na may manipis na kutsyon at metal na maliit na mesa.
Pero walang laman.
Ginawa ko iyon sa mga sumunod na mga pinto at wala din akong nakita kahit isang anino na may tao sa loob, hanggang sa pinaka-gitnang pinto kung saan umiilaw ng paulit-ulit ang kulay dilaw na ilaw kung saan naroroon din ang set of numbers para sa pass code.
Nagulat ako sa aking nakita. Nakahinga ako ng kaunti mula sa kanina ko pa pinipigilang paghinga.
There, in the middle of the room.
A woman wearing a white hospital gown was sitting while hugging her knees. Sa pinakasulok ito nakaupo at nakayuko. Pero sa maikling panahon na nakasama ko sya, I know who she is.
It was Liz.
-------------------------
C: Thank you for reading. This is unedited. Sana magawa kong malusutan ang mga pinaggagagawa ko. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Viciously Charged [COMPLETED]
Ciencia FicciónWith Rain being abducted by the SkyTech. Zoey has only two things in mind that she surely wants to be done. Save Rain and kill Conner Heinz no matter what. Sa lugar kung saan natapos ang lahat, doon sya magsisimulang bumangon. Wrath and pain as her...