Chapter 6: He's hurt

892 42 5
                                    


Gail's POV


"Kaya pala nawala si Haneul dahil nandun lang siya sa Japan" sabi ko kay Silver.


"Oo" Sabi niya. "Miss na miss na namin siya. Sana babalik na siya dito" sabi ko.


"Sana nga. Eh pero sandali. Sino ba yang Luhan na yan?" Tanong niya.


"Eh ang sabi niya sa'min magkakapatid kayo eh. Tapos palagi pa silang magkakasama ni Trixie. Tinatawag pa nga siya ni Trixie ng babe eh." Sabi ko.



"Ganun ba. I'm so happy na nakahanap na siya ng iba" sabi niya at ngumiti ng mapait.


Patay parang sad si Silver. "Ah iimbestigahan ko nalang yang Luhan na yan Silver" sabi ko.


"Sige. Baka ampon ni mommy yan" pagbibiro niya. Tumawa nalang ako.


Bigla siyang tumahimik at humugot ng malalim na hininga. Siguro affected pa rin siya kay Trixie.


"Ah Silver. Sino nga yung pumatay sa'yo?" Tanong ko. "He's a guy with a black mask" sabi niya.


Tumango lang ako at hindi kumibo.


Hinalungkat ko ulit ang box. Hala may isang letter pa pala dito. Di ko to nabasa kanina ah.


From: Haneul


To: Gail


Gail mahal ko. Sorry to say na mahal na mahal kita pero I know na bilang kaibigan lang ang pagmamahal mo sa'kin. Gail gusto kitang ligawan pero natatakot ako dahil baka maghihiwalay si Trixie at si Kuya Silver. Gail isa pa tong lihim ko. Kapatid ko si Silver. Alam kong di mo siya kilala dahil nandiyan ka ngayon sa US. Gail mahal ako ni Trixie. Nakakainis lang kapag liligawan kita, hihiwalayan niya si kuya. Mahal ko ang kuya ko Gail kaya ayaw kong masaktan siya. Sana maiintindihan mo ako Gail, Mahal ko.





Umiyak lang ako. Posible kayang alam ni Trixie kung saan nakatira ngayon si Haneul?


Diba mahal nya si Haneul? Tapos ang sabi pa nila Dwayne, sabay daw ang pag-alis ni Trixie at ang pagkawala ni Haneul kaya pala nawala siya dahil pumunta siya sa Japan.



Pwede akong matutulungan ni Trixie nito. Pagkalingon ko sa likuran ko, wala na si Silver


Na'san kaya yun? Hays humiga nalang ako sa higaan ko.


*knock* *knock*


"Hija. Kumain ka na" sabi ni manang. "Hindi po ako kakain ngayon manang" sabi ko.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon