Chapter 54: Baka sakali

41 4 0
                                    


Napatitig lang ako sa mga magandang mata niya. 


My heart is beating so fast para akong nahihypnotize sa mga mata niya. Nakangiti lang kaming dalawa sa isa't-isa na para pang nagkakaintindihan kami kahit hindi kami nag-uusap.



"E-ehem" natigil kami sa pagtitigan ni Silver nang biglang may umubo sa gilid namin. Napakamot pa si Haneul sa batok niya. "Labas lang ako ha, take your moment!" sabi niya at tumakbo na papalabas ng kwarto.




Nang nawala na siya sa paningin namin, napatingin ulit ako kay Silver.


"A-anong meron?" nauutal na tanong ko sa kanya. Napangiti lang siya sakin. "Wala naman, gusto ko lang isurprise ka" sabi niya habang inalalayan akong maupo.



Umupo kami sa mataas na sofa ko dito sa kwarto ko na pinapalibutan ng roses ngayon. Namangha ako sa buong room ko dahil sa surprise nila. Silang dalawa kaya nina Haneul ang nagdesign nito?




"T-thank you Silver" nauutal na sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako ng diretso sa mata at hinawakan niya yung kamay ko.



"Ang ganda mo" shet sigurado akong pulang-pula na yung pisngi ko ngayon dahil sa sinabi niya. Silver is really full of surprises.



Napayuko ako dahil sa kahihiyan.


Nakakahiya naman talaga kasi, ang galing mambola ni Silver. I heard his chuckle at nagulat ako nang inangat niya yung chin ko at pinilit na makatingin ng diretso sa kanya.



"I'm serious Gail, sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Walang makakapantay sa kagandahan mo. Mahal na mahal kita" seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.



Napaiwas agad ako ng tingin sa kanya. "Nambola ka pa" sabi ko. Pinagsiklop ko nalang yung mga daliri ko dahil nahihiya talaga ako.



Nagulat ako nang kinuha niya yung kamay ko at pinagsiklop niya yung mga daliri namin. "Please look at me" sabi niya.



Nagulat ako dun dahil sa sinabi niya kaya diretso agad akong tumingin sa kanya.


"Ginawa ko to ngayon dahil I just want to tell you how thankful I am na nakilala kita" sabi niya at nilagay sa tainga ko yung mga hibla ng buhok na tumabon sa mukha ko.



Napalunok ako dahil sa sinabi niya parang may nagbabara sa lalamunan ko. Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit parang masakit sakin yung sinabi niya?

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon