Chapter 56: Meet up

30 4 0
                                    


"What do you mean Haneul?" tanong ko sa kanya dahil sa sinabi niya.


"Sure ka bang eto na yung bahay niya?" Hininto na ni Haneul ang sasakyan niya dito sa isang simpleng bahay pero maganda naman.



Ang una naming tatanungin ay yung pinaka close na kaibigan ni Silver na si Luke. Pinagbuksan agad ako ng pintuan ni Haneul dahil kanina lang ako nakatulala at nakatingin sa bahay. Sana naman may makuha kaming impormasyon para kay Silver.




Nakakalungkot para sakin ang umalis si Silver pero yun ang nararapat kaya wala akong magagawa. 



"Parang wala namang tao" sabi ko kay Haneul kasi kanina pa kami kumakatok dito sa pintuan ng bahay ni Luke.



"Nandyan lang yan baka may ginagawa sa loob kaya di tayo narinig" sabi ni Haneul sakin.


Naghintay pa kami ng ilang minuto bago bumukas ang pinto. Tumambad samin ang isang lalaki na maputi ang balat at may napakagandang almond eyes.



Kaibigan nga siya ni Silver kasi ang gwapo din. Hindi siya gaanong katangkaran pero hindi din naman din siya pandak, tama lang. "Luhan Park" gulat na sabi niya kay Haneul at tinitigan niya ito ng matagal.




"Luke gusto lang sana naming makipag-usap sayo, kung pwede lang" sabi ni Haneul.


"S-sige tuloy kayo" natatarantang sabi niya at pinapasok agad kami sa bahay nila. Napatingin ako sa paligid at maganda naman yung bahay nila.



Kahit hindi naman to mansion pero masasabi mo talaga na malinis ang buong bahay. Pinaupo niya kami sa sofa nila na katapat lang ng tv nila. "Anong gusto niyo juice, coffee o tubig?" tanong niya samin.




Napangiti lang ako kay Kuya Luke nang tumingin siya sakin. "Water nalang" magkasabay na sabi namin ni Haneul.



Tumango naman si Kuya Luke at nagmamadali ng pumunta ng kusina. Ang bait naman pala niya akala ko pa naman ang mamimeet namin ngayon na Luke ay medyo snob.



"Gail tatanungin natin ngayon si Luke kung may alam ba siyang posibleng kaaway ni Kuya noon"


Napatango ako sa kanya dahil napag-usapan na naman din to namin kanina habang nasa byahe kami papunta dito.



May listahan si Haneul sa mga taong related kay Silver noon at kabilang na diyan yung mga ex niya. Napatingin agad kami sa may pinto ng kusina nila nang lumabas na si Luke doon at may dala ng dalawang baso ng tubig.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon