Chapter 49: Traitor

43 4 0
                                    


"Hey what's up coconut?" bati ni Jeff nang dumating siya. 


Nandito kami ngayon sa canteen dahil wala kaming klase  sa Math namin na subject kaya heto happy happy daw muna sabi ni Shan.



Tinignan agad ni Shan si Jeff ng masama. Natawa pa siya sa reaction ni Shan. "Gail nasan si Dwayne?" tanong ni Haneul na nasa gilid ko ngayon.



Napatingin din ako sa paligid pero wala si Dwayne pati si Jules wala din. "Nasan ba si Dwayne?" malakas na tanong naman ni Eithan at tinaasan ng dalawang kilay si Shan. "I don't know din eh akala ko nga nauna na siya satin dito eh" maarteng sabi ni Shan.




"Naku yang si Dwayne talaga kung saan-saan nagsusuot" sabi ni Jeff habang sinusubo yung grapes na binili ni Shan kanina.



Inagaw agad ni Shan yung grapes na kinakain ni Jeff at binatukan pa niya sa ulo. Sabay kaming natawa dahil nailuwa ni Jeff yung kinain niya.



"Oy wala din si Jules, alams na" sabi ni Eithan at nagtawanan silang dalawa ni Jeff. 


"Pusta nagdate yung dalawang yun" sabi naman ni Jeff. "Di mo sure oy. Dwayne is always galit naman kay Jules so it's impossible" sabi ni Shan.



"Ah really? Tulad ng pagiging galit mo sakin conyo girl?" tanong naman ni Jeff kay Shan kaya nabatukan na naman siya. Natawa nalang kaming dalawa ni Haneul dahil nagbabangayan na naman sila.




"Luhan balita ko, ikaw daw yung kukunin na captain ball next year" sabi ni Eithan. Natuwa ako dahil nakipag-usap na yung mga boys kay Haneul ngayon at parang tanggap na nila si Haneul dito sa grupo namin.




Magiging captain ball na siya next year? Wow magaling din naman talaga si Haneul sa basketball.



Nakita na namin siyang maglaro noong may laban ang Entellian at ang Park. Nagkwentuhan pa silang dalawa ni Eithan ng tungkol sa basketball.



"Girl tinawagan mo kanina si Dwayne?" tanong ni Shan sakin. "Hindi Shan eh tatawagan ko nalang." Kinuha ko agad yung cellphone ko at denial yung number ni Dwayne pero nagkatinginan kami ni Shan nang hindi sinagot.




"Saan na naman kaya yun?" sabi ni Shan.


Oo nga no. Nasan kaya si Dwayne? Bakit hindi siya pumunta dito sa canteen eh ang sabi naman niya kanina na mauuna na siya samin papunta dito.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon