Chapter 60: Exchange gift

20 5 0
                                    


"Mom's awake" napatayo agad kaming tatlo ng daddy ni Silver nang sinabi na yun ni Haneul.


Nakapag-usap na ng maayos ang daddy ni Silver at si Silver sa pamamagitan ng tawag sa cellphone. Hindi nga pala namin yan naisipan noon ni Haneul. Hays aksaya ng brain cells.



Nagmamadali agad kaming umakyat sa itaas para puntahan ang mommy nila. "Where's Silver?" narinig naming sabi ng mommy nila. Napalingon agad ako kay Silver na nakatayo lang sa gilid ko pero dahan dahan din naman siyang lumapit sa mommy niya. 




"Where is he?" tanong ulit ng mommy niya dahil hindi kami sumagot sa kanya. Pero bago pa siya makapagsalita ulit hinawakan na ni Silver yung kamay niya.



Napaiyak agad yung mommy nila at hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ni Silver. Sinenyasan naman ako ni Haneul at sign na yun para kunin ko ang cellphone ko.



Lumapit agad siya sa mommy niya at binigay niya yun sa mommy niya samantalang yung cellphone ko nilapit ko kay Silver.



Parang hindi na mapakali yung mommy niya habang nakatingin sa nagriring na cellphone.


Sinagot naman niya agad yung tawag. Napahinga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Anak" mahinang sambit niya. Nagsimulang bumuhos agad yung mga luha niya. Napaiyak na din ang daddy niya pati na din kaming dalawa ni Haneul.




"Mom" sagot ni Silver sa tawag, siya na yung humawak sa cellphone ko ngayon kaya kitang-kita talaga ng mommy niya na lumulutang yung cellphone ko ngayon.



Mas lalong naiyak yung mommy niya at napatayo agad siya galing sa kama. Nilapitan agad niya si Silver at niyakap niya ito ng mahigpit.



"A-anak you're really here" sabi niya at hinawakan niya yung  magkabilang pisngi ni Silver.


"I'm always here mom" umiiyak na sagot naman ni Silver. Mabilis naman siyang niyakap ng mahigpit ng mommy niya at napaiyak si tita ng malakas.



"I'm sorry so sorry son I didn't know na nandito ka lang pala. I should've known" Hinaplos-haplos nalang ni Silver yung likod ng mommy niya para tumahan na siya. "It's okay mom don't say sorry, it's not your fault" mahinang bulong ni Silver sa mommy niya.




"Even though I can't see you with my own eyes son but I can still feel you in my heart" bulong din ng mommy niya. Napaiyak ulit ako sa sinabi ni tita.



Nakisali na din yung daddy nila sa yakapan nila pati na din si Haneul. Napangiti nalang ako ng tipid habang nakatingin sa kanilang apat na magkayakap.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon