Chapter 5: Haneul

1K 41 9
                                    


Gail's POV


Friday na ngayon. Nandito ako sa room habang ang tatlong lalaki nandun sa cafeteria tapos sina Shan at Dwayne andun sa detention room.



Late kasi silang pumunta sa room kaninang umaga.


Ay siya nga pala pumasok na dito si Trixie, classmate namin siya. Ang pretty niya talaga. Pero hindi nya ako pinapansin.



At minsan iniirapan nya ako pero okay lang no.


"Hay alam mo Bea ang daming lamok dito oh. Ang kati eh. " sabi ni Trixie na kasama  si Beatrix sa may likod ko.



Taga japan pala talaga si Beatrix tapos magbestfriend pala sila ni Trixie.


I just smiled at her at pinapakiramdaman ang mga lamok sa paligid na sinasabi niya.


Wala namang lamok ah. Naalala ko bigla si Silver. Sumulat kasi siya ng letter kanina bago siya umalis.



Yiiiee and by the way magkatabi kami lagi sa pagtulog. Eh natatakot ako eh. Yiiiee kilig talaga ako.



Binasa ko ulit ang letter niya dala-dala ko pa rin hanggang dito eh.


To: The Prettiest Woman


Hey! Aalis lang ako sandali. Babalik lang ako mamaya.  Babalik kasi ako sa hotel. Ingat ka lagi ha. Wag kang magpagabi sa pag-uwi.


Love,

Silver


"Wow love letter?" Napalingon ako sa nagsasalita. I just smiled at Luhan.


"Kanino galing?" Tanong niya. "Ah kay ano, kay Silver" sabi ko. Bigla naman siyang namutla sa sinabi ko. Bakit kaya?



"Oy! Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya. "Okay lang. Boyfriend mo?" Tanong niya ulit.


"Hindi. Close friend ko" di ko naman pwedeng sabihin na multo si Silver baka kasi mapagkamalan pa akong baliw.



"Ang ganda ng pangalang Silver no?" Bigla niyang tanong sa'kin. Syempre ang ganda.


"Oo nga." Sabi ko.


*kringgggg *kringgggg


"Oh break na pala, I have to go" sabi ko sa kaniya. "Ah-eh- ah pwede ba akong sumama sa'yo" sabi niya.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon