Chapter 15: Barbie

345 12 0
                                    


"Gail dali an mo dyan!" sigaw ni Silver sa'kin. Nandito kasi ako ngayon sa banyo. May pupuntahan kasi kami ngayon. Pupunta kaming mall, minsan nalang kasi lumalabas.



Mag-iisang buwan na simula nang bumalik dito si Silver. Marami din kaming sweet moments. Ey enebeyen kinikilig ako. "Gail di ka pa ba lalabas diyan? Ang tagal mo na" sigaw niya ulit.



"Silver malapit na" sigaw ko pabalik. Paglabas ko nakita ko siyang nakaupo sa may dresser ko. "Tagal mo ah" sabi niya. "Excited ka talaga Silver no? yiiiieeee excited siyang makasama si Barbie" sabi ko sa kanya. Dadalhin kasi namin mamaya si Barbie sa mall. Parang family kaming tatlo ako yung mommy tapos si  Silver yung daddy tapos si Barbie yung anak namin yiiiieeee.





"Diba pwedeng excited lang akong makasama ka?" sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Enebeyen ey.



"Huh?" sabi ko sa kanya. "Hays wala ang slow mo kasi eh" sabi niya sabay irap. "Silver bakla ka ba? Umiirap ke eh" sabi ko sabay lapit sa kanya.



"Di ako bakla no! Gusto mo patunayan ko sayo?" sabi niya sa'kin. "Ano naman yung gagawin mo?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at lumapit sa'kin. Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Napalunok naman ako dahil dun.




"Silver? Anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya. "Papatunayan ko lang sa'yo na hindi ako bakla" sabi niya, anong gagawin niya?



Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa'kin. Ano bang gagawin niya? Naduduling na ako dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa'kin. Unti-unti na naman niyang nilapit pa din ang mukha niya sa mukha ko.




"Silver okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumigil." Ang cute mo talaga" sabi niya sabay kurot sa pisnge ko."Sige na magbihis ka na sa dressing room mo" sabi niya sabay tulak sa akin sa dressing room ko.




Dugdugdugdug heto na naman siya magpapacheck-up na talaga ako ngayon bakit sa tuwing naglalapit kami ni Silver palaging tumitibok ng ganito ang puso ko.



Pagkatapos kong magbihis agad akong lumabas nakaupo pa rin si Silver sa dresser ko. "Hali ka na susuklayan na kita" sabi niya. Araw -araw siyang ganito palagi lang niya akong sinusuklayan pagkatapos kong maligo. Eh di naman ako bata eh alam ko namang magsuklay *pout




"Sa'n tayo gagala ngayon?" tanong niya sa'kin. Ngayon lang kami ulit gagala ni Silver sa mall. Naalala ko yung last naming gala.




Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon