Chapter 31: Kean David

110 5 0
                                    


Natapos din namin ang pag-aarrange ng mga papers na ipapasa namin sa Admin. Napag-alaman ko din na ang nagpapatakbo ng school namin ay yung Lolo pa rin ni Silver, si Mr. Joon-woo Park. Nakakamangha ang Lolo ni Silver dahil kamukhang-kamukha talaga niya pero pina-oldie version. Parang bata lang siya sa hitsura niya, hindi mo akalain na senior citizen na siya.




Nakita ko na siya noon nung may Quiz Bee kami laban ang iba't-ibang school at isa na dun ang Entellian University ang rival ng Park University. Siya ang admin namin kaya dinaluhan niya ang malaking event na Science Quiz Bee, Division Level. Ako ang Nagrerepresent ng school namin nung 2nd year pa ako dahil natalo ko ang mga higher years.





Yung mga impormasyon din na tungkol kay Silver ay marami din akong nakalap kay MC. Nalaman ko na nung unang program nila ay maayos pa daw ang daloy nito. Nagkatuwaan pa daw sila ng buong section nila at may mga awards din silang natanggap sa Grad Ball nila like King of the Night and Queen of the Night at isa na dun si Silver.





Nung Grad Ball daw nila magkasama daw nun sina Haneul at Silver at namangha sila dahil yung campus nerd at ang campus heartthrob ay nagkasundo. Hindi nila alam na magkapatid pala ang dalawa. Nung una masayang-masaya daw sila pero nagulat daw ang lahat nang may biglang malakas na putok ng baril at nakahandusay na si Silver sa sahig habang yakap-yakap ni Haneul.





Napasigaw daw ang mga tao sa trahedyang nangyari at hindi talaga lumagpas sa mga mata nila ang dalawang lalaki na patakbong umalis. Nanggaling daw ito sa itaas ng Grand Hall. Napaiyak ako sa nalaman ko dahil naaawa ako sa nangyari kay Silver at kay Haneul. Kung ako ang nasa sitwasyon ni Haneul, ikakamatay ko ang sakit dahil mismo sa harapan ko namatay ang kapatid ko.





Maswerte nalang ako dahil nung na aksidente sina mommy at daddy, hindi ako kasama nun. Nasa bahay lang ako dahil yung pupuntahan nila ay Business meeting. May nagbabara sa lalamunan ko habang naiisip ko pa rin hanggang ngayon ang pangyayari. Maraming pumapasok na impormasyon sa utak ko. Marami ding bumabagabag sa utak ko dahil marami ding mga activities na paparating.





Kasama ko ngayon sina Dwayne at Shan sa room. Naghihintay kami ngayon sa Adviser namin na si Maam Silva, siya kasi ang first period namin kapag MWF. May paparating na malaking event sa school namin at iyon ay ang Acquainntance Party, ang panahon para mas makilala ng bawat estudyante ang isa't-isa. Sa School Covered Court gaganapin ang Acquaintance Party at napagkasunduan din namin ng mga officers na Halloween ang magiging theme since November naman ngayon.





Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon