Chapter 10: Siya si Haneul

849 38 0
                                    


Gail's POV


Hays I'm so tired. Ano kaya ang ginagawa ni Silver ngayon? Naglalakad na ako patungong kwarto ko.



"Oh? Tagal mong umuwi ah" sabi ni Silver habang nakaupo sa higaan ko.


"Ah-eh, ano kasi- nagkita kami nila Jeff " sabi ko "Ah kaya pala" sabi niya sabay suklay ng buhok niya sa pamamagitan ng kanyang kamay.



"By the way Silver. Sasama ka ba sa'kin bukas sa school?" Tanong ko sa kanya.


"Pwede ba?" Tanong niya sa'kin. "Pwedeng-pwede" sabi ko sabay tabi sa kanya.


Hays gutom na ako.


"Sige. Gusto ko rin namang bumisita sa school" sabi niya sabay ngisi sa'kin.


"Kakain muna ako ha. Baba muna ako" sabi ko sabay tayo at pinihit ang doorknob.


Pagdating ko sa dining room naabutan ko si Yaya Claire na nakatulala. "Yaya! Ipaghanda mo ako ng dinner. Gutom na ako eh" sabi ko sabay upo sa gilid niya.



Tumango lang siya sa'kin at pumunta na sa kitchen. Maya-maya pa ay nilapag na niya ang mga pagkain sa mesa.



Yum yum ang sarap talaga. "Yaya na'san sina Manang?" Tanong ko sa kanya.


"Pumunta po sa pure gold mam Gail" Sabi niya. Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.



~kinabukasan


Gumising ako ng maaga ngayon.  Di ko alam kung bakit pero excited ako ngayon dahil sasama sa akin si Silver yiiieee kinikilig ako.



"Silver dalian mo! Hali ka na! Malilate na ako " sabi ko sa kanya. Nagtatambay pa kasi siya sa terrace.



"Okay hali ka na excited na ako" sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa'kin. Yiieee maghoholding hands ba kami?



Kinuha ko din yung kamay niya at nagholding hands kami yiiieee.


"Silver kung hindi ka multo ngayo, Ibang kamay ba yung hahawakan mo at hindi yung sa'kin?" Tanong ko sa kanya out of nowhere.



"Multo man ako o hindi, kamay mo pa rin ang hahawak-hawakan ko" sabi niya at parang nagblush pa siya. Nagbablush ba talaga siya?



"Ah" Yan nalang ang nasabi ko, wala na kasi akong masabi.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon