Chapter 47: Weird

45 4 0
                                    


"Gail where are we going ba?" maarteng tanong ni Shan sakin habang hinihila ko silang dalawa ni Dwayne patungo sa canteen.



"Hoy babae san mo ba talaga kami dadalhin?" tanong ni Dwayne pero nagpahila lang naman silang dalawa kaya napangiti ako. Now is the time na magsasabi na ng totoo si Haneul sa kanila kaya excited na excited ako ngayon.




Nang papasok na kami sa canteen agad kong nakita si Haneul na nakaupo na sa table ng The HH, buti wala sila Jules, Jeff at Eithan ngayon. Ay oo nga may practice sila ngayon.



May practice din naman sa basketball si Haneul pero feeling ko hindi siya sumali para dito dahil importanteng araw namin to. Malapit nang magsembreak kaya dapat sabihin na talaga ni Haneul sa kanila.




Para no regrets talaga! Agad kong pinaupo sina Shan at Dwayne sa mga upuan na kaharap ni Haneul at agad naman akong umupo sa tabi niya.



"Why is Luhan here?" tanong ni Shan at tinaasan ako ng kilay na parang ang weird weird ko ngayon. Ngumisi lang ako at tumingin kay Haneul kaya mas lalong kumunot yung mga noo nina Dwayne at Shan.




"What's with the look?" tanong ni Shan sakin at tinitigan ako ng maigi. "Kinakabahan tuloy ako sa mga inaasta mo babae!" sigaw naman ni Dwayne sakin.



Hindi ko nalang sila pinakinggan at pinapaubaya na kay Haneul yung confession niya sa kanilang dalawa. "Dwayne, Shan may sasabihin sana ako sa inyo" sabi ni Haneul sa kanilang dalawa.




"What is it?" tanong ni Shan. "Bakit may problema ka sa pag-ibig? We're not love experts dude" sabi ni Dwayne at inirapan si Haneul.



Natawa lang ako ng tipid sa mga sinasabi nila kay Haneul, sus kung alam lang nila no. Napatingin ako kay Haneul at napalunok siya ng ilang beses, parang tense na tense siya ngayon sa harapan nila.




"Hindi ito tungkol sa pag-ibig. Unang-una gusto ko lang magsorry sa inyo sa pagsisinungaling ko sa inyo. Ginawa ko lang to dahil may malalim akong rason" sabi ni Haneul.



Automatic namang kumunot yung noo ni Shan at Dwayne. "Huh are you okay? Anong pagsisinungaling ba yan?" tanong ni Dwayne sa kanya. "Like duh pano ka naman magsisinungaling samin eh hindi naman tayo ganun ka close" sabi din ni Shan.




"Diretsuhin mo na kasi" sabi ko kay Haneul kaya mas lalo siyang natense ngayon at parang sobrang unseasy niya na ngayon.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon