Chapter 41: Ken

46 3 0
                                    


"Kean, Nakakahiya naman tong ginagawa mo" bulong ko kay Kean. Nakatayo pa rin kami ngayon sa gitna habang kinakausap ng host dito sa school. "Ano namang nakakahiya dun Gail? Gusto lang kitang ipakilala sa kanila para malaman nila na ikaw yung gusto ko" sabi niya at napangiti pa.





Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko ng sabihin sa kanya pero ano namang sasabihin ko? Hindi kita gusto? Ang harsh naman nun pero sabihin ko kaya na hindi pa ako ready sa mga ganyan pero baka mas lalo siyang maghahabol.




Char assuming ko naman. Lakas  ng imagination ko! "Excuse me Miss Gail and Mr. Kean, maaari niyo bang sabihin sa audience kung paano kayo nagkakakilala?" tanong nung host samin. Napangiti pa si Kean at mas lalong lumapit sa akin. "Nagkakakilala kami nung may Mall Show ako and then nalove at first sight ako sa kanya" sabi niya.





Agad-agad? Napailing nalang ako  sa kanya dahil sa mga sinasabi niya pero napangiti nalang din ako nang maghiyawan yung mga tao baka isipin nila na pachoosy pa ako eh nandiyan na si Kean once in a lifetime opportunity nga to yan ang sabi Shan at Dwayne.




Pero mas once in a lifetime ang naranasan ko ngayon kasama si Silver. "Wow ang swerte naman ni Miss Gail, nagkagusto sa kanya ang isang Kean David" sabi pa nung host at ang lapad pa ng ngiti. "Hindi, ako yung maswerte kasi nakilala ko siya. She's a kind lady and she's so beautiful and also she's already a full package" confident pang sabi ni Kean.





Mas lalong naghiyawan yung mga tao. Napatingin ako sa table namin at nakita kong nakasimangot si Luhan samantalang si Eithan ay hindi nakatingin sa stage, nag-uusap lang sila nina Jeff at Jules. "Oh my gosh kaibigan namin yan!" narinig kong sigaw ni Shannaiah.




Napangiti lang ako sa kanilang dalawa ni Dwayne nang napakaway sila sakin. "Ikaw Miss Gail anong masasabi mo na ang isang Kean David ay nagkakagusto sayo?" tanong nung host sakin Kinabahan ako dun sa tanong niya dahil ayaw kong ma-offend si Kean sa isasagot ko ngayon at baka ano yung isipin ng mga tao.





Pero bahala na nga sasabihan ko nalang siya mamaya tungkol sa totoong nararamdaman ko. "It's too good to be true at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala" sabi ko. Napatili pa yung iba pero ang iba naman ay mas lalong umiyak.




Napailing nalang ako sa reaksiyon nila nang natapos na ang pagiguest ni Kean nagpasama siya sakin sa backstage kaya  sinamahan ko na dahil ngayon ko na sasabihin sa kanya na hindi pa ako ready sa mga ganyan para malaman niya agad na wala akong interest sa kanya. Tuwang-tuwa pa siya nang papasok na kami sa backstage.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon