Chapter 21: Muntik na

219 8 3
                                    


Gail's POV


At this point hindi na acting ang katarayan ko, totoo ngang tinarayan ko na talaga si Trixie. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit niya ginawa sa'kin to.



Nasa tabi ko na ngayon si Dwayne. Humihilik naman sa kabila si Shan. Nasa kwarto kami ngayon ni Dwayne. Umuwi na si Trixie sa kanila, sana hindi na siya babalik.



I don't like her kung nandito din siguro si barbie ayaw niya din siguro kay Trixie. Akala ko pa naman mabait siya pero tama pala sila Dwayne. Sina Hannah ay nasa guest room natutulog samantalang ang boys ay nasa kabilang guest room din.




"Can't sleep huh? Don't think about her" napatingin ako kay Silver na nakaupo sa dresser ni Dwayne. Napasigaw pa ako dahil sa gulat.



"Ay kabayo" sigaw ko sa kanya." Hindi naman ako mukhang kabayo ah" reklamo niya sa'kin. Tumawa nalang ako sa inasta niya.



Ang cute cute talaga ni Silver sarap niyang kurutin. Tinanguan ko nalang siya at umidlip na.


Nagising ako sa ingay galing sa labas ng kwarto ni Dwayne. Napatingin din ako sa gilid ko pero wala na sina Dwayne at Shan doon. Baka lumabas na.



Dali-dali akong tumayo at pumunta sa bathroom ni Dwayne para maghilamos. Nakakahiya kasi kung lalabas ako at wala pang hilamos andiyan pa naman sina Hannah baka ano pang masabi nila sa akin.




Lalabas na sana ako pero narinig ko si Silver na nagsalita sa likuran ko. "Ay tikbalang" sigaw ko dahil sa gulat. Ano ba naman to si Silver bigla-bigla nalang sumusulpot.



"Sobra na yan ha pagkatapos ng kabayo tikbalang na naman" sabi niya sa'kin. Inis na inis siyang tumingin sa'kin.



"Bakit Silver? Naging kabayo kaba ng hindi ko nalalaman? Oh my Gosh akala ko ba ghost ka? Bakit naging kabayo ka?"tanong ko sa kanya.



Omo ano kayang kinakain ni Silver habang naging kabayo siya? Ang awa naman niya nalulungkot tuloy ako para sa kanya.



Napatigil siya at napatingin sa'kin. Nilapitan ko agad siya. "Hali ka nga dito Silver ang awa mo naman. Ayos ka lang ba? Paano ka nakabalik sa pagiging ghost mo?"



Bigla naman siyang tumawa ng malakas at napahawak pa siya sa tiyan niya. Nabaliw na siguro siya dahil wala siyang makain habang naging kabayo siya.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon