Chapter 53: Mahal kita

31 4 0
                                    


"Gail are you alright? What happened to you.  You're pale kasi kaya nag-aalala ako sayo" sabi ni Shan sakin nang maupo ako sa tabi niya.




 "I'm okay Shan medyo masama lang yung pakiramdam ko" sabi ko sa kanya.

Napatingin din sila Haneul sakin at may pagtataka yung mga mata nila. Nilapitan na din ako ni Eithan at tinanong din kung okay lang ako. "Where's Dwayne?" tanong ni Jules sakin. Pagkasabi na pagkasabi nun ni Jules, dumating na si Dwayne galing sa restroom.





Agad siyang umupo sa tabi ko at parang maiiyak na siya. "I'm sorry babae hindi ko sinasadya" sabi niya.



Nginitian ko lang siya dahil hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyari kanina. Masakit lang talaga siguro yung pagkakapit niya sakin kaya ganito yung reaksiyon ko.



"Please Gail I'm sorry" sabi niya ulit at niyakap ako. Napangiti nalang ako sa yakap ni Dwayne. Alam ko din naman na hindi niya sinasadya. "Okay lang Dwayne hindi ako galit sayo. Alam ko namang hindi mo talaga sinasadya" sabi ko sa kanya at yumakap na din pabalik.





"Dwayne bakit ka nagsosorry kay Gail? Ano bang nangyari?" tanong ni Haneul kay Dwayne.

Humiwalay lang si Dwayne sa yakap sakin at hindi sumagot kay Haneul, nakatungo lang siya. Tanong na din ng tanong si Eithan at hindi mapakali sa inuupuan niya.



Pati na din sina Shan, tanong na ng tanong sakin. "May ginawa kang masama kay Gail Dwayne?" tanong ni Jules at parang galit na galit yung mga mata niya. Bago pa lumala ang sitwasyon, nagsalita na ako. Nakayuko lang kasi si Dwayne at alam kong natatakot siya ngayon sa kanila.





"It's okay guys wala naman siyang ginawang masama sakin. Gasgas lang naman tong nasa braso ko, malayo sa bituka" sabi ko at tumawa nalang din dahil seryoso lang silang nakatingin sa sugat sa braso ko. "I'm sorry guys hindi ko naman sinasadya" pagsosorry ni Dwayne.





"Hays yan lang naman pala akala ko kung ano na, hindi naman niya sinasadya Gail" sabi ni Shan.



Ngumiti lang ako sa kanila dahil nagsimula nang mag-ingay ulit dito sa table namin. Napatingin ako kay Jules dahil seryoso pa rin siyang nakatingin kay Dwayne.



Hindi na kumikibo si Dwayne at nakatungo nalang siya. Hinawakan ko agad yung kamay niya dahil baka akala niya na galit talaga ako sa kanya. "Dwayne don't worry hindi naman masakit eh" sabi ko sa kanya at nginitian siya.





Pero ang totoo ang sakit sakit ng braso ko dahil bumaon talaga yung kuko niya.

Pero iniinda ko lang dahil ayaw kong magkagalit kami ni Dwayne. Ang babaw ko naman kung magagalit ako sa isang tao na katulad ni Dwayne at alam ko namang hindi niya sinasadya.



"Sorry talaga Gail" sabi niya at hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Niyakap ko naman siya para maramadaman niya talaga na okay lang ako. Sinulit namin ang lunch time namin dahil may klase kami buong maghapon ngayon.





Nang papatapos na ang lunch time, napatingin ako kay Haneul nang hinawakan niya bigla yung balikat ko.



Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya sinabi kay Dwayne yung mga nangyayari samin kagabi pero pilit ko siyang iniintindi dahil baka kailangan niya ng tao na malalabasan niya ng sama ng loob.





"Okay ka lang?" tanong niya sakin. "Oo okay lang ako Haneul" sagot ko sa kanya at nginitian na siya. Pabalik na kami ngayon sa class room namin dahil malapit ng magwa 1:30. "Guys I'm sorry mukhang hindi ako makakapasok ngayong hapon may emergency kasi sa kompanya"





Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon