Chapter 63: Dreams

22 4 0
                                    


Kinantahan din namin si tita habang nagpaikot-ikot siya sa gitna.


Tinukso din niya si tito kaya natawa kami nang napasimangot din si tito. Pagkatapos ng kanta huminto si tita sa gilid ko. Nilahad niya kay Haneul yung gift niya.



Kukunin na sana ni Haneul yung gift pero biglang nilahad ni tita sakin yung gift niya. Kaya natawa sila dahil napahiya si Haneul. Nagulat ako dahil ako pala yung nabunot ni tita. "Merry Christmas" nakangiting sabi ni tita sakin at niyakap niya din ako.




Nang bumalik na si tita sa pwesto niya, pumunta agad ako sa gitna. Ngumiti muna ako kay Silver bago umikot. Nagsimula na silang kumanta kaya panay ang tawa ko habang umiikot na ako sa gitna.



Binola ko pa si Haneul na siya yung nabunot ko kaya panay ang reklamo niya ngayon. "Oh sige ako na naman" nakasimangot na sabi ni Haneul.



Nang papatapos na ang kanta huminto agad ako sa tapat ni Dwayne.


"Sabi ko na nga ba eh" natatawang sabi ni Dwayne sakin. Mabilis naman niya akong niyakap at pumunta na siya sa gitna. Nagpaikot-ikot na siya sa gitna at huminto agad siya sa tapat ni Eithan.



Napansin kong hindi man lang ngumiti si Eithan kay Dwayne at parang balisa ngayon si Eithan. Ano kayang nangyari dito kay Eithan? Tinanggap na niya yung regalo galing kay Dwayne at pumunta na siya sa gitna. Sabay naman kaming nagkantahan nang umikot na si Eithan sa gitna.




Sa huli huminto siya sa harapan ni Haneul. Nagtawanan muna sila bago sila nagyakapan. Si Haneul naman ang pumunta sa gitna.



Sinimangutan ko din siya dahil humihinto-hinto siya sa harapan ko eh alam ko na naman kung sino yung nakabunot sakin.



Sa huli huminto din siya sa harapan ni tito kaya tinukso namin silang dalawa dahil father and son daw. Ang sweet lang!


"Akala ko kung sino yung nabunot mo anak, ako lang pala" natatawang sabi ni tito at niyakap niya agad si Haneul. "Oh tapos na si tito sino nalang ang hindi pa nakabigay ng gift?" tanong ko.



Napatingin din kami sa paligid at sabay na nag-angat ng kamay sina Shan at si Jeff kaya napuno sila ng kantyawan sa buong mansion. Pinapunta nalang namin silang dalawa sa gitna para doon na sila mag-eexchange gift.




Nagpaikot-ikot lang sila sa gitna habang kinakantahan namin sila. "I love my monito yes I do, I love my monita yes I do yiiieeeee" kantyaw naming lahat sa kanilang dalawa.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon