Chapter 24: Alam ko

78 6 0
                                    


Tinitigan ako ng maigi ni Trixie na para bang any minute now sasabog na siya sa sobrang tensyon na namamagitan sa aming dalawa ngayon.



Napalingon din ako kay Silver at inaabangan niya talaga yung sasabihin ko. Napag-usapan na namin to kagabi at dapat daw masabi ko talaga kay Trixie ang lahat para maniwala ito.



Kumakabog ang dibdib ko dahil inaabangan talaga nila ako. So this is it. Sana maniwala talaga siya sa'kin para di na mahirapan pa si Silver. "Ang totoo niyan Trixie nakilala ko si Silver" sabi ko naman. "Diba siya yung boyfriend mo noon?" tanong ko sa kanya.




"Nahihibang kana ba? Patay na yung boyfriend ko. Pano mo siya nakilala eh patay na siya? Are you kidding me?" sigaw niya sakin. Nagkatinginan naman kami ni Silver. Tinanguan niya ako na para bang pinapaubaya na niya sakin yung mga sasabihin ko.




"I'm gonna explain it to you. Simula pa sa lahat kung saan ko siya nakilala at saan." sabi ko. "You should kasi nababaliw kana. Patay na si Silver at hindi mo naman siya nakilala kasi sa America ka nag-aaral nun" sabi niya.




"Nakilala ko siya sa hotel nina Dwayne nung Welcome back party mo-" pinutol niya agad ako.


"What the hell? Patay na nga siya. Uulit-ulitin ko pa ba para maintindihan mo na patay na siya? This is nonsense, aalis nalang ako" sabi niya at aalis na sana siya pero hinawakan ko yung kamay niya.




"Patapusin mo kasi muna ako. Hindi ka pa nagtataka kung bakit alam ko itong dating tagpuan niyo? Siya pa mismo ang nagsabi sakin na dito daw ang tagpuan niyo noon" sabi ko sa kanya. Bakas ang gulat sa mata niya.




"Unbelievable, you're fooling me. Wag mo nga akong damayin diyan sa kagagahan mo!" sigaw niya ulit sa pagmumukha ko. "Pakinggan mo muna kasi ako Trix, nakilala ko siya sa hotel ni Dwayne he's a ghost nung nakilala ko siya. He said na binaril daw siya kaya namatay siya noong Grad ball nila. Tapos sinundan niya ako sa bahay at inexplain niya sakin ang lahat at naintindihan ko siya. Kaya ngayon may gusto siyang sabihin sayo sa pamamagitan sakin para magkausap kayo" mataas kong sabi.





"Ano ba? Guni-guni mo lang yan! Hindi ako naniniwala sayo! Bakit sayo siya nagpapakita? Bakit hindi sakin?" tanong niya, parang naiiyak na siya.



"Ako lang daw kasi yung taong makakausap niya after the incident at gusto niyang magpatulong sakin kaya tinutulungan ko siya ngayon. Totoo ang mga sinasabi ko. Please believe me Trix gusto kong tulungan si Silver. Aalamin natin kung sino ang pumatay sa kanya" sabi ko naman.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon