Chapter 18: 16 Candles

453 14 6
                                    


Napapalakpak kaming lahat nung pumunta na si Dwayne sa gitna. "Oh Jules? Nakanganga kana diyan baka mapasukan ng langaw yang bibig mo." Sabi ni Shan kay Jules.



"Huh? May langaw ba dito Shan nakakahiya naman sa mga bisita" sabi ko sabay tingin tingin sa paligid kung may langaw ba talaga.



"Joke lang naman Gail, wala ka bang sense of humor?" Tanong naman ni Shan. Ano ba to si Shan ang joker niya talaga sana nag clown nalang siya para mapasaya niya yung iba.



"Ah meron naman Shan" sabat ko. Napatawa lang silang dalawa ni Jules. Napatingin naman kami nina Trixie at Luhan. Nandun na sila sa kabilang table, kausap nila ang mga cousins ni Dwayne.




Nasa gitna na si Dwayne at binibigyan siya ng roses ng mga lalaki na 16 roses niya tapos isinasayaw siya. Yan ang sabi ni Shan kanina. 



Pagkatapos nung mga lalaki na nagbibigay sa kanya ng roses, kami na naman. Pupunta kami sa gitna at magbibigay ng message para kay Dwayne.



Kanina kasali sina Luhan, Jeff, Jules at Eithan sa 16 roses. Tapos kasali naman kaming dalawa ni Shan sa 16 candles. Pagkatapos magspeech ng ilang cousins at ibang friends ni Dwayne si Shan na naman.




Bale ika 15 si Shan tapos ako yung ika 16. Last candle daw ako, yan ang sabi ng bakla kanina. Nagtataka talaga ako sa beki na yun. Bakit kaya candle yung tawag niya sa'min eh tao naman kami ah.




"Gail punta na tayo dun sa gilid ako na ang susunod" sabi ni Shan at hinila niya ako papunta sa gilid ng stage.



"Thank you for supporting me always. I love you" sabi ni Trixie. Siya kasi yung ika 14 na candle. "And now let us all welcome Miss Shannaiah Moses Serion" sabi ng beki na nasa gitna.



Rumampa naman si Shan sa gitna at nagsmile sa amin. "Hi Dwayne. I dunno what to say talaga Dwayne. Una sa lahat thank you for everything. You are the witness of all the crimes that I used to do. Char kuang maka crimes naman ako parang may something illegal, illegal na pagkakaroon ng crush. Kayong dalawa ni Gail, my two partners. Always put that in your mind Dwayne na mahal na mahal ka naming dalawa ni Gail at mahal na mahal ka din ng the hh sina Jules, Jeff at Eithan. We love you Dwayne. Happy birthday Dwayne. More Birthdays to come. Mwahh kahit minsan nag-aaway tayo but alam ko naman na you just did that for my own good. I love you" sabi ni Shan at rumampa na naman siya ulit pabalik sa pwesto ko.





Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon