Chapter 40: The girl I like

48 5 0
                                    


Nahiya ako bigla dahil sa sinabi ni Luhan sakin. Nang nagsimula na ang dinner takam na takam agad ako sa mga sinseserve. Panay na din ang tawa nina Dwayne at Shan dahil nagsisimula na daw yung gyera sakin. Parang kumakain lang daw ako sa Eat all you can.




Pinabayaan ko nalang sila dahil pinagbibiro na naman nila ako. Ang importante ngayon busog ako bahala na yung mga sinasabi ng iba. Tumugtog ang soft na music habang kumakain kami. Panay din ang tawanan sa ibang table.




Sa amin parang awkward dahil kasama namin ngayon sina Trixie pero binalewala nalang namin yun kalaunan at nagkakasiyahan na. "Gail! Samahan moko sa cr please" kinalabit ako ni Shan na nasa gilid ko na pala ngayon at katabi niya si Dwayne.




Tumango lang ako sa kanya dahil alam ko kung ano yung ibig sabihin niya gusto niyang magretouch kaming tatlo. Nang naglakad na kami papuntang cr na nasa gilid lang ng gym. Nakita kong tumayo din sina Trixie at Beatrix at naglakad papunta sa direksyon namin. Siguro magreretouch din sila.





Nang nakapasok na kami nina Dwayne at Shan sa cr may mga bumabati, yung iba ay mga senior high. "Oh my gosh ang ganda mo talaga Miss Gail" sabi nung isang babae na nakalimutan ko na yung pangalan pero familiar yung mukha sakin.




Tumawa lang sina Dwayne at Shan at nagsimula nang magretouch. "Hindi naman nambola ka pa" sabi ko. Humalakhak naman yung babae. "Pwede po ba magpapicture? Ang ganda niyo po talaga para kang living barbie" tumawa nalang ako at nagpose dun sa camera ng babae. Napatalon-talon pa siya pagkatapos ng picture.





"Wow artista girl?" napalingon kami sa nagsalita sa likuran. Tinaasan ko ng kilay si Trixie dahil sa sinabi niya. Humagikgik naman si Beatrix sa likuran niya. "Parang di naman artista ah wanna be lang" sabat naman ni Beatrix. 




Ano ba talaga ang problema ng mga to? Kung sa movies o sa mga stories sila talaga tong mga mean girls. Hay naku bakit may nag-eexist na ganitong mga tao. "Ikaw? Pornstar ka girl?" napalingon ako kay Dwayne dahil sa sinabi niya. Sabay kaming tumawa tatlo kaya lumapit na ako sa kanya para magretouch.





Nilingon namin yung mukha ni Trixie dahil parang galit na galit pa rin siya ngayon. Nakakunot pa rin yung noo niya kaya para talaga siyang toro. "A-ah e-excuse me po Miss Trixie p-pwede po ba padaan?" tanong nung babae na nagpapicture sakin kanina.




Kilala na niya nga talaga si Trixie dahil nauutal pa siya ngayonn kahit na senior high siya tapos kami junior high lang. "You're excuse! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa cr?" Sigaw ni Trixie sa babae. Nakita pa namin parang naiiyak yung babae lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Shan. "Wag ka ng lumapit girl yung barakuda umuusok na ang ilong" sabi niya.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon