Chapter 11 : Away from him

1K 62 22
                                    


Nandito ako ngayon sa balcony ng bahay. Nakatingin lang sa malayo at nilalanghap ang sariwang hangin.



Hindi ko namalayan may tumulong luha na pala sa mga mata ko. Alam niyo ba kung bakit ako umiiyak?



Kasi simula nung pagtatagpo nina Haneul at Silver hindi na muling nagpakita si Silver sa akin. 1 month na kaming hindi nagkikita miss na miss ko na sya.



Flashback:


Pagkatapos ng klase ko umuwi agad ako. Hindi ko na nakita si Silver pagkatapos nung lunch namin sa cafeteria baka umuwi na yun sa bahay.



Pagkapasok ko sa bahay. Dumiretso agad ako sa kwarto, di ko alam kung bakit nagmamadali akong pumunta sa kwarto ko.



Sumakay agad ako ng elevator . Kainis ba't parang ang bagal kumilos ng elevator ngayon. Or sadyang pakiramdam ko lang yun na mabagal dahil nagmamadali ako.



*ting



Lumabas agad ako at patakbong tinungo ang kwarto. Pagpasok ko agad kong nakita si Silver na nakatayo sa gilid ng bintana ko.



"Silver" banggit ko sa pangalan niya dahil nakatulala lang siya at ang lungkot ng mga mata niya.


Nagulat siya nung nakita niya ako. Nakita ko sa expression niya na gulat na gulat siya.


Nakita kong tumulo ang luha niya sabay sabing "Babalik ako Gail. Wag kang mag-alala babalikan kita"



Naguguluhan ako ano ba tong pinagsasabi ni Silver? Aalis na siya? Sa'n siya pupunta?


"Birthday ba ng taong importante sayo kaya aalis ka na?" tanong ko. Naguguluhan kasi talaga ako.



Tumawa siya ng mahina. Naglakad ako patungo sa kanya pero pinigilan niya ako."Diyan ka lang Gail wag kang lalapit" mahina niyang sabi.



"Ha? Bakit? Ayaw mo na ba sa'kin? Di na ba tayo friends? Magtatampo talaga ako sayo Silver pati si Barbie magtatampo din sa'yo" sabi ko habang umiiyak ng mahina.



Alam kong nagjojoke lang si Silver'pero ang sakit lang sa feeling na parang allergic siya sa'yo dahil ayaw ka niyang palapitin.



"Hindi Gail. Hindi mo naintindihan" sabi niya sabay iling.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon