Chapter 27: I'm sorry

82 6 0
                                    


"Yes I'm stalking you Gail, hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko sayo nun. Nandun lang ako palagi sa tabi mo. Habang natutulog ka nakatingin lang ako sayo. Habang nandun ka sa school nakatingin lang din ako sayo sa malayo. Nagsisisi ako sa nagawa ko. Nagpakatanga ako kay Trixie hindi ko iniisip na ginawa mo ang lahat para lang sa akin. I'm sorry Gail di ko talaga sinasadya sana mapatawad mo ako" sabi niya.





Inirapan ko lang siya. Di niya sinasadya? Ayos pa ba siya diyan? "Talaga hindi mo sinasadya? Okay wala akong pakialam. Hindi mo na ako kailangan diba? So kaya mo lang gawin yung misyon mo nang mag-isa" sabi ko.




Napailing naman siya sa sinabi ko. "Hindi Gail kailangan kita. Kailangan kita hindi dahil lang sa mission kailangan kita dahil hindi ko kayang wala sa tabi mo" sabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong pinagsasabi niya?




"Nung nasa malayo ako sayo, nung nagkagalit tayo dun ko narealize na may isang tao pa pala talagang may pakialam sa akin at ikaw yun Gail kaya sorry kung nasalitaan kita ng masama" sabi niya.




Hindi pa rin yun sapat na reason. Hindi sapat yung sorry niya sa akin. Nakakainis pa rin siya. Ang sakit kaya nung ginawa niya sa akin nun tapos ganito lang? Pinag-isipan niya ako ng masama tapos ganito lang?




"I know hindi mo ako mapapatawad agad but I'm sorry Gail hindi ko talaga kayang mawalay sayo" sabi niya. parang naiiyak siya ngayon pero hindi ko iyon pinansin. Masyadong masakit yung ginawa niya. Para lang kay Trixie na binalewala siya, tatratuhin na niya ako ng ganun?




"Pasensya kana Silver masakit lang talaga yung ginawa mo eh. I thought you're my friend pero dahil dun sa ginawa mo? Pinatunayan mo lang sa akin na hindi mo ako kaibigan kaya I'm sorry Silver. I'll just pretend right now na hindi kita nakilala. Kaya pwede umalis kana at kalimutan mo na ako" sabi ko at umalis na ako dun.





Ang sakit ng puso ko pero mas masakit lang talaga yung ginawa niya sa akin. Napatingin naman sina Dwayne sa akin. Tapos na pala silang maglaro, "Gail tagal mo lika na, magdidinner na daw tayo, anong gusto mo?" tanong ni Eithan at hinawakan niya yung braso ko papunta kina Dwayne.





"Kayo lang ang bahala, san niyo ba gusto?" tanong ko. Napaisip naman sila. "Gusto ko sa Korean restaurant" sabi ni Shan. "Korean restaurant? Wag na dun sa Chinese Restaurant nalang tayo" sabi ni Jeff. Tumango naman kaming lahat.




"Then it's decided" sabi ni Eithan na nakahawak pa rin sa braso ko. "Psh KJ naman nito" komento ni Shan na nakasimangot pa pero nawala yung simangot niya nang kinurot siya ni Jeff. Napatawa nalang kami dahil sa kanilang dalawa nang papunta na sa restaurant.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon