Chapter 45: Kuya

38 4 0
                                    


Nagulat ako sa sinabi niya.  "What do you mean?" tanong ko sa kanya. "You're so sad when you wake up kaya hindi mo man lang ako hinanap" sabi niya at tinawanan pa ako. Binatukan ko naman siya. "Anong hindi kita hinanap? Hinanap kita no" sabi ko sa kanya.




"Talaga? Eh bakit hindi mo nakita yung letter ko dito sa labas?" tanong niya sakin. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Naalala ko din na hindi pala ako lumabas dito sa terrace para hanapin si Silver. Kung lumbas sana ako dito baka nabasa ko pa yung letter niya. "Anong letter?" tanong ko sa kanya at kinunotan siya ng noo.





Tumawa naman siya at umalis sa harapan ko. "Wala na! Tapos na hindi ko na ibibigay tinapon ko na eh" sabi niya at pumasok na siya  sa loob. Agad nag-init yung ulo ko. "Hoy Silver! Ano ba? Ibigay mo na sakin" sabi ko at hinila yung damit niya.




"Ayoko nga!" sabi niya at humiga na sa kama at tinakpan yung buong katawan niya sa kumot, tumalikod pa siya sakin kaya sinapak ko yung  braso niya. "Aray!" reklamo niya pero hindi pa rin tinatanggal yung kumot na nakatakip sa mukha niya. "Akin na sabi! Hoy Silver!" sigaw ko sa kanya.





Hindi niya ako pinansin kaya tumigil nalang ako at bumalik nalang sa terrace pero syempre drama ko lang yun. In 3 2 1. "Gail" napangiti ako habang nakatalikod sa kanya. Sabi ko na nga ba di makatiis. Sa akin pa rin ang huling halakhak.




Hindi ko pa rin siya pinansin at nakatalikod pa rin ako sa kanya pero di niya alam nakangiti na pala ako ngayon. "Hoy" sabi niya at hinawakan yung balikat ko. Inalis ko agad yung kamay niya sa balikat ko at umusog palayo. "Oy nagjojoke lang naman ako eh. To naman di mabiro. Eto na oh" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.





May hawak siyang isang white na envelope at parang bata na pilit na binibigay sakin pero hindi ko tinanggap at inirapan lang siya. Napatigil lang ako nang niyakap niya ako. "Happy birthday. Sorry na" bulong niya sakin. 




Napangiti ako  sa sinabi niya at hinarap siya. "Oo na you're forgiven. Akin na yung letter" sabi ko at inabot naman niya sakin yung ginawa niyang letter. Nang binuksan ko na, nakatitig lang siya sakin. 




Gail,


May nagsabi na ba sayo na napakaganda mo? Kung wala pa, ako yung magsasabi sayo. You're the girl that every man dreamed of. I thank you for always being there for me. I couldn't ask for more. Sana maging masaya ka sa araw nato. Hindi kita binati ng personal dahil mas gusto ko na sa letter ako babati. Ako yung unang bumati sayo ha, ngiti kana diyan. I know that this birthday will not be the best birthday for you dahil wala yung parents mo but I want you to know that this birthday is also different because you have me. Enjoy your day please. I love you and thank you for loving me too. Happy birthday mi amor. I have one request for you.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon