Chapter 33: Coffee

87 6 0
                                    

Pagdating ko sa bahay napatingin agad ako sa lalaking nakatayo at nakatingin ng diretso sa akin. Nanginginig yung binti ko habang nakatingin sa mga chinito niyang mga mata. Kumalabog ang puso ko ng husto dahil sa pagtitig niya sakin. Umihip ang malakas na hangin kahit na nandito ako sa loob ng kwarto ko dahil siguro to sa nakabukas na sliding door ko sa terrace.

Lumapit siya ng dahan-dahan sakin. "Namiss kita" bati niya sakin pero hindi nakatakas sakin yung lungkot sa mga mata niya bago niya pinakita sakin ang tuwa sa kanyang mga mata. "I miss you too Silver" bati ko rin sa kanya at nginitian siya. 

Mas nilapitan pa niya ako at niyakap ng mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan. Nagtataka ako nito kay Silver palagi ko siyang niyayaya na sumama sakin sa school pero ayaw niya daw gusto niyang dito lang daw siya sa kwarto ko. "Ayos ka lang Silver?" tanong ko sa kanya.

"Ayos lang naman namiss lang talaga kita" sabi niya. Umatras ako ng bahagya para makita ko yung mga mata niya, bakas pa rin ang lungkot dun. Umiwas naman siya ng tingin sakin at umupo na sa kama ko.

"Kumusta ka sa school?" tanong niya. "Ayos lang naman Silver. Ah siya nga pala Acquaintance Party na namin next week kaya pupunta ako mamaya sa shop ni Shan para magpasukat ng damit" sabi ko sa kanya. Nilingon naman niya ako at halu-halo ang emosyon sa mga mata niya. "Anong theme niyo?" tanong niya.

"Halloween yung theme namin since November naman" sabi ko sa kanya. Napatango naman siya at biglang napangiti pero yung ngiti niya naging tawa. "Bakit? Anong nakakatawa Silver?" tanong ko.

"Wala naisip ko lang na qualified na qualified talaga ako diyan sa party niyo cause I'm a ghost" sabi niya  at pinadaan niya yung daliri niya sa gitna ng buhok niya. Napalunok naman ako sa ginawa niya. Ang gwapo gwapo niya! As in Oh megeeeeeed. Siguro nung buhay pa to si Silver pareho siguro sila ni Kean ng kilig level.

Pakiramdam ko ang pula ng pisngi ko ngayon. "Bakit anong problema Gail?" tanong niya. Tumayo siya at hinawakan ang pisngi ko. Iniwas ko naman yung paningin ko sa kanya. "Wala may naisip lang ako" sabi ko sa kanya.

"Tell me your thoughts please Gail" bigla naman akong nahiya sa sinabi niya baka malaman niya na pinagpapantasyahan ko siya. "Nothing Silver naisip ko lang yung susuotin ko sa party" sabi ko sa kanya. Tinitigan naman niya ako ng maigi. "Anong susuotin mo?" tanong niya sakin. "Gusto ko yung cocktail ni Babrie" sabi ko sabay turo kay Barbie.

"Talaga? Ang ganda mo pag yan ang susuotin mo" sabi niya. "Talaga? Maganda lang ako pag suot ko yan pero pag hindi ko suot hindi ako maganda?" tanong ko sa kanya. Tumawa naman siya at ginulo yung buhok ko. Napasimangot naman ako sa ginawa niya.

"Hindi no. Ang ganda mo kaya palagi" sabi pa niya sabay kurot sa pisngi ko. "Araaaaaay" reklamo ko.  

"Waist...23" sinusukatan ako ng beki dito sa shop nina Shan. Wala daw dito si Shan ay naalala ko may family dinner pala sila ng family niya. Pagkatapos akong masukatan, tinawag naman nila yung designer dito sa shop at sinabi ko sa kanya ang lahat nang gusto ko sa cocktail ko. Ang gusto ko na cocktail ay yung tube-top at dapat fit sa bewang and many more.

Feeling ko ang demanding ko pero sige na nga minsan lang naman ang Acquaintance. Paglabas ko sa shop ni Shan agad kong nilagay sa tainga ko yung phone ko. "Tapos na ako sa pagpapasukat ko" sabi ko sabay tingin kay Silver na nasa gilid ko. 

Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. May topak ba tong si Silver ba't bigla nalang siyang tumawa? "Girl scout na girl scout kana ngayon ah" sabi niya sakin. "Ano? hindi naman ako girl scout ngayon ah. Nung pag elementary ko siguro, girl scout ako" sabi ko habang nakalagay pa rin yung cellphone ko sa tainga ko.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon