Chapter 59: Yakap

26 4 0
                                    


Hindi nakapagsalita si Haneul dahil sa sinabi ng daddy niya. 

Napatingin din ako sa mommy niya at concern na concern ang mga mata niya habang nakatingin kay Haneul. 



"Son are you okay?" pag-uulit ng daddy niya, hindi kasi nakasagot si Haneul, siguro dahil sa gulat. "N-no I'm not sick Dad" sabi niya sa daddy niya. Napabuntong-hininga naman yung daddy niya dahil sa narinig niya.





"Okay so let's not talk about it" napatingin agad ako kay Silver para makita ang reaksiyon niya and I can see pain in his eyes.



Gusto ko na sanang sumingit sa usapan nila pero hinawakan ni Silver yung kamay ko. "Give them time" sabi niya at nginitian ako ng tipid.



Hindi nalang umimik si Haneul at napatingin nalang siya sakin.

Nginitian ko nalang siya para iparating sa kanya na magiging okay lang ang lahat. Tumayo na ang daddy niya at pumunta na ng kusina. Naiwan naman kaming apat dito sa sala. "Gail this is for you" napatingin agad ako sa inabot ni tita na Barbie set.





Nagulat agad ako dahil barbie set ang binigay niya. Ang ganda pa! Kumpleto na may isang barbie tapos may 10 pairs of dresses may bags na din at may sandals na pwede mong palit-palitan at may barbie stickers pa.





Napangiti agad ako ng malapad kay tita. "Tama nga si Haneul na gustong-gusto mo talaga ng barbies. Palagi ka kasing kinukwento niya noon" nakangiting sabi ni tita.



"Talaga po tita? Thank you po dito" sabi ko sa kanya. Napangiti naman siya naghalungkat ulit sa mga gamit niya sa loob ng maleta.



"I also have pasalubong for Dwayne and Shan and also for Trixie" nakangiting sabi ni Tita. 

Napatingin agad ako sa ibibigay niya kay Dwayne, Shan at Trixie. Pair of sandals na kulay black, violet at red. I'm sure kay Dwayne yung black tapos kay Shan ang red at kay Trixie naman yung violet.



"Wow that's so nice tita" sabi ko. Designer sandals kasi ang dalawang sandals. "Oh I almost forgot you also have another pasalubong this is from your tito" nakangiting sabi niya. Namangha agad ako dahil may pasalubong din pala ako galing sa daddy ni Haneul.





"Here" sabi ni tita at binigay niya sakin ang  isang designer bag. Pagbukas ko sa bag nagulat ako nang makakita ako ng pink na sandals na katulad na katulad talaga kay Barbie.



"Oh thank you po nito tito" napatingin agad ako kay Tito na galing sa kusina at pabalik na dito sa living room. "Ang ganda po" panay lang ang tingin ko sa sandals dahil namamangha pa rin ako.



"You're welcome do you like it? Palagi kasing kinukwento ni Haneul samin noon na you like color pink" 

Napangiti nalang ako kay Haneul dahil nakayuko lang siya at parang nahihiya siya. "I like it po salamat po" napangiti din si Tito sakin dahil sa sinabi ko.



Napatingin ako kay Silver na nakatayo lang sa gilid ko at nakangiti siya sakin ngayon. "Ang ganda niyan" sabi niya sabay turo sa sandals na hawak ko. Napangiti nalang din ako sa kanya dahil hindi naman ako pwedeng makipag-usap sa kanya ngayon.





"Son can I talk to you outside?" napatingin agad ako sa daddy ni Haneul nang tumayo siya at sumunod naman si Haneul sa kanya patungo sa labas.



Busy pa rin si tita sa paghalungkat ng gamit niya kaya napatingin nalang ako sa mga bagay na pinapatong niya sa mesa.



May nakita agad akong kulay  itim na may gray na rubber shoes. 

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon