Chapter 29: Connected

79 7 0
                                    


Tuluyan nang nakalapit si Silver sakin. "Anong kailangan mo?" tanong ko sa kaniya at pilit ko siyang tinutulak para hindi makakalapit sa akin. Napahinga ako ng maluwag nang umatras na siya ng isang hakbang.




Tinawanan niya ako dahil sa reaksiyon ko kaya inismiran ko lang siya. Ano bang nakain ng lalaking to? May topak ba to? "Your expression is priceless. You're too cute" sabi niya sabay kurot sa pisnge ko.




"Aray ha!" sigaw ko sa kanya saka tinulak yung kamay niya. "I'm sorry, natatawa lang ako sayo dahil ang cute cute mo talaga." sabi niya at kinurot ulit yung pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak pagkatapos dumiretso na ako sa kama.




"Wag mo nga akong istorbohin. Matutulog na ako. May pasok pa ako bukas kaya pwede ba tigilan mo ako" singhal ko sa kanya. Tumatawa pa rin siya habang kinukuha yug brush ko sa dresser ko.




"Want me to comb your hair?" tanong niya habang papalapit na sakin "Magbibihis muna ako" sabi ko. Pumasok na ako sa banyo at napahawak ako sa puso ko. Ano kaba? Hindi ka pwedeng magkaganyan baka magiging Most Marupok naman ako sa Park University.




Hindi ako makakapayag na maging katulad ako ni Silver pero bakit ganito? Siya yung nagpapatibok ng puso ko ngayon kailangan ko tong pigilan pero ano ba matigas talaga tong puso ko.




Pagkatapos kong magbihis ng pajama, lumabas na agad ako ng cr. Nakita ko siyang nakaupo sa kama ko at para siyang inaantok or imagination ko lang ba yun? Hindi naman siguro mapapagod ang multo.




"You look tired" sabi ko sa kaniya sabay tabi sa kama. Napakabog na naman ng napakalakas yung puso ko. Napahawak ako dun, kinakabahan ako baka marinig niya. "Hindi ako napapagod, ikaw kaya diyan ang pagod" sabi naman niya at sinenyasan akong maupo sa upuan na malapit sa dresser.





Sinunod ko nalang yung gusto niya at naupo na sa upuan. "You know what, ikaw yung kauna-kaunahang babae na nasuklay ko" tawa niya sabay kamot sa ulo niya. "Bakit si Trixie hindi mo ba sinusuklay noon?"' tanong ko naman.




Naalala ko tuloy di pa naman kami friends ah. Bakit nakikipag-usap ako ngayon sa kaniya? bahala na nga, ngayon lang naman. "Hindi. Sa school lang kami laging magkasama noon kaya wala kaming bonding na ganito" sabi naman niya.




Napatango nalang ako, ah kaya pala. "Hindi kana galit sakin?" tanong niya habang tinitigan ako sa salamin. Hindi ko nalang siya inimikan dahil alam ko sa sarili ko na galit pa rin ako sa kanya. "Matutulog na ako" sabi ko.

Oh My Ghost!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon