Chapter 6

195 2 0
                                    

Hi nga pala kay Kaye_erlyn. Sorry kung ngayon lang ako nakpag-update at medyo sabaw pa. Pagpasensyahan niyo na, babawi po ako.

=============================================

The Plan...

IVAN

I WAS thirty minutes early nang makarating ako sa HA. Ang ganda ng araw ko. Ang ganda ng gising ko. Pakiramdam ko nga, walang makakasira ng araw ko ngayon sa sobrang ganda ng mood ko, e.

Hindi naman talaga ako maagang pumapasok. But this time, sinadya ko talagang gumising at pumasok nang maaga. I am planning something hella fun today. I smirked at that thought.

"Uy!"

"Shit!" Nalingunan ko si Kevin na natatawa as rekasyon ko. "Ba't ka ba nanggugulat?!" Fuck!

Tinampal ko ang letseng kamay niyang itinapik niya sa balikat ko. Pakshet!

Natatawang umupo siya sa katabi kong upuan. Ang aga din ng isang 'to ah.

"Nawiwirduhan kasi ako sa'yo," aniya.

Pinangunutan ko siya ng noo. Iyong tipong nagtatanong kung bakit ako naging weird sa paningin niya. At alam kong alam niya na 'yon.

Matagal na kaming magkaibigan nito. Magkababata kami. Our parents are best of friends. Kaya pati kami ay naging matalik na ring magkaibigan. Halos buong buhuay ko yata, kasama ko na 'to. Kung saang eskwelahan ako naroon, naroon din siya. Iyon din ang gusto ng mga magulang namin.

Mula pre-school hanggang ngayong nasa senior high na kami, magkasama pa rin kami. Labingwalong taon na kaming magkasama, kaya kampante akong gamay na gamay na namin ang ugali ng isa't isa. Halos lahat ng mga nangyayari sa kanya-kanyang buhay ay alam namin pareho.

Samantalang iyong tatlong ungas ay dito nalang namin nakilala sa school. Naging magkaklase kami noong tatlo simula noong junior high school. At naging magkakaibigan rin kalaunan.

He raised both his hands as a sign of defeat.

"Chill...Nakita kasi kitang pangisi-ngisi diyan kanina." Natatawa pa ring turan niya. "Noong isang araw ka pa ganyan, e."

Imbes na mainis sa sinabi niya, bigla kong naalala ang iniisip kong plano kanina. Mas nangibabaw ang excitement ko kaya hindi ko na namalayang napapangisi na naman pala ako.

"Oh, kita mo na? Teka...'wag mong sabihing may binabalak ka na naman?"

Hindi ko siya sinagot. I just smirked at nagkibit balikat nalang din ako.

"Wag na pala. Just by looking at your face right now, I could already say you're up to something.", dagdag niya pa habang umiiling.

Of course, he'll know. Kahit hindi na ako umimik pa, alam kong malalaman pa rin niya ang sagot. He's my best friend after all. He knows me better than anyone.

"So, what's the plan? And for...whom?" he probed.

Saglit ko lang siyang sinulyapan sabay ngisi. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at ipinatong ang isang paa ko sa arm pad nito't prenteng-prenteng umupo.

"I was planning something for that new girl," pag-amin ko.

Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likod ng ulo, intertwining my fingers from the back. Ginawa ko iyong sandalan ng ulo ko. Then I looked at him with a grin on my face.

The NGSB CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon